Hanggang hapon ay wala pa rin akong kagana-gana. Ni hindi ko nagawa ang mga activities ko. It was a surprise na hindi ako sinisita ng mga profs ko but I am thankful dahil hindi ko rin naman maipapaliwanag nang mabuti sa kanila ang kawalan ng mood ko. Bandang alas tres nang pumasok ang President at Secretary ng organization ng mga Fine Arts students. Kinausap nila ang prof namin at nagulat pa ako nang tumingin silang tatlo sa akin. "You're excused, Miss Samonte. May practice raw kayo para sa Induction n'yo on Friday." Napatayo tuloy ako nang wala sa oras. "Ako na ang bahala sa mga gamit mo, Lyke. Iwan mo na rin pati iyang DSLR mo pero dalhin mo iyang phone mo para mapuntahan kita mamaya kung sakaling tapos na ang klase at hindi pa kayo tapos mag-practice." Napangiti ako kay Jaki dah

