"Ano?" bulalas ko. Hindi na rin nagsalita pa ang babae. Namayani ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Nanatili lang akong tahimik habang iniisip kung paano ako napunta sa ganitong sitwasyon. Kanina lang ay mapayapa akong natutulog. Ngayon ay nandito na ako kasama ang babaeng ito na mukhang balak ng mamatay.
Grabe!
Muli akong napatingin sa pinto ng makarinig ng yabag papalapit duon. Ito na ata ang katapusan ko. Mawawalan na ata ng gwapong anak si Mama. Mukhang mamamatay ako ng virgin nito.
Sumunod kong narinig ang paghawak nito sa doorknob. Para bang nataranta lalo ang sarili ko dahil hindi pa naman ako nakaka-encounter ng ganito. Oo magnanakaw ako. Pero pagdating sa ganitong bagay, labas ako riyan.
Nadapo ang aking paningin sa bintana. Nakasarado ito. Agad pumasok sa isipan ko ang buksan ito at duon dumaan. Kung nakasarado ang pinto, may bintana pa naman. Dahil sa naiisip ko, napatingin ako sa babaeng nasa tabi ko. Nagdadalawang-isip ako kung isasama ko ba siya o hindi. Gusto na niyang mamatay. Bakit hindi ko nalang siya hayaan dito?
"Alis na ako ah." Mahina kong bulong sa kanya. Naramdaman kong gumalaw siya paharap sa akin.
"Iiwan mo ako?" tanong niya. Natigilan ako saglit. Parang ang ungentle man ko naman kung iiwan ko ang isang babae sa ganito kadilim na lugar. Isa pa ay mukhang hindi rin maganda na hayaan ko siya dito at mapatay ng mga nilalang na iyon. Konsensya ko pa kapag nabalitaan ko ang karumaldumal na pagpatay na naganap sa abandonadong ito.
"Tsk!" tumayo ako mula sa pagkaka-upo at saka naglakad papunta sa bintana. Tiningnan ko kung bumubukas ito. Maayos naman ito at mukhang kasya ang tao.
Muli akong naglakad papalapit sa kanya. Naaaninag ko siya ngunit hindi ko gaanong makita ang mukha. Pag-upo ko sa tapat niya ay agad ko siyang binulungan. Hindi pa rin kase umaalis sa pinto ang kung sino man iyon.
"Sa bintana tayo dadaan." Wika ko. Hindi sumagot sa akin ang babae. Sumunod lang siya sa mga ginagawa ko. Tahimik kaming dumaan sa bintana. Wala rin siyang ibang sinabi. Mabuti nalang at nakalabas kami ng wala manlang nakakapansin. Ako ang nanguna sa pag-alis namin dito sa abandonadong lugar na ito. Kabisado ko na ito kaya naman alam ko na ang pasikot-sikot.
Naging tahimik na rin ang buong lugar. Hindi ko na naririnig pa ang mga misteryosong nilalang na iyon na humahabol sa babaeng ito. Nang tuluyan kaming nakalabas ay duon lamang ako nakahinga ng maluwag.
"Grabe! Mabuti nalang at hindi tayo natunugan." Wika ko. Nasa likuran ko siya ngayon at hindi umiimik.
"Hoy! Kung ano mang dahilan kung bakit ka hinahabol ng mga iyon, labas na ako dyan. Bahala kana sa buhay mo. Mauuna na ako." Wika ko. Kinawayan ko pa ang babae at naglakad paalis duon.
Para bang nawala ang antok ko. Hindi ako makapaniwala na makakaranas ako ng ganon. Isa pa, hindi ko rin inaasahan ang sarili ko na makikisakay sa ganoong trip. Bakit ko ba tinulungan ang babaeng yon? Hindi naman ako ganito. Tsk! Ako ata ang baliw sa amin e.
Tumingala ako sa kalangitan. Sa tansya ko ay alas nuwebe nang gabi na. paniguradong lagot ako sa nanay ko nito. Kahit naman 19 years old na ako, may takot pa rin ako sa nanay ko. Sino ba naman ang hindi matatakot kapag ganon ang nanay? Palaging namumuti ang mata na akala mo sinasapian ng demonyo. Paniguradong sinusulsulan nanaman iyon ni che-che.
Huminga ako ng malalim. Hindi ko maiwasang masapo ang aking noo. Pwede pa rin kaya kami duon? Baka mamaya ay may illegal na nagaganap duon. Baka madamay kami. Napakamas naman ng araw na ito.
"Hoy! Sabing sandali lang." napahinto ako sa paglalakad at lumingon sa likuran ko. Nakita ko ang babaeng iyon na nakabuntot sakin. Nasa tapat kami ngayon ng isang lamppost. Ngayon ay malinaw ko ng nakita ang mukha ng babae.
"Bakit?" kalmado kong tanong. Huminga siya ng malalim at saka lumapit sa akin. Sobrang lapit niya sa akin na halos ilang inches nalang ay magkakadikit na kami. Ano bang problema nito? May sayad sa utak.
"Tulungan mo ako." Wika nito. Napataas ang isa kong kilay dahil sa sinabi niya.
"Huh?"
"Sabi ko, tulungan mo ako. Bingi!" Aba't siraulo pala ito e. Ang lakas ng loob na tawagin akong bingi. Narinig ko naman sya e. Hindi ko lang maintindihan ang sinasabi nya. Anong tulong ang kailangan nito? Hindi nya ba alam ang daan papunta sa mental hospital?
"Miss, kung may kailangan ka, magsabi ka ng maayos." Wika ko sa kanya. Umatras siya sa akin. Muli kong nakita ng maayos ang mukha niya dahil sa liwanag. In fairness, maganda siya. Iba ang uri ng kagandahan niya. Unique!
"Sorry." Mahina niyang sabi. Naningkit ang mata ko dahil sa pagyuko niya. Mukhang aware naman pala siya na baliw sya.
"Tsk!" Agad ko na rin siyang tinalikuran. Kailangan ko ng umuwi at makapagpahinga ng maayos. Sobrang daming kamalasan ang nangyare sa akin ngayon. Hindi na ako natutuwa. Isama mo pa ang babaeng ito na mukhang nakatakas nga talaga sa mental hospital.
"Oy sandali!" Muli akong napahinto sa paglalakad at humarap muli sa kanya. Nakaka-ilang hakbang palang ako mula sa lamppost na iyon. Nanduon pa rin siya sa ilalim ng lamppost at nakatingin sa akin. Medyo creepy sya sa part na iyon.
"What?" Muli kong tanong sa kanya. Ang dalawang kamay niya ay nasa magkabila niyang gilid habang nakatikom ang kanyang mga kamao. Ngayon ko lang napansin na nakasuot siya ng isang dress. Medyo punit-punit ang laylayan nito at magulo ang buhok niya. Gayon pa man ay tanaw na tanaw parin ang kakaiba niyang kagandahan.
"I need your help." Hindi agad ako nakasagot sa sinabi niya. Hindi ko talaga alam kung paano siya tutulungan. Nararamdaman ko na hindi maganda ang sitwasyon niya ngayon. Mukhang seryoso ang mga lalaking iyon kanina. Kung ano man ang gulong pinasok ng babaeng ito, malamang na hindi maganda.
"Anong klaseng tulong ba ang kailangan mo?" Tanong ko sa kanya. Para bang umaliwalas ang kanyang mukha ng marinig ang sinabi ko. Nanatili akong nakatingin sa kanya habang inaantay ang sagot niya.
"Ano kase..." Kahit mahina ang pagkakasai niya nito ay narinig ko pa rin. Napataas ang isa kong kilay. Ano ang problema nito? Aabutin kami ng siyam-siyam dito kung hindi nya pa sasabihin. Kung ano man ang kailangan nito, wala parin naman akong kasiguraduhan kung matutulungan ko sya. Siguro kung kaya ko. Ngunit base sa kilos at galaw ng babaeng ito, mukhang mabigat ang tulong na gusto niya.
Napakamalas ko naman talaga!
Hanggang ngayon ay napapa-isip pa rin ako kung paano ako napunta sa ganitong sitwasyon. Paano kung hayaan ko nalang kaya siya? Like magpanggap nalang ako na hindi ko siya nakita o kilala. Tama-tama. Ganon na nga lang siguro.
"Ay grabe! Gabi na pala, nako kailangan ko ng umuwi. HAHAHAHA!" Medyo naningkit pa ang mata ko dahil sa awkward ng pagkakatawa ko. Saglit akong napatitig sa babaeng iyon. Kitang-kita ko sa mukha niya ang pagtataka. Siguro iniisip nito na baliw ako.
"Sige na babae. Kung kailangan mo tulong, hatid nalang kita sa presinto. Malapit lang iyon dito."
"NO!" Nagulat ako ng bigla siyang sumigaw. Natigilan din ako sa paglalakad. Ano ba talagang prolema nito? Paano ako aalis nito? Ang bastos naman tingnan kung bigla ko siyang talikuran at kumaripas ng takbo. Haist men!
"Anata ni mukatte sakendara gomen'nasai (I'm sorry if I shouted at you)." Ano daw? Tang*nang to. Ang creepy nya na talaga men. Nagsasalita na siya ngayon ng ibang lenggwahe. Anong language yon? Salita ba iyon ng demonyo? Tang*na talaga. (A/N: It's the Japanese language.)
"T-Teka lang, ano?" Nanatili pa rin ako sa pwesto ko. Sya naman ay nanduon pa rin sa ilalim ng lamppost. Natatakot na talaga ako sa presensya niya.
"Watashi wa itta--- sabi ko huwag kang umalis. (I said)" Napakunot ako ng noo. Ano ang problema nito? Tsk! Inaaot na kami ng siyam-siyam dito. Hinahanap na ako ni mama.
"Anong kailangan mo kase? Like, diba kailangan mo ng tulong?" Diretsa kong sabi. Agad siyang tumango at lumapit sa akin. Medyo napa-atras ako ngunit huli na. Nahawakan na niya agad ang kamay ko. Para bang nanigas ang katawan ko dahil sa ginawa ng babaeng ito. Masyado syang mapusok!
"Hontōni? Tutulungan mo ako? (Really?)"
"Hoy! Wala akong sinabi. Nagtanong lang ako. Saka tigil-tigilan mo ako sa mga salita mo. Ang creepy." Agad syang bumitaw sa akin pagkatapos niyang marinig ang sinabi ko.
"Hindi naman creepy ang Nihongo e. It's the Japanese language." Wika nito. Para siyang bata na nagpapaliwanag sa magulang. May sayad nga talaga siya.
"Sige sabi mo." Wika ko sa kanya. Agad din akong napa-isip sa sinabi. Ang Nihongo ay sa Japan, diba? Grabe! Marunong siya magjapan-japan. Paano nya kaya ito natutunan? Baka may lahi sya? Kung may lahi sya edi mayaman sya. Aba ayos to! Blessing in disguise.
"Bakit ka nakangiti? Manya---"
"Anong tulong nga ulit ang gusto mo? Naliligaw ka ba? Tara hatid na kita. Delikado sa daan lalo na sa napakagandang dalagang kagaya mo." Wika ko habang nakangiti. For sure ay namumula na rin ang kanyang pisngi. Sino ba naman ang hindi kikiligin sa mga ganitong banat diba?
"Hindi ako naliligaw. I just really need your help." Sambit niya.
"Sige ano iyon?" Nakangiti ko pang sabi. Medyo madilim sa parte namin ngayon. Nakalagpas na kami sa lamppost kaya naman mahirap para sa akin ang makita ang kanyang mukha. Narinig kong huminga siya ng malalim bago nagwika.
"Tulungan mo akong pabagsakin ang aking ama." Hindi ako nakakibo sa sinabi niya. Para bang paulit-ulit na umaalingawngaw sa utak ko ang mga salitang binanggit niya ngayon-ngayon lang. Para syang nage-echo sa loob ng utak ko.
Ano ulit iyon?
Pabagsakin ang kanyang ama?
Seryoso ba sya?
Tang*na talaga! Hindi lang siya baliw. Hindi lang siya may sayad. Sobra pa sa mga salitang iyon. Bakit sa akin sya humihingi ng tulong? Anong akala nya sakin, superman? Magnanakaw ako at hindi isang tagapagligtas ng kung sino mang prinsesang hindi makababa sa tore.
"Huh?"
Nakita kong napasabunot siya ng buhok. Nanatili pa rin akong naghahantay sa sasabihin niya. Kailangan ko ng explanation para sa mga salitang iyon. Hindi talaga normal ang babaeng ito.
"Kare wa hontōni mimi ga kikoemasen. (He's really deaf)" Wika niya habang umiiling-iling pa. Eto nanaman siya sa pagsasalita niya ng ibang lenggwahe. Tsk! Hindi kaya iniinsulto na niya ako? Malaman ko lang talaga kung ano ang mga pinagsasabi niya.
"Sabi ko, tulungan mo akong pabagsakin ang aking ama." Wika muli niya.
"Oo narinig ko. Ang ibig kong sabihin, paanong pabagsakin? Like, paano?" Tanong ko sa kanya. Hindi ko talaga maintindihan o sadyang ayaw lang umintindi ng utak ko. Sa isang iglap, makakarinig ako ng ganitong mga salita. Para akong nasa teleserye. Nakakabaliw amp*ta!
"I don't know." Para bang nabagsakan ako ng isang mabigat na bagay sa balikat ko. Ano yon? Bakit niya ako isasama sa isang sitwasyon na wala palang kaplano-plano. Nasisiraan na ba sya?
"Bakit ako?" Muling tanong.
"I don't know."
"Huh?"
"Nante mimigakikoenai. (What a deaf)" Eto nanaman sya sa pagjajapan-japan niya. Hindi ba sya nagsasawa. Feeling ko talaga nilalait na niya ako e.
"Baliw." Bulong ko sa sarili ko. Nagsimula na akong maglakad. Hindi ako lumingon sa likuran ko ngunit ramdam kong nakasunod siya sa akin. Bahala sya sa buhay niya.
Habang naglalakad ay hindi ko maiwasang mapasipol-sipol. Malamig ang simoy ng hangin ngayong gabi. Rinig ko rin ang mga sasakyan na dumaraan sa McArthur highway. Kitang-kita ko mula sa pwesto ko ang mga nagtataasang gusali. May ilang mga kwarto sa mga gusaling iyon ang may ilaw.
Tuwing tumitingala ako duon ay hindi ko maiwasang mapa-isip. Ano kaya ang pakiramdam ng tumira sa mga lugar na ganyan? Yung nakakahiga ka sa malambot na kama habang nasa tabi mo ang bintana kung saan tanaw na tanaw ang syudad. Ang sarap siguro sa feeling non.
Habang naglalakad ay napatingin ako sa pangilan-ngilang pulubing naglalagay ng banig sa gilid ng kalsada. Kung malas at mahirap ang buhay ko, paano naman sila? Mas mahirap mabuhay araw-araw para sa kanila. Maswerte pa rin talaga ako.
Hindi ko namalayan na nasa tapat na kami ng presinto. May iilang mga pulis duon na mukhang pa-uwi na. Ang iba ay papasok palang. May ilan ding mga civilian ang pumapasok. Mukhang may ganap ah!
Ipagpapatuloy ko na sana ang paglalakad ng makarinig ako ng tawag sa pangalan ko. Hay nako! Kilala ko na kung sino iyon. Sa tono at sa ritmo ng boses nito ay pamilyar na pamilyar na ito sa akin.
"Saan ka galing bata ka?" Naramdaman ko ang kamay nito sa balikat ko. Naningkit ang mata ko at saka humarap sa kanya.
"Bitawan mo nga ako. Saka hindi na ako bata." Wika ko sa babaeng pulis na ito. Pauwi na ako't lahat-lahat. Bakit kailangan ko pa siyang makita? Napakamalas naman talaga oh!
"Oo na, oo na! Hindi ka naman mabiro." Wika nito. Tiningnan ko lang siya. Ayoko talaga banggitin ang pangalan niya. Bakit sa dami ng magiging pangalan niya, kapangalan pa ng ex ko? Ang virus talaga ni Alianna. Tsk!
"Oi oi! Sino naman ang magandang babaeng kasama mo?" Sabay kaming napalingon sa aking likuran. Duon ay nakita namin ang babaeng iyon na nakatayo habang nakatingin sa amin. Kitang-kita sa mukha niya na naiilang na siya kaya naman umiwas na ako ng tingin.
"Nakikita mo sya?" Tanong ko sa babaeng pulis na ito. Gulat syang napatingin sa akin at saka bumulong.
"Teka, wag mong sabihing multo ang babaeng iyan?" Medyo nanginginig pa siya habang sinasabi iyon. Hindi ko maiwasang matawa.
"Hindi ko alam. Kanina pa niya ako sinusundan." Sambit ko pa. Mas lalong natakot ang babaeng pulis na ito kaya naman agad siyang kumapit sa braso ko. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay naramdaman ko ang hinaharap niya. Dito ko napagtanto na nakadikit na pala ito sa braso ko.
"Tantoco!" Bulyaw niya sa akin.
"Ano..."
"Bakit ba?" Wika ko sa babaeng pulis na iyon.
"Chottomatte... (Wait a minute)"
"Bat ganyan ka makangiti ah? Bastos ka talaga." Bulyaw niya sa akin. Agad na rin siyang bumitaw sa akin.
"Ikaw nga itong dikit ng dikit sa akin e." Sagot ko sa kanya. Hindi na sumagot ang babaeng pulis na ito. Nag-pout lang siya na parang bata.
"Gomeiwaku o okake shite mōshiwakearimasen... (sorry to interrupt you)" Sabay kaming napatingin ni Alianna sa babaeng nasa harapan namin ngayon. Hindi ko alam kung anong dahilan nanaman at nagsasalita na siya ngayon ng japan-japan. Feeling ko talaga ay nilalait na ako nito e.
"Multong nagninihongo?" wika ni Alianna. Napalingon ako sa kanya ng sabihin niya iyon.
"Teka, marunong ka rin magsalita nyan?" Tanong ko. Tumango siya sa akin at taas-noong nagsalita.
"Of course. Minsan na akong nagpunta ng Japan no." Wika nito.
"Wow! Dakara anata wa watashi o rikai suru koto ga dekimasu ka? (So, you can understand me?)" Muli akong napatingin sa babaeng pulis na nasa tabi ko. Salitan ang tingin ko sa kanila na akala mo ay nakikinig ako sa mga nagsasalitang demonyo.
"Hai, wakarimasu. (Yes, I understand you.)" Muli akong napatingin sa babaeng nasa harapan namin. Ngayon ay hindi na ako natutuwa. Dumarami na sila. Bakit ba napaliligiran ako ng mga ganitong uri ng babae? Yung ex ko na si Alianna na kapangalan ng babaeng pulis na ito ay isa naman Chinese. Ano ako? International boyfriend?
"Rikai shite itadaki arigatōgozaimasu. (Thank you for understanding.)" Wika ng babaeng nasa harapan ko. Pagkatapos ay tinapik ako ni Alianna.
"O sya! Umuwi na kayo. Malapit na maghatinggabi. Mamaya mapahamak pa kayo sa daan." Wika niya sa akin. Hindi ako sumagot. Nanatili akong nakatitig sa babaeng nasa harapan ko ngayon.
Bakit nakangiti sya ngayon?
I mean, bakit ang aliwalas niyang tignan?
It's mesmerizing!
***
Ps. I'm not a professional Japanese speaker. I just google it. Expect to read more Japanese language here. Read more!