'Baliw na Babae'
Mataas ang araw ngayon. Sobrang tindi ng init ng araw na halos masusunog na ako kahit isang segundo lang ako sa labas. Tang*na kaseng global warming to. Tang*nang mga tao to. Saan-saan nagtatapon ng basura. Tang*na tayo-tayo din ang nagdudusa e. Bwisit talaga. Hindi ko pa naman nadala yung payong ko. Syempre, bakit naman ako magdadala ng payong. Sa gwapo kong ito pagdadalahin ako ng payong. Bulaklak pa ang design. Pweh!
Napapabusangot na lang ako dito sa sulok habang naghahanap ng tyempo para makaalis. Hindi talaga kaya ng balat ko ang tindi ng araw. Matutusta ako ng buhay. Sabi ko naman kase kay Mama na panglalaki dapat yung payong ko. Ayaw makinig. Sinusulsulan kase nila che-che. Bwisit!
Ilang minuto akong naka-upo dito sa hagdanan sa may entrance ng mall. Napagtripan ko kaseng magpalamig dahil nga mainit. Ang problema ay wala na akong pera kaya naman naisipan ko ng umalis. May dignidad pa rin naman ako noh!
Maya-maya ay nakita kong medyo kumulimlim. Napangiti ako dahil makaka-alis na rin ako. Kailangan ko lang makarating sa panibagong liliman upang duon naman magsilong. Pagtayo ko ay saka ako sumabay sa grupo ng mga kababaihan na kalalabas lang din ng mall. Sa tansya ko ay mga high school ang mga ito. Mga naka uniform pa kase sila.
Napalingon sa akin ang isa sa kanila. Nginitian ko siya upang hindi naman awkward ang pagtitig niya sa akin. Kung titigan niya ako ay parang hinuhubaran niya ang buo kong pagkatao. Nakakapangilabot!
"Hi kuya!" Bati nito sa akin. Saglit akong natigilan. Ang lakas din pala ng loob nito. Nagawa pa akong kausapin. Pero hayaan mo na nga. Bata pa siya at malamang ay nasa stage nang mga 'crush' kuno.
"Hi." maikli kong tugon dito. Mukhang napansin ata ng iba niyang kaibigan kaya naman narinig ko ang medyo kinilig sila na ewan. Sanay na ako sa ganyan. Marami na akong na-encounter na ganon kaya hindi na problema sa akin ang mga babaeng kinikilig kapag napapansin. Hindi naman sa pagmamayabang ah!
"Sige girls. Una na ako." Wika ko. Nakita ko pang namumula ang isa sa kanila na mukhang tinutukso na ng mga kaibigan. Mabilis akong humiwalay sa kanila at tumakbo. Alam kong ilang segundo o minuto ay mapapansin na nila ang ginawa ko. Ilang sandali ay hindi nga ako nagkamali. Umalingawngaw sa buong paligid ang sigaw ng babaeng iyon. Hindi ko mapigilang matawa dahil para bang late reaction pa siya.
"MAGNANAKAW!!!"
Binilisan ko ang takbo ko. May mga nakapansin na rin kase sa akin at halos pinagtitinginan na rin ako. Hawak-hawak ko ang isang cell phone at wallet niya na mabilis kong nakuha sa kanya. Hindi ko mapigilan ang ngiti ko ng makitang mamahalin ang cell phone nito na may tatak pa ng isang sikat na cell phone brand. Mukhang mahal ito kapag binenta ko.
"MAGNANAKAW!!!" Hanggang sa pwesto ko ay rinig ko pa rin ang sigaw ng babae. Hinahabol na rin nila ako. Nagulat ako dahil ang bibilis nila. Nako, mukhang mapapalaban ako nito.
Mabilis akong lumiko papunta sa town park kung saan mas maraming tao. Medyo nahirapan pa ako dahil ang hirap makipagsiksikan. Nakalimutan ko kung anong araw ngayon. Bakit pa ang daming tao? Di pa naman pasko e. Tang*na naman oh!
Habang tumatakbo ay iniiwasan kong makabunggo ng kahit na sino. Mas matatagalan ako kapag nangyare iyon. Isa pa ay ayaw talaga ako tantanan ng mga high school girls na iyon. Hinahabol parin nila ako. Bwisit naman talaga. Hindi ba sila marunong gumive-up? Makakabili naman ata sila nito e.
Maya-maya ay napahinto ako ng may isang patrol car ang huminto sa harapan ko. Para bang nag-otomatik na nagpreno ang mga paa ko. Saktong-sakto mismo sa tapat ng pintuan ng patrol car na iyon. Aatras sana ako ngunit nasa likuran ko na agad ang mga babae. Hingal na hingal din sila sa pagtakbo. Sino ba naman kase nagsabi na habulin ako? Hindi ko naman mapigilang matawa dahil sa mga tanong na iyon sa isip ko.
***
"Ikaw nanaman, Keith Ellis Tantoco?" Napayuko ako ng banggitin ng babaeng pulis na ito ang buo kong pangalan. Sa isang iglap, hindi ko namalayan na nasa presinto na ako. Parang kumurap lang ako saglit.
"Sa loob ng isang linggo, naka-apat na beses kana dito. Anong klaseng tao yan?" Napapa-iling na sabi ng babaeng pulis. Sa totoo lang, kilala ko naman sya. Pero medyo na-aasiwa lang ako sa pangalan nya. Hindi ko bet. Kapangalan nya yung ex ko.
"Ayaw mo nun, lagi mo ko nakikita." Banat ko sa kanya. Naramdaman kong kinutusan niya ako. Oo, sa harap mismo ng mga high schoolers na ito. Bakit ba kase nandito rin sila?
"Well, sa pagkakataong ito, mukhang wala ka ng kawala." Wika niya. Napatingin ako sa kanya. Sinenyasan naman niya ako at itinuro ang grupo ng mga high schoolers.
"Magsasampa ba kayo ng kaso dito?" Tanong ng isang pulis. Napatingin sa akin ang babaeng nginitian ko kanina. Dahil duon, ngumiti muli ako sa kanya. Ipinakita ko ang napakaganda kong ngiti. Medyo nagulat pa siya sa ginawa ko. Pagkaraan ay nakita kong namula rin siya. Kaya naman agad siyang tinukso ng mga kaibigan nito.
"H-Hindi na po, S-Sir." Pautal-utal nitong sabi. Lumawak ang ngiti ko. Pakiramdam ko ay abot na hanggang tenga. Nagwagi nanaman ako. YES!!!
"Sigurado kayo?" Tanong ulit ng pulis. Nawala ang ngiti ko dahil sa follow-up question na iyon.
"Hindi na nga daw e. Ito si Sir Ivan masyadong mapilit." Bulalas ko. Nakita kong napangiti ang mga babaeng iyon ng mapalingon ako sa kanila. Kitang-kita ko naman ang pagka-dismaya sa mukha ni Sir Ivan. Ganon din ang babaeng pulis na iyon na nasa tabi ko.
"Nagwagi ka nanaman. Tsk." Bulalas ng babaeng pulis na ito. Agad na niya akong pinakawalan mula sa pagkakaposas. Saglit kong hinawakan ang mga braso ko dahil medyo makati iyon. Pagkatapos ay tumayo ako upang mag-inat inat.
Sabay-sabay kaming lumabas ng presinto. Hinatid kami ng bababeng pulis na iyon. Bakit ba kase kailangan nya pang sya ang maghatid? Ang dami-dami nila sa loob. Palagi nalang siya. Sa totoo lang, hindi ito ang unang beses na nakapasok ako. Baka malakas to! Suking-suki na ako dito kaya naman kabisado ko na halos lahat ng pulis na nandito. Ilan lamang sa sobrang close ko na ay sina Sir Ivan at ang babaeng ito na kapangalan pa ni ex.
"Hanggang sa uulitin." wika niya ng may halong pagka-sarcastic. Naningkit ang mga mga mata ko at tumango-tango sa kanya.
"Oo na, oo na. Mamimiss mo lang ako e." Pang-aasar ko sa kanya. Tinaasan niya ako ng kilay.
"For your information, bakit naman kita mamimiss, aber?" Nakapamewang pa siya habang sinasabi iyon.
"Ewan ko. Bakit nga ba?" Tanong ko pabalik. Inirapan nya lang ako at tumalikod na sa akin. Kitang-kita ko ang kurba ng kanyang katawan. Parang bote ng coke. Hindi man halata ngunit masasabi kong maganda ang pangangatawan ng babaeng ito. Nababalot lang ng uniporme ng pulis.
"Tinitingin-tingin mo? Alis na. Shooo!" Napakasama talaga ng ugali oh! Tsk! Naglakad na ako paalis sa police station na iyon. Ngunit kasabay non ang pagngiti ko. Nagwagi nanaman ako. Expected ko na iyon, ngunit sa pagkakataong ito at doble. Kinuha ko sa bulsa ko ang kumpol ng perang papel na nakuha ko sa wallet ng high schooler na iyon. Hindi naman kawalan sa kanila iyon. Ang dami niyang credit cards kaya naman ang kumpol ng perang ito ay hindi kawalan sa kanila.
Pasipol-sipol ako habang naglalakad sa gilid ng kalsada. Hindi na rin gaanong mataas ang araw. Katunayan ay malapit na maghapon kaya naman medyo kayang-kaya na sa balat ang init nito.
Pumara ako ng taxi upang mas mapadali ang pagpunta ko sa lugar na iyon. Kapag ganitong nakakakuha ako ng malaki-laking pera ay duon ako dumidiretso. Syempre, share your blessings. Ika nga.
"Dyan lang sa sirang daan." Wika ko sa kanya. Hindi sumagot sa akin ang driver. Sa halip, pinasadahan nya lang ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Anaknang--- mukha bang hindi ako magbabayad?
Ilang minuto akong nasa loob ng taxi. Habang nakaupo ay hindi ko maiwasang isipin ang mga nangyare sakin simula paggising ko. Sa totoo lang, sobrang malas talaga. Mukhang may galit sa akin ang buong araw na ito. Pero ayos na rin ito. Tingnan mo nga't nakakuha pa ako ng malaking pera.
"Nandito na tayo." Rinig kong sabi ng driver. Napalingon ako sa kanya na ngayon ay nakatingin sa rear mirror ng sasakyan. Napa-smirk ako sa kanya dahil sa kakaibang tingin nya sa akin. Mukha ba talagang hindi ako magbabayad? Anak ng tinolang baka!
"Eto bayad oh!" Walang emosyon kong sabi. Tinanggap nya rin ito na akala mo ay napilitan pa. Naningkit ang mata ko dahil sa mga iniisip ko. Para naman magmukhang astig ako sa paningin ng taong ito ay lumabas na ako mula sa taxi nya.
"Oy! Sukli mo." Ngumiti ako ng may halong pagmamayabang at humarap sa driver.
"Keep the change." Sagot ko. Naiwan sa ere ang kamay ng driver kung saan hawak-hawak nya pa ang sukli ko sa isang libo.
Pasipol-sipol muli akong naglakad papasok sa isang lumang gate. Narinig ko na ring umalis ang taxi. Pagpasok ko sa loob ng gate ay nag-unat unat pa ako na akala mo ay galing sa mahabang pagkakahiga. Muli akong nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa mkarating ako sa likurang bahagi ng mansyon na ito.
Abandonado na kase ito at wala na rin akong balita sa may-ari. Mga limang taon na daw bakante ito kaya naman ito na ang nagsisilbing tambayan ko at syempre 'secret' hideout. Hindi naman siya masyadong halata.
"Andyan na si boss." Rinig kong sambit ng isang pamilyar na boses. Pagpasok ko sa isang kwarto ay bumungad sa akin ang apat na tolonggos. Mga naka-upo sila sa iba't ibang upuan na sila mismo ang nagdala. Wala naman kase gamit sa loob nito.
"Kamusta boss?" Bungad sa akin ni Ash. Ang pinaka bobo sa amin. Sya ang unang bumungad sa akin samantalang yung tatlo ay parang nasa kanya-kanyang mundo.
"Ayos naman. Nakita ko nanaman yung babaeng iyon." Sambit ko at saka ibinagsak ang sarili sa malaking sofa na ako mismo ang nagdala. Nakasunod sa akin si Ash. Mukhang may idea na siya kung anong nangyare sa akin.
"Nahuli ka nanaman? Pang apat na ito ngayong linggo ah. Malas mo naman." Sambit niya. Siningkitan ko siya ng mata. Ayos ah!
"Anong ganap? Bakit nandito kayong lahat?" tanong ko sa kanila. Pinasadahan ko ng tingin silang apat. Hindi naman madalas magpunta itong mga gag*ng ito dito. Minsan lang kapag may nangyare o kaya ay namimiss nila ako.
"Yung kabilang gang, naghahamon ng away." Wika ni Jet. Naka-cross arm siya na akala mo ay isang isnaberong lalaki pero may sayad naman sa utak.
"Huwag na nating patulan iyon. Mga isip-bata." Wika naman ni Frank na ngayon ay may dala-dala pang pagkain. Ayaw mamigay. Madamot.
"Tsk!" Napalingon naman ako kay Theo. Ang isa sa pinakamatalino sa amin. Syempre sumunod lang siya sa akin. Ako ang boss, ako ang masusunod.
"Huwag na nating patulan iyon. Hayaan nyo na iyon. Oh eto." Sambit ko sabay bato ng kumpol ng perang papel. Sabay-sabay silang napalingon sa kumpol ng isang libo na nahulog sa sahig. Mabilis silang lumapit duon at kinuha iyon. Pinaghatian na nila iyon. Wala naman akong paki-alam duon.
"Oh sya! Magsi-alis na kayo dito. Gusto kong mapag-isa." Wika ko sa kanila. Narinig ko ang mga 'tsk' nila. Kasalanan ko bang magpunta sila dito? Wala naman akong sinabi na magpunta sila dito e. Mga siraulo talaga.
Ilang saglit ay naramdaman kong ako nalang ang mag-isa dito. Sobrang tahimik ng paligid. Wala manlang akong marinig na kahit na anong tunog. Ito ang labis na nagpapayapa sa aking isipan. Inilagay ko ang aking braso sa tapat ng mata ko at saka pumikit. Makakatulog na ako nito. Sana lang talaga ay walang masamang mangyare.
***
Naalimpungatan ako ng makarinig ng mga yabag. Pagdilat ko ay medyo madilim na ang paligid. Gabi na pala. Di ko namalayan. Paniguradong umuusok na ngayon ang ilong ni Mama dahil hindi pa ako umuuwi. Sermon nanaman ang abot ko nito. Hays.
Uminat-inat ako saka bumangon. Medyo inaantok pa rin ako. Pagtayo ko ay halos mabangga pa ako sa nakaharang na table dahil sa sobrang dilim. Napakagat ako sa aking labi dahil sa tindi ng sakit ng aking tuhod. Napakamalas naman.
Paika-ika akong lumabas mula sa kwartong iyon. Medyo madilim ang hallway at ang buong kabahayan. Ngunit isang bagay ang nakakapanibago dito. Nakakarinig ako ng footsteps. Hindi lang basta footsteps. Mukhang tumatakbo ito. May mga batang lansangan nanaman sigurong naghahabulan dito. Hindi ba nila alam na private property ito? Trespassing sila. Tsk.
Nagsimula na akong maglakad kahit na paika-ika. Makita ko lang talaga ang mga batang iyon, kukutusan ko isa-isa. Muli akong nagpatuloy sa paglalakad. Medyo naririndi pa ako dahil palapit ng palapit sa direksyon ko ang mga yabag na iyon. Mukhang lumalapit na sila sa akin. Sila na mismo ang sumusuko sa demonyo.
"Hoy! Kung sino ka man, bawal dit---" Mabilis akong bumagsak sa sahig. Mas lalong nadagdagan ang sakit na nararamdan ko. Hindi lang iyon, may kung anong mabigat ang nakapatong sa akin ngayon. Dahil sa dilim ng paligid, hindi ko maaninag kung ano iyon. Anaknang---
"Oy put*ngina, ano ba naman ito." Pagmamaktol ko. Naramdaman kong humihinga ang kung anong bagay na ito.
"Shh! Quiet you idiot." Wika ng isang boses babae. Napataas ang isa kong kilay dahil sa sinabi niya. Ako idiot? Baka hindi nito alam na mataas ang IQ ko. Mga wantawsan. Kaya wala siyang karapatan na sabihan akong idiot.
"Aba't---"
"SSHH!" Napatikom ako ng bibig. Hindi ko alam kung bakit hindi ko rin nagawang magsalita. Napasunod ako ng kung sino mang babaeng ito. Tahimik akong nakiramdam sa paligid. Wala namang nangyayare. Sobrang tahimik lang ng paligid. Mukhang napansin naman niya iyon kaya tumayo siya mula sa pagkakapatong sa akin.
Tatayo na rin sana ako ng hilahin niya ako papasok sa loob ng kwartong iyon. Pagkatapos ay sinarado niya ang pinto. Put*anginang to! Dito pa ata mawawala ng birhen ko.
"Hoy tang*na. Bitawan mo nga ako babae."
"Manahimik ka kung gusto mo pang mabuhay." May diing wika niya. Napatikom ako ng bibig. Pinagbabantaan na niya ako ngayon. Sigurado na ako, may balak siyang gawing masama sa akin ngayong gabi. Napakamalas ko naman talaga.
Agad kaming dumireso sa napakasikip na sulok. Saka niya hinarang ang sofa ko. Pagkatapos ay tahimik siyang naupo duon. Dahil sa sobrang sikip ng pwesto namin ay halos magkadikit na kami ngayon. Anong klase to? Baliw ba itong kasama ko?
Maya-maya ay halos nakadikit na siya sa akin. Ramdam ko na ang kanyang hinaharap. Dahil duon ay pilit ko siyang inilalayo sa akin. Ngunit patuloy lang siyang nakadikit sa akin. Anak ng tinalong baka!
"Huwag ka ngang dumikit sa akin." Wika ko. Hindi sumagot sa akin ang babae. Tahimik lang siya. Tulog na siguro. Napa-irap ako dahil sa sitwasyon ko ngayon. Idagdag mo pa ang baliw na babaeng ito.
"Tsk." Agad akong tumayo sa pagkaka-upo. Hindi naman nag-react ang babaeng iyon kaya naman agad na rin akong umalis sa pwesto ko. Maglalakad na sana ako papunta sa pinto ng makarinig ako ng mga malalakas na yabag sa labas. Napahinto ako dahil tila ba mga nagtatakuhan ang mga iyon.
Anong nangyayare?
"TIGNAN NYO ANG BAWAT SULOK. MAAARING NANDYAN LANG SYA." Rinig kong sigaw mula sa labas ng kwarto. Halos hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Teka, anong meron?
Dahan-dahan akong lumingon sa babaeng iyon. Pagkatapos ay tahimik akong tumabi sa kanya. Wala naman siyang reaksyon o anu pa man. Tahimik lang siyang naka-upo at mukhang nag-iisip.
"Hoy! Ikaw ba ang hinahanap ng mga iyon?" mahina kong tanong sa kanya. Hindi sumagot sa akin ang babae. Sa halip, narinig ko lang ang malalim niyang paghinga.
Bakit kaya siya hinahanap? May kasalanan siya? Magnanakaw din? Kriminal? Baliw?
Napa-iling ako sa iniisip ko. Alam kong posible ang lahat ng nasa isip ko ngunit hindi ko parin siya dapat husgahan. Malay natin ay may ibang dahilan. Tama-tama!
"Oy! Bakit ka nila hinahana---"
"Can you just f*cking shut up?" napa-awang ang bibig ko. Anong sabi niya? Aba't siraulo pala ito e. Iniingles niya ako? Akala nya di ko alam iyon? Tsk!
"Hoy---"
"Hindi mo rin naman ako matutulungan. At least kapag namatay ako ngayong gabi, hindi ako mag-isa." Napataas ang kilay ko dahil sa sinabi niya. Tang--- anong akala niya sakin? Siraulo talaga ang babaeng ito. Kung minamalas ka nga naman talaga oh!
Grrr...
***
Ps. Nagsisimula na ang kakaibang kwento ng ating mga bida. Abangan ang ilan pang kapana-panabik na pagtatagpo ng dalawa. Read more!