"Yvaine..." tinignan ko sa mata ang kapatid ko at may narinig na lang akong beat na ewan ko kung ano yon. "Hindi na natin makikita sila Mama at Papa," nag iba ang reaction ng kapatid ko ng sabihin ko yon.
Hindi na kasi ako umaasa na babalikan pa kami nila Mama at Papa, sila ang nang-iwan sa amin kaya hindi ko na sila hahanapin at sana ganun din si Yvaine.
***
"Yvaine," ginigising ko ang kapatid ko kasi mala-late na sya at ako naka-uniform na ng gumising sya tinignan nya kaagad ang suot ko.
"Daya mo Ate," diretso na sya papunta sa baba para maligo na at ako naman nag ayos ng makakain namin.
Kami na lang dalawa ng kapatid ko sa buhay, iniwan kami ng mga magulang namin simula ng 12 years old ako at si Yvaine 8 years old naman at iyak sya ng iyak, hindi ko alam ang sasabihin sa kanya, ang dami nyang tanong at hindi ko alam ang isasagot ko kasi kahit ako hindi ko alam kung bakit nila kami iniwan.
Naiintindihan ko sya kung lagi nya pa rin hinihiling na andito sila Mama at Papa at minsan naku-kwento nya sakin na nabu-bully sya dahil wala na kaming magulang, ayaw ko syang nahihirapan ayaw ko maranasan nya ang hirap na nararanasan ko ngayon. Pero pinipilit kong maging malakas para sa kapatid ko.
Part time job ang bumu-buhay sa amin ngayon. Lahat gagawin ko mabigyan sya ng magandang buhay kahit wag na ako. Ang hirap ng sitwasyon namin simula ng iwan nila kami. Hindi ko alam ang gagawin ko nun, kung saan-saan ako naghahanap ng pera, paano ko mapag-aaral ang sarili ko at si Yvaine? Ang mga magulang ni Elora ang tumulong sa amin, tulong galing sa ibang tao ang lagi namin natatanggap.
Tinulungan din ako ni Elora sa pag aalaga kay Yvaine dati at hindi ko din alam ang gagawin ko kung wala sya dito at ang mga magulang nya.
"Wag ka muna magbo-boyfriend!" sigaw ko kay Yvaine pagkahatid ko sa kanya sa room nila at dumiretso na ako sa room namin. Malapit na akong mag-graduate ng senior high school at kailangan ko ng pag-ipunan ang university na pag-aaralan ko.
Pagkatapos ng class namin ay sabay na kami ni Elora pumunta sa coffee shop na pinagta-trabahuhan namin.
"Asan bracelet mo?" tanong sakin ni Elora.
"Nasa bag ko baka mawala ko ulit, mamaya ko na lang suotin," ngumiti ako sa kanya, friendship bracelet namin yon at sya ang bumili nun para sa aming dalawa. Matagal na kaming mag bestfriend ni Elora at hindi na kami mapag-hiwalay.
Pagod na pagod na ako pagka-uwi ko galing trabaho at nadatnan ko ng malinis na ang loob ng bahay at si Yvaine nagbabasa na naman ng about sa magic na book.
"Ate ayaw ko na mag-saturday..." napayakap sya sakin ng maupo akp sa tabi nya. Birthday na nya sa saturday at kaya ayaw nya ay tuwing Magbi-birthday kami ay buong araw ay tulog kami, hindi kami nakakapag-celebrate dahil hindi kami magising-gising!
"Kapag hinahawakan ko daw ang isang bagay nakikita ko ang past," sabay pa kaming nagsalita at hinampas nya ako. Alam ko na ang sasabihin nya kasi yan na lagi ang kine-kwento nya sakin tuwing gigising sya.
"Ikaw Ate tuwing birthday mo, anong nakikita mo habang tulog ka at hindi ka magising?" nagtatakang tanong nya sakin.
Ang akin ay madaming naka-paligid sakin na tao na parang wala sa sarili nila. Palapit sila ng palapit sakin na parang sinusunod ako or sinusundan ako.
Pag-gising ko nung mga panahon na yon ay parang nag iba ang katawan ko na hindi ko mapaliwanag kong ano ang nangyari sakin at alam ko din na ganun ang nangyayari kay Yvaine tuwing birthday nya. At unti-unti din nag-iiba ang kulay ng buhok namin kahit ang mga mata namin! Maraming nagtatanong kung nagpakulay ba daw kami ng buhok at kung may contact lense ba kami. Tinatawanan ko na lang sila tuwing itatanong nila yon.
"Wala," tanggi ko at umakyat na ako sa kwarto ko para magpa-hinga na at sumunod na sakin si Yvaine at katabi ko na sya matulog. Pero hindi ako makatulog ng maayos kasi naririnig ko ang pagbabasa nya.
"Yvaine..." tumingin ako sa mga mata ng kapatid ko at may narinig ako beat habang nakatitig sa kanya. "Close your eyes," utos ko sa kanya.
"Ate, anong ginawa mo sakin?" kinakapa-kapa ako nya ako kasi naka-pikit lang ang mata nya. Ano bang nangyari? "Ate I can't see!" reklamo nya sakin. Natata-ranta na ako hindi ko alam ang gagawin ko!
"Buksan mo lang mata mo," hinawakan ko ang pisngi nya para pakalmahin sya.
"Hindi ko kaya Ate" nanginginig ang boses nya at paiyak na. Paano ba to?!
"Ok, that's enough!" natahinik sya ng sumigaw ako at bumakas na ang mata nya.
"Ate, anong ginawa mo?" hindi na sya naiiyak at napalitan ng pagka-mangha. "Gawin mo ulit," excited na sabi nya sakin na parang alam ko kung paano ko nagawa yon.
Anong ginawa ko sa kapatid ko?! Paano ko ginawa yon? Inisip ko ang huling sinabi ko kay Yvaine pero wala naman akong nasabing mali eh may narinig lang akong beat na hindi ko mapaliwanag kong ano yon. It is heartbeat?
"Matulog ka na nga," tumalikod na ako sa kanya para ipag-patuloy ang tulog ko.
Dumating na ang saturday at maayos lang natutulog si Yvaine birthday na nya kasi kaya bukas na sya ng umaga magigising. Ewan ko kung sakit ba namin to, nag research na ako tubgkol dito pero wala akong mahanap.
Nag ready na lang ako para pumasok sa trabaho ko, jeans, t-shirt at sneaker ang suot ko at ni-lock ko na din ang pinto bago umalis. Napansin ko kaagad pagka-labas ko na bahay ay yong lalaki sa itaas ng bubong ng kapit-bahay.
Nag tama ang tingin namin at agad syang tumalon! What!? Bakit ang dali lang sa kanya tumalon ng ganun kataas at naka-tayo pa ng bumaba sa lupa. Ok naman pala sya eh kaya hindi ko na lang sya pinansin.
Mabilis na lang ako naglakad kasi parang may sumusunod sakin. Sumilip ako sa likod ko para tignan kong sino ang sumusunod sakin at nakita ko ang lalaking nakatayo sa itaas ng bubong kanina. Bakit sya nakasunod sakin?!
Green ang mga mata nya at blue ang kulay ng buhok, naka-uniform na color red na blazer at grey na polo with black slacks.
Lakad lang ako ng lakad at hindi sya pinapansin hanggang sa makarating na ako sa coffee shop. Wala si Elora kasi day off nya at ako naman bukas. Dalawa palang ang co-workers ko na andito sa loob ng coffee shop at kakabukas lang nila. Wala pa ngang customers at sinusulit lang nila habang wala pang tao.
[Asan ka?] tanong sakin ni Elora ng sagutin ko ang tawag nya.
"Coffee shop" sagot ko at tinignan ko ang dalawang customer na pumasok sa loob.
[Puntahan ko si Yvaine ha] sabi nya at binabaan na ako. Naka-lock sa bahay at tulog si Yvaine wala syang magagawa dun.
To: Elora
Walang tao jan, umuwi ka na lang
"Hence, take his order" utos ko kasi hindi pumupunta dito sa counter yong lalaki kanina na sumusunod sakin.
"Huh? Sino? Asan?" napakunot sya ng noo at lumingon lingon. Anong asan?! Kitang kita ko naka-ngiti pa nga sakin eh.
Hindi pa rin yong lalaki umaalis simula umaga hanggang matapos ang shift ko. Inintay ako ni Elora hanggang sa matapos ang shift ko pero kahit sya hindi nya napapansin ang lalaking nasa likod ko!
"Birthday ni Yvaine ngayon diba? Bilhan natin sya ng gift" aya sakin ni Elora at hinila na papasok sa isang mall. Earrings ang binili ni Elora para sa kapatid ko hanggang ngayon ay naka-sunod ang lalaki na parang buntot ko.
Pagdating namin sa bahay ay tulog pa rin si Yvaine at hanggang nagtataka pa rin si Elora tuwing nakikita nyang ganito lagi ang nangyayari tuwing birthday ko or ni Yvaine. Nawala na din yong lalaki na sumusunod sakin. Hindi naman ako natakot kasi parang ako lang ang nakaka-kita sa kanya at parang mabait naman.
"Inom na lang tayo, ako bahala" masayang sabi ni Elora sakin.
"Ayoko, may shift ka na bukas at pagod na ko" napanguso sya at binuksan na lang ang tv para manood ng movie.
Nagluto na lang ako ng dinner namin habang busy sya dun manood ng iyakan. Hindi ko mapigilan ang matawa dahil iyak ng iyak si Elora sa pinapanood nya at ayaw patayin ang tv. Sinasamaan pa ako ng tingin tuwing naririnig nya ang pagtawa ko.
Ako na ang nag-adjust at dinala sa kanya ang pagkain na niluto ko. Umuwi na din sya ng matapos ang movie na pinapanood nya at sa kinakain nya. Sinara ko na din ang pinto at ang mga bintana bago matulog. Asan na kaya yong lalaki?
Iniintay ko lang si Yvaine na magising mamayang 12 midnight, 1 day lang naman ang iintayin bago magising sya at kanina pa syang umagang tulog. Nanood lang ako ng fireworks sa internet. Oo fireworks kasi ito ang nagpapa-relax sakin at nagtatanggal ng stress ko parehas kami ni Papa na favorite ang fireworks.
Malapit na mag 12 midnight at pinagpa-pawisan na si Yvaine kaya nataranta ako at punas ako ng punas ng pawis nya pero hindi nawawala! Hinawakan ko ang kamay nya at humigpit ang hawak nya sakin. Ako ang pinagpa-pawisan dito sa kaba eh.
"Yvaine... Tama na," ginigising ko na sya dahil sa takot ko.
Punas lang ako ng punas sa pawis nya ng bigla syang lumuha. Hindi ko alam pero masakit sakin na makitang umiiyak ang kapatid ko, lahat ng hirap nya kaya kong saluhin para sa kanya.
"Ate..." niyakap nya ako ng magising sya at palakas ng palakas ang pag iyak nya.
"Ano nakita mo? Anong nangyari?... Tahan na" hindi ko mapigilan umiiyak sa tuwing naririnig ko ang iyak ng kapatid ko.
"Na-narinig ko ang mga sinasabi ng mga nambu-bully sakin pero parang sa isip lang at Ate... Ang sakit... Bakit ganun sila?" mas lalong lumakas ang pag iyak nya, pinunasan ko din ang luhang bumabagsak sakin. Bakit kailangan nya maranasan ang bagay na yon? Kung hindi lang kami iniwan ni Mama at Papa hindi to mangyayari samin.
"Tama na, kalimutan mo na yon... At wag mo na lang silang pansinin at gusto mo girahin ko sila," ngumiti ako sa kanya para gumaan gaan na ang pakiramdam nya at ng hindi nya makalimutan na andito lang si Ate nya na handa syang ipagtanggol at hindi ko sya pababayaan.
"And Ate, si Mama at Papa..." napatingin ako sa kanya sa sinabi nya. Hindi ko naman masisisi si Yvaine kasi bata pa sya nung iwan kami nila Mama at Papa at kailangan nya din ng pagmamahal ng isang ina at ama pero imposible na yon. Hindi na nga nila kami binalikan.
"Wag mo ng ituloy. Hindi na sila babalik," napabuntong hininga na lang ako bago humiga at ibalot ang sarili ko sa kumot.
"Sorry na Ate," tumabi sya sakin at niyakap ako. Alam kong hindi sya matutulog ngayon at magbabasa lang sya kaya natulog na lang ako.
Aray! May bumagsak sa katawan ko bigla! Nang buksan ko ang mata ang kapatid ko lang pala at nakangiti sya sakin hawak hawak ang maliit na box yong gift ni Elora sa kanya. Nakita na nya pala.
"Kanino to?" tumataas taas ang kilay nya, alam na nya ang sagot pero tinatanong nya pa.
"Sayo," inaantok na boses ko.
Tumayo na ako dahil sinira na ni Yvaine ang tulog ko. Pagkababa ko may pagkain na sa lamesa na naka-ready at naghilamos muna ako bago kumain. Pagkatapos sinilip ko din yong nakita kong lalaki na nasa bubong kung andun sya ngayon pero wala. Bakit ko ba hinahanap yon?
Sabay na kami ni Yvaine pumasok at nakita ko na ulit yong lalaki, hindi ko alam kung nakikita din ba ni Yvaine ang nakikita ko. Naka uniform sya ng red polo shirt na may logo at may pin sa ibaba at naka black slacks.
"Hi, bakit ka sumusunod samin?" nagulat ako kasi biglang kinausap ni Yvaine ang lalaki!
"Yvaine wag mo syang kausapin" hinila ko na ang kapatid ko palayo at ng makadaan kami sa store na glass ang pader tinuro ko kay Yvaine na wala syang reflection sa salamin at napanganga sya sa nalaman nya. Tuloy pa rin na sumusunod ang lalaki sa amin, sa tingin ko mabait naman sya kasi dapat nung una nya akong sinusundan ay may ginawa na sya sakin pero wala pinagmamasdan nya lang ako.
"Nag inom ka ba?" nagulat ako sa sitwasyon ni Elora na nakayuko sa desk nya.
"Medyo pero puyat na din" natatawang sabi nya.
Lunch time na namin at pinuntahan namin si Yvaine sa kabilang building pero wala sya sa room nila kahit sa ladies bathroom at sa cafeteria wala sya. Asan ba sya? Naghiwalay kami ni Elora para hanapin si Yvaine.
Pumunta ako sa likod ng lumang building at may naririnig akong maraming boses na nagtatawanan. Tumakbo agad ako papunta sa naririnig kong tawanan at nakita ko si Yvaine!
"Bullshit!" sigaw ko at natuon sakin ang tingin ng mga babae.
"Oh look who's here, kapatid ng loser and a monster" tumaas ang dugo ko sa narinig at inalalayan ko ng tumayo ang kapatid ko.
"Oh look who's here, a real monster dressed in a sweet girl pero may sungay nga lang and may mga allies na freaking losers" pinagtaasan ko sila ng kilay habang kitang kita sa mga mukha nila ang pagkainis.
May flour na ang kapatid ko sa uniform nya! Kahit kailan hindi ko ginanito ang kapatid ko! Walang kahit sino ang pwede mang-api sa kapatid ko kung meron man ay ako ang makakalaban nila.
Tinitigan ko silang tatlo at may narinig na akong heartbeat. "Simula ngayon hindi nyo na pwedeng guluhin ang kapatid ko at kakalimutan nyo ang nalaman nyo tungkol sa kanya" napahigpit si Yvaine ng hawak sakin at bigla ng umalis ang tatlong babae na parang robot. Nangyari na naman ang kakaiba sakin.
"Ok ka lang ba? Ano ginawa nila sayo ha sabihin mo" pina-pagpag ko na ang uniform nya na puno ng flour kagit sa ulo nya meron!
"Thank you Ate... Thank you sa lahat lahat hindi ko alam ang gagawin ko kung hindi kita naging Ate..." hindi ko mapigilan maiiyak sa sinabi nya sakin ang sarap sa pakiramdam na marinig yon galing sa kapatid ko.
"Tara na balik ka na sa room nyo. Kumain ka na ba?" tanong ko at tumango naman sya.
"Uwi na muna ako ayoko muna pumasok," hindi ko naman mapipilit si Yvaine na pumasok dahil sa nangyari kailangan nya ng pahinga. Pinayagan ko syang umuwi na at buti naman pinayagan kami ng teacher nya.
"Nanggigil ako dun sa tatlong witches na yon!" pinakita pa sakin ni Elora ang kamao nya.
"Chill, ok na pinagsabihan ko na sila" sinamaan nya ako ng tingin. Bakit may mali ba dun?
"Yon lang?! Dapat ginantihan mo din!" nakatingin na lahat ng students sa amin habang pabalik sa building namin.
"Ikaw din bahala sakin kapag nangyari sakin yon ha" napangiti ako sa sinabi sakin ni Elora at tumango naman ako sa kanya. Walang pwedeng manakit sa mga importanteng tao sa buhay ko, mabuti pa na ako na lang, wag lang sila.
"Ipagtatanggol din kita," sabi ko sa kanya at pinisil nya ng sobrang diin ang pisngi ko!
After class diretso na kami sa coffee shop at madami lang customers kasi monday at maraming mga taga-company ang andito at nakiki-gamit ng wifi. Binilhan ko na lang si Yvaine ng pagkain pagka-uwi ko at sa may poste nakatayo ang lalaki na sumusunod sakin at may kasama syang isa pang lalaki.
Nang malapit na ako sa kanila ay humarang sa daan ko ang isang lalaki at kinakabahan na ako kasi dalawa na sila!
"Nakikita mo kami?" tanong nya at lumapit sakin. Binaba ko ang tingin ko at tinignan ang pin na nasa baba ng logo ng uniform nya. Red ang buhok nya at meron din syang specs, purple naman ang color ng mga mata nya.
Kaiper Lerman
"Obvious ba? Nakaka-usap nga kita" tinaasan ko sya ng kilay at nagpatuloy na sa paglalakad buti hindi na nila ako kinulit. Multo ba sila? Bakit wala silang reflection sa salamin? Imagination ko lang ba sila?
Pagkadating ko sa bahay ay nadatnan ko na tulog si Yvaine sa couch at hawak ang book na binabasa nya. Kumuha muna ako ng donut habang hinihintay na magising si Yvaine. Ang weird nung dalawang lalaki ah.
"Ate pahingi" nagulat ako ng biglang magsalita si Yvaine at binigyan ko sya ng donut na favorite nya.
"Bakit ang daming hugasan?" nagtatakang tanong ko. Mag isa lang naman sya dito pero ang hugasan halos lahat ng plato ay nasa lababo!
"K-kumain ako" nabubulol na sabi nya. Bakit kailangan nyang mabulol na parang may tinatago sakin.
Naligo na ako bago matulog at si Yvaine ang naghugas ng napaka-raming plato. Sinarado ko na ang pinto at bintana pagkatapos maligo at pinunasan na lang ang basa kong buhok. Sumabay na sakin matulog si Yvaine at mahimbing lang akong nakaka-tulog tuwing katabi ko sya.
Ano ba yon? May gumagalaw sa ibabaw ng tyan ko at ng buksan ko. May daga sa tyan ko! Agad kong hinampas ang daga gamit ang unan ko at mas lalong akong nagulat dahil naging tao! Paglingon ko sa gilid ay may tatlong nakatayo yong dalawang lalaki kanina at may isang babae na.
"Tulong!" sigaw ko dahilan para magising din si Yvaine.
"Ate, quiet" tinakpan ng kapatid ang bibig ko para hindi ako maka-sigaw.
"Hi I'm Miu," umupo sa kama namin ang babae at ngumiti ng malaki sa amin. Maganda sya, maputi at color purple ang buhok at ang mata nya ay grey. "Wag kayong matakot, hinahanap talaga namin kayo" tuloy pa rin sya sa pagsasalita at tumayo na ako para tulungan yong dagang hinampas ko, hindi ko naman alam na tao pala sya!
"Sorry," paghingi ko ng tawad sa lalaking naging tao na kanina lang ay daga! Nababaliw na ba ko?! Pero si Yvaine parang wala lang sa kanya ang nakikita nya ngayon.
"This is Dev, Kaiper and Yohji," pinakilala sa amin nung Miu ang mga kasama nya. Yung Dev ang una kong nakita sunod ay yong Kaiper.
"Bakit nya ba kami hinahanap?" nagtatakang tanong ko.
"Kasi parehas ka namin," masayang sabi ni Miu. Hindi ko naiintindihan na parehas namin sila.
"Paano eh bigla bigla na lang kayo sumusulpot tapos kami lang ang nakakakita sa inyo" pumikit pikit ako at kinurot pa ang pisngi ko para gisingin ang sarili ko baka panaginip lang to'.
"Mahirap i-explain..." napakagat sa ibabang labi nya si Miu. "Pero tignan mo ang color ng mga mata nyo at ang buhok nyo," tinignan ko ang green kong buhok, hindi ko gets ang sinasabi nya. Alam ko lang ay bigla-bigla na lang nag-iba ang kulay ng buhok namin ni Yvaine na ang kanya naman ay dark violet.
"Ate, alam nila kung asan sila Mama at Papa. Matutulungan nila tayo na makita sila" napabuntong hininga ako dahil sila Mama at Papa na naman.
"Yvaine," tinignan ko sya ng masama at humiga na lang ako ipapag-patuloy ko na lang ang pag tulog ko. Ayoko na silang makita, nakaya naman namin ni Yvaine ng kaming dalawa hindi na namin sila kailangan.
Nagising ako ng wala sa tabi ko si Yvaine kaya agad akong bumaba baka kasi sumama sya dun sa apat kagabi at iwan nya ako. Kakalabas lang nya sa cr kakatapos lang maligo at ngumiti naman sya sakin. Sorry Yvaine, hindi na natin kailangan sila Mama at Papa iniwan nila tayo na para bang hinubad na damit at pinabayaan sa isang tabi. Alam kong gustong gusto mo na makasama sila Mama at Papa.
"Dalian mo na Ate, mala-late na tayo" nagmadali na nga ako sa pag aayos sa sarili para pumasok na sa school. Alam kong may gustong sabihin sakin si Yvaine kaai kanina pa sya tahimik at laging tumitingin sa family picture namin.
"Ano kayang sasalubong sakin sa room?" natatawang tanong nya sakin.
Sorry Yvaine
"Ok lang Ate, wag ka na mag sorry" nagulat ako ng biglang magsalita mag isa si Yvaine. Huh?! Pinagsasabi nya?
"Anong nangyari sayo?" nagtatakang tanong ko at kinurot kurot ko ang pisngi nya.
"Ate masakit" reklamo nya. "Nag sorry ka sakin diba?" tinaggal na nya kamay ko sa pisngi nya, napatakip bigla ang kapatid ko sa bibig nya na parang may kakaibang natuklasan.
"Ate magsalita ka nga ulit" utos nya sakin at mukhang excited sya.
"Uhm, Yvaine?" naka kunot ang noo ko sa kanya hindi ko sure kong ano ba ang pinapagawa sakin nito.
"No, in your mind" napabuntong hininga na lang ako at naglakad na papunta sa school pero kinukulit ako ni Yvaine! Hindi nya ako tinitigilan!
Mala-late na tayo Yvaine
"Yeah, dalian na natin maglakad" napatigil ako sa paglalakad ng ma-realize ang sinabi ng kapatid ko! Ano yon?! Paano nya nagawa yon?!
Tinakbuhan na ako ng kapatid papunta sa building nila at ako naman sinalubong ni Elora sa pintuan ng room namin. Buti nga hindi nawala sa bag ko ang bracelet na binigay sakin ni Elora kung nawala ko to, for sure magagalit sya sakin. Matagal na ang friendship bracelet namin at ito ang lucky charm namin dalawa.
"Magkaka-boyfriend na ata ako," nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi ni Elora sakin. Muntik pa nga akong mahulog sa chair ko.
"Huh?! Sino?" natawa sya sa reaction ko at dumating na ang prof namin kaya hindi na nya nasagot ang tanong pero nung lunch time ay sinama nya ako para makita ang manliligaw nya.
Andito kami sa hagdan ng stage at tanaw ko ang rooftop ng building namin mula dito at nakita ko na naman sila! Silang apat kagabi! Alam ko ang color ng uniform nila kaya nasabi ko na sila yon sila lang ang red ang uniform dito.
"Elora, may nakikita ka ba dun?" turo ko sa rooftop ng building namin.
"Water tank ang nakikita ko" narinig ko ang pagtawa nya. Hindi nya ba nakikita yong apat dun sa rooftop?! Bakit kami lang ni Yvaine ang nakakakita sa kanila? Tumayo na sya kasi dumating na yong sinasabi nyang manliligaw nya.
"This is Mike," ngumiti sakin si Elora at tinignan ko mula ulo hanggang paa ang lalaking pinapakilala sakin ni Elora. Ewan ko kong mabait ba sya or hindi kasi hindi naman ako judgemental.
Pinakilala ako ni Elora at niyaya na nung lalaki si Elora. Anong trip nun alam nya na magkasama kami ni Elora tapos kukunin nya bigla sakin ng walang pasabi. After class diretso ulit sa coffee shop para mag-trabaho, hindi na sumabay sakin si Elora may lakad daw kasi sila.
Pagtapos ng shift ko ay umuwi na agad ako sana nagluto na si Yvaine ng dinner sa saturday pa ang sahod ko kaya medyo tipid tipid na mauubos na ang pera ko. Pagdating ko sa bahay ay ang weird ni Yvaine, bakit ang sweet nya ngayon sakin?
Kinain ko na ang pagkain na nilagay nya sa plato ko at binigyan pa ako ng juice! Ano meron sa kanya? Tumitingin ako sa kanya pero umiiwas sya ng tingin, ayaw nya ako titigan.
"Ate, Naalala mo yong sinabi mo sa mga nam-bully sakin. Hindi na nila ako ginugulo at gusto nga nila na maging friends kami eh" hindi ko alam ang reaction na nasa mukha nya kasi pagkatapos ng mga ginawa sa kanya tapos bigla na lang nila gustong makipag-kaibigan sa kapatid ko.
"Ate, please" alam ko na kaagad ang gustong sabihin nya sakin. Ang tungkol kay Mama at Papa gusto nya na sumama kami dun sa apat na pumunta dito last night. Hindi ko nga alam kong saan sila galing tapos sasama kami sa kanila!
Pagtayo ko ay bumaba silang apat galing sa kwarto namin, bakit sila andito na naman?! Hinawakan ni Yvaine ang kamay ko para kombinsehin ako sa gusto nya.
"Ate please, meron silang powers. Real powers" nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ng kapatid ko sakin dahilan para mabagsak ang plato sa floor. May bubog na sa paa ko! Nililinis ko na ang mga bubog sa sahig ng biglang lumayo sakin ang lahat ng piraso ng plato!
"Ayoko," sabi ko at pinunasan ko ang dugong nasa paa ko.
"Sabi mo dati gusto mo makita sila Mama at Papa," tuloy pa rin si Yvaine sa pag-convince sakin.
"Dati, Yvaine. Kaya naman natin dito diba ng tayong dalawa lang. Hindi na natin sila kailangan" tumayo na ako at kumuha ng band aid sa malapit sa tv.
"Hindi kayo nararapat dito sa lugar na to," napalingon ako ng biglang magsalita yong Kaiper.
"Pare-parehas tayo, Nova" nalipat naman ang tingin ko kay Miu. Paano nya nalaman name ko? Siguro sinabi ni Yvaine.
"How? Multo din ba kami?" tinaasan ko sila ng kilay ko.
"Like this..." biglang ginalaw ni Miu ang mga bagay sa loob ng bahay ang iba ay lumulutang. Multo nga sila!
Ang isa naman lalaki na kasama nila ay naging puting pusa, yong naging daga dati. Hindi ko alam kung mamangha ba ako o matatakot pero ng tignan ko si Yvaine tuwang tuwa sya sa nakikita nya.
Bumalik na sa pagiging tao ang puting pusa at kumuha sya ng pagkain sa lamesa. Anong gagawin nya? Nakuha nya pang kumain sa nangyayari ngayon ah!
"Hoy! What the f**k! Bakit mo sinira?!" sigaw ko kasi nasira nya ang table at chair namin! At lumaki sya na parang higante. Yeah naging higante nga!
"Ayoko. Ayoko" wala silang magagawa sa pagpapakita ng powers nila sakin kasi hindi na nila mababago ang desisyon ko! Ayoko, ayoko!
"Sasama ako!" napalingon ako sa kapatid ko! Nasisiraan na ba sya ng ulo?! Bakit sya sasama sa kanila ha. Iiwan nya ako?!
"Ok! Magpalit ka ng damit mo" masayang sabi ni Miu.
"Iiwan mo ko?! Sige pagpalit mo ko sa kanila," tinarayan ko sya at pinag kruss ang kamay sa dibdib ko. Nakita ko na kinuha nga ni Yvaine ang damit na inaabot sa kanya ni Miu.
"Iiwan mo talaga ako! Nagbibiro lang naman ako" nagliwanag ang mukha ni Yvaine dahil sa sinabi ko.
"So, sasama ka na?" niyakap ako ni Yvaine at malaki ang ngiti nya ng tumingin sakin.
"No, I said iiwan mo na talaga ako kasi kinuha mo nga ang inaabot nya" turo ko kay Miu at binitawan ako ni Yvaine sa pagkakayakap sakin.
"Ate, please para sakin. Sama na tayo please" luluhod na sana ang kapatid ko sa harapan ko! Pero pinigilan ko sya. Nababaliw na ba sya?! Anong pinakain sa kanya ng apat na to?!
"Ayaw mo ba makita sila Mama at Papa?" tanong naman sakin ni Yvaine. Yan na naman sya, lagi na lang sila Mama at Papa ang bukang bibig nya.
"Oo ayaw ko na silang makita! Sumama ka sa kanila kung gusto mo hindi na kita pipigilan. Sana alagaan ka nila Mama at Papa pag nakita mo na sila" tumulo ang luha ni Yvaine dahil sa sinabi ko. Gagawin ko ang lahat para sa kanya, kung ano ang makakabuti at kung anong gusto nya. Bibigay ko kaya hinahayaan ko na sya.