Dev's POV
"Ms. Daila, bakit nyo po kami pinapatawag?" tanong ni Kaiper. Kumatok si Ms. Daila sa office ng head prinicipal si Mrs. Massimilliano.
"Ms. Clem, andito na sila" nag-bow muna si Ms. Daila bago umalis.
Wala akong idea kung bakit kami pinatawag dito, nagbubulungan na si Yohji at ang kapatid ko si Miu kahit sila nagtataka din kong bakit kami andito.
"Hulaan ko po may mission kami," pagbibiro ni Yohji.
"Well done, Yohji" nakangiting sabi ni Ms. Clem, andito din ang asawa nya na si Sir. Liano ang head principal ng Melniarra Academy.
"May hahanapin kayong importanteng tao... Na nakatira sa normal world" kumunot ang noo ko sa sinabi ni Sir. Liano. Bakit sa normal world pa?!
"Who?" tanong ni Miu.
"Ang..." mas lalong kumunot ang noo ko dahil hindi masabi ni Ms. Clem kung sino ang ipapahanap nila.
"Si Novalie and Yvaine," si Sir. Liano na ang nagtuloy ng sasabihin ng asawa nya. Sila ang mga anak nila, na iniwan sa normal world. May kaunti akong galit sa kanila kasi iniwan nila ang mga anak nila. Ang pinili nila ay ang Melniarra Academy hindi ko naiintindihan kong bakit kailangan nilang iwan ang mga anak nila tapos ngayon ipapahanap nila sa amin!?
"Pero paano? Hindi namin sila kilala. Wala kayong picture para ipakita sa amin, paano namin sila mahahanap?" naguguluhan tanong ni Miu.
"Alam ko na ang iba sa inyo ay galit dahil sa ginawa namin pero ginawa namin yon para hindi sila mapahamak. Mga bata pa sila nun at sa normal world sila lumaki wala silang alam tungkol sa kapangyarihan nila or dito sa lugar na to..." pagpapaliwanag ni Ms. Clem.
"Kapag lumabas kayo ng Academy at pumunta kayo sa normal world ay silang dalawa lang ang makakapansin sa inyo" lumapit sa amin si Sir. Liano at pinatong nya ang kamay nya sa balikat ko. "Dev, pwede mo ba kaming tulungan?" nakangiting tanong nya sakin.
"Sure Sir. Liano!" masayang sabi ni Miu. Bakit sya ba ang tinatanong at sya ang sumagot?! Nang makalabas kami ng office nila nag kakagulo na silang tatlo kung sino ang unang maghahanap sa dalawa.
***
Naghihiwa-hiwalay na lang kaming apat sa paghahanap. Masyadong maraming tao dito! Para lang akong multo na nilalagpasan. Ang iba ay tumatakbo, may mga dalang aso, nagdidilig ng halaman. Halos lahat ng bahay dito ay nasa labas ang mga nakatira maliban sa isang bahay. Parang luma na at parang ang boring sa loob.
Nasa itaas ako ng bubong ng katapat nila bahay pero wala akong natatanaw na tao sa loob lahat sarado ang mga bintana. Aswang ba ang mga nakatira jan? Maya maya lang ay may lumabas na babae at tinignan nya kaagad ako. Nakikita nya na ako?! Sa tingin ko naman ay napansin nya ako at sa wakas nakita ko na ang hinahanap ko.
Sinusundan sundan ko lang sya hanggang sa isang shop sya pumasok. Anong gagawin nya dito? Nang pumasok ako ay tinignan na naman nya ako at may kinausap na lalaki. Hanggang sa umuwi ang babae ay nakasunod pa rin ako sa kanya.
"Nakakapagod" reklamo ni Yohji.
"Nahanap nyo?" tanong ni Miu, Umiling lang si Kaiper at Yohji. "Ikaw?" turo nya sakin at tumango lang ako sa kanya.
"Siguro?..." sa sinabi ko ay parang nawalan sila ng pag asa.
Yvaine's POV
"Monster ka! Salot! Hindi ka nararapat sa lugar na to! Umalis ka na!" masasakit na sabi ni Clara sakin. Lagi nila akong binu-bully sila ng mga kaibigan nya pero wala akong magawa para labanan yon. Anong sasabihin ko sa kanila? Kapag lumaban lang ako talo pa rin ako kahit anong laban ang gawin ko laban sa kanila.
"Magsama kayo ng Ate mo!" napatingin ako kay Clara at bigla nya akong binuhusan ng flour!
Pinipigil ko ang pag iyak ko kasi kapag nakita nilang umiiyak ako mas lalo lang sila matutuwa sa nakikita nila at mas lalo akong aapihin.
"Bullshit!"
May narinig akong sigaw sa kanan gawi ko at nakita ko si Ate na tumatakbo na papunta sa pwesto ko. Masuwerte ako kay Ate kasi lagi nya akong nililigtas at hindi nya ako pinapabayaan. Gusto ko din sana mag working student para matulungan si Ate pero ayaw nya. Alam kong hirap na hirap na si Ate pero hindi nya yon pinapakita sakin.
Alam ko din na ginamit ni Ate ang kakayahan nyang kontrolin ang isipan ng isang tao. Mind control lagi sakin ginagawa yon ni Ate kaya hindi na ako nagtataka na hindi nya pa alam ang tungkol sa kakayahan nya.
Umuwi na lang ako pagkatapos akong ipagtanggol ni Ate. Pagkarating ko sa bahay ay may apat na nakatayo sa pintuan namin. Isang babae at tatlong lalaki, familiar na ang isa sakin kasi sabi ni Ate multo daw yon.
"Hi Yvaine, I'm Miu," pagpapakilala sakin nung babae. Mukha silang mababait at binuksan ko na ang pinto para papasukin sila. Ni-lock ko na din baka umuwi na agad si Ate eh pagkatapos ng nangyari sakin kanina sa school.
"Paano mo nalaman name ko?" nagtatakang tanong ko.
"Sa parents mo," nanlaki ang mga mata ko at halos makagat ko na ang labi ko sa gulat. Kasama nila si Mama at Papa? Asan sila? Gusto ko silang makasama.
"Anong nangyari sayo?" tanong sakin nung isang lalaki. Tumingin ako sa uniform nya at may nakita akong pin dun kung saan andun ang name nya.
Yohji Harbour
Ang cool ng name nya! At lahat sila naka-red uniform, black skirt at black slacks. Ang cool din ng uniform nila ah! Saan school to? Gusto ko din dun. Pink naman ang color ng buhok nya at red na mga mata.
"Wait lang... Maliligo lang ako" agad akong umakyat sa kwarto ko at bumaba ulit para pumasok sa cr. Binilisan ko talaga ang pagligo ko kasi nae-excite ako! Hindi pa tuyo ang buhok ko at hindi pa ako nakakapag-suklay ng buhok ay umupo na ako sa sahig para sumali sa usapan nila.
"Kasama nyo si Mama at Papa?" tanong ko ulit.
"No, pero pupunta tayo dun at gusto ka nila makita, kayo ni Ate mo" sagot sakin ni Miu. Nawala ang excite ko bigla kasi alam kong hindi papayag si Ate.
"Anong meron ka?" tanong sakin nung isang lalaki at tinignan ko muna ang pin sa uniform nya bago sagutin ang tanong nya sakin.
Kaiper Lerman
Bakit ang cool na naman ng name?! At anong meron ako? Madami akong meron, meron akong magandang eyes which is color purple, nose and lips at dark violet na buhok, at meron pa, meron akong Ate na mabait at maganda. Ano ba gusto nya? Baka meron din ako ng hinahanap nya.
"Anong gusto mo na meron ako?" naguguluhan tanong ko.
"Like this..." nanlaki ang mata ko kasi pinalutang ni Miu ang tv namin! Sana mababa nya ng maayos ang tv namin kasi magagalit si Ate sakin kapag nasira yan. Ganyan ba ang gusto nilang makita na gawin ko?! Hindi ko nga kayang buhatin ang tv na yan eh palutangin pa kaya!
"Hindi ko kaya yan..." yumuko ako at kinagat ang ibabang labi ko.
"No, your own abilities. Meron tayong dalawang abilities each person. At ano ang sayo?" masayang sabi sakin ni Miu. Naghihintay silang apat ng gagawin ko pero hindi ko alam kong paano or ano ang gagawin ko!
Tuwing birthday ko or ni Ate ay hindi kami nagce-celebrate kasi tulog kami nung hanggang 12 midnight. Ngayon nakaraan birthday ko ay ang nakita ko sa panaginip ko ay sila Clara. Naririnig ko ang sinasabi nila pero hindi nila ginagamit ang bibig para mag salita. Sunod nun ay si Mama at Papa yong last bonding namin nanonood kami ng favorite ni Ate at Papa ng fireworks sa likod ng bahay namin.
Sana mapatawad nyo kami sa gagawin namin. Balang araw maiintindihan nyo din kung bakit namin kayo iniwan.
At bigla nalang silang naglaho sa paningin ko at nagising na ako na katabi ko si Ate. Ang mga nakaraan birthday ko ay parang past ang nakikita ko pero malabo eh kaya hindi ko masabi na ability ko yon.
"Ano na sayo?" napalingon ako dun sa lalaking sinasabi ni Ate na multo daw. Bago ko sya sagutin ay titignan ko sana ang pin sa uniform nya para malaman ko ang name pero tinakpan nya! Ang damot naman! Tumingin ako sa kanya sa mata at bakit ganun ang nararamdaman ko!?
Devan McMillan, may narinig akong boses at pangalan ata ang sinasabi sakin.
"Devan... McMillan..." sinabi ko lang ang narinig ko at narinig ko na ang palakpak ni Yohji. Tama ako? Devan ang name nya? Ang cool na naman!
"Ano pa?" tanong ulit sakin ni Miu.
"Meron isa pero..." hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanila kasi hindi ko pa sure kung yon nga ang gusto nilang malaman tungkol sakin. "Like past pero malabo," hindi ko mapigilan ang tumawa pero totoo naman eh past na malabo ang nakikita ko sa panaginip ko nung birthday ko.
"Hulaan mo kung kanino to'" inaabot sakin ni Devan ang puting panyo sa akin. Pinagmasdan ko ang panyo ng kunin ko yon. Alam ko na kung sino ang owner nito eh, edi sya! Nagbibiro ba sya?
Nag concentrate ako hindi ko alam kung tama ang ginagawa ko pero hindi naman masama na i-try diba? Concentrate Yvaine! Sa kanya ata talaga to eh! Pinikit ko ulit ang mata ko at bakit ganito ang nakita ko?! Bakit ko nakita yon?!
"Miuccia McMillan," sinabi ko ang nakita kong babae na inaabot sa kanya at dito sa bahay yon sa labas ng pinto namin ang nakita ko!
"Amazing," pumalakpak na naman si Yohji at hindi ko mapigilan ang tawa ko. Napapagaan nya ang loob ko ang saya nya kasama.
"Wait... Magkapatid kayo?" turo ko kay Miu at Devan. Tumango si Miu sakin at kinuha na ang panyo nya sa kapatid nya.
"Ilan taon na kayo?" nagtatakang tanong ko.
"19 years old na kaming apat," napatakip ako sa bibig ko ng malaman na parehas lang sila ni Ate pero si Ate turning 19 palang this year.
"Oh my god, mga Kuya at Ate pala ang dapat kong itawag sa inyo" masayang sabi ko sa kanila. "Ate Miu, pwede bang pakisabi kay Mama at Papa na, miss na miss na miss ko na sila" niyakap yakap ko pa ang sarili ko ini-imagine na yakap ko nga sila ngayon.
"Pwede din naman na ikaw ang magsabi sa kanila na, miss na miss na miss mo na sila" ngumiti sakin si Ate Miu at hinaplos nya ang ulo ko. Magulo pa ang buhok ko hindi pa ako nagsusuklay kanina pa.
"Paano? Andito ba sila? Pupuntahan nila ba kami dito?" sunod sunod na tanong ko.
"Kaya kami andito ay para isama kayo sa Trodeagon kong saan kayo nararapat ng Ate mo. Kung saan andun ang mga kagaya natin" napatingin ako kay Kuya Kaiper ng magsalita sya at tumayo na sya sa pagkaka-upo nya.
"Trodeagon? Ano yon?" nagtatakang tanong ko.
"Ang mundo ng mga mahika. Salamangka!" masayang sigaw ni Kuya Yohji.
Nawala ang pagka-excite ko kasi alam ko na hindi papayag si Ate sa gusto nila. Galit na galit si Ate kay Mama at Papa dahil iniwan nila kami ng biglaan ng walang pasabi. Hindi ko din naman masisisi si Ate kung galit sya eh kasi alam kong nahihirapan na sya.
Nova's POV
"Nakakainis na! Yvaine, bakit ba gustong gusto mo sumama sa kanila" inis akong sumigaw ng makitang nakabihis na ang kapatid ko at bumaba na galing sa kwarto nya.
"Ate, makikita na natin sila Mama at Papa. Alam kong ayaw mo na silang makita pero paano naman ako Ate... Gustong gusto ko silang makasama... Ate kapag sumama ako sa kanila hindi na tayo magkikita" hinawakan nya ang kamay ko at nagsimula ng tumulo ang luha nya.
"Bakit nyo ba ginagawa to ha!" sigaw ko sa apat na andito sa loob ng bahay.
"Tara na Yvaine..." aya sa kanya nung Miu. Napa-pikit na lang ako, ayaw ko makita na iiwan na naman ako ng taong mahal ko. Hindi pa naghihilom ang sakit sa puso ko simula nung iwan kami nila Mama at Papa tapos ngayon ang kapatid ko! Hindi ko kaya!
"Yvaine!..." humarap sya sakin at tuloy pa rin ang pagluha nya. Hindi ko mapigilan ang maiyak tuwing nakikita kong umiiyak ang kapatid. Ganun ang mga Ate tuwing nakikita nila napapalo or umiiyak ang mga kapatid nila ay mas gugustuhin pa nila sila na lang ang paluin or umiyak din.
"S-sama na ako," napabuntong hininga ako at bigla akong niyakap ni Yvaine at hinalikan halikan sa pisngi.
"Pero..." nawala ang ngiti sa mukha nya ng magsalita ako. "Sasabihan ko muna si Elora"
"Hindi pwede" sabi nung isang lalaki. Lumapit ako sa kanya para tignan ang pin sa uniform nya.
Devan McMillan
"At Bakit?" tinaasan ko sya ng kilay ko. Sino sya para pigilan ako? Sasama na nga ako sa kanila tapos bawal pa akong magpaalam sa bestfriend ko!
"Anong sasabihin mo sa kanya?... Na sasama ka sa amin, hindi nga nya kami nakikita at saan mo sasabihin kung saan ka pupunta? Sa-" tinakpan ko na lang ang bibig nya para hindi na nya matuloy ang gusto nyang sabihin. Oo na alam ko na! Magmu-mukha akong baliw!
"Aayusin lang namin mga gamit na daldahin" paakyat na sana ako ng may magsalita na naman!
"Hindi na kailangan," sabi naman ng isang lalaki. Hayyst.
Kaiper Lerman
"Naghihintay na sila" masayang sabi ni Miu sakin at binigay ang bag na may laman na mga damit "Suot mo yan kasi bawal dun ang galing dito na mga bagay na kung ano ano," wala na akong magagawa rules are rules at wala na din akong magagawa kung hindi isuot yon pero bakit dress pa?! Hindi ako nagde-dress!
Kompleto talaga ang andito sa bag na to ah! May underwear na din, anong lugar pa yon at bawal ang mga gamit galing dito?!
"Ate," katok ni Yvaine sa pinto ng cr. Lumabas na ako ng cr pagkatapos ng ilang oras sa pagbibihis. I hate dresses!
"Wag mo ko tawanan," tinarayan ko sya pagkalabas ko kasi natutuwa sya sa nakikita nya sakin! Ito ang unang beses na nagsuot ako ng dress kaya ganyan ang reaction ni Yvaine.
"Ate, ang ganda mo" puri nya sakin. Bakit kami naka-dress tapos sila suot uniform?
Dinala ni Yvaine ang family picture at ang phone namin kahit sinabi na bawal ang kahit anong bagay dito na dalhin sa lugar nila or sa mundo nila? Ewan. Hindi ko din alam ang gagawin sa mga gamit na naiwan dito sa bahay. Hindi ko din alam kung bakit kami lakad ng lakad at hindi na kami nakikita ng ibang tao. Multo na ba kami?
Habang naglalakad kami ay nakita ko si Elora! Pero ng makalapit ako sa kanya ay para akong hangin sa kanya. Bakit ganun?! Hinaplos ko na lang ang pisngi nya at niyakap sya kahit hindi nya maramdaman yon.
Sorry Elora, promise ko babalik ako.
Nilapitan ako ni Miu at hinawakan ang kamay ko. Hindi ko tinatanggal ang mga tingin ko kay Elora habang naglalakad kami hanggang sa makalayo na kami at napunta na kami sa madilim na lugar na may isang puno.
"Dito? Sino ba talaga kayo?" nagtatakang tanong ko kasi super dilim ng paligid at kinakabahan na ako. "Pagod na pagod na ako sa kakalakad tapos ito lang!"
"Wag ka ngang reklamo ng reklamo jan" ganti sakin nung Dev na tinatawag nila.
Hinawakan ko ng mahigpit ang kapatid ko at paghakbang namin ay nasa harap ko na ang malaking gate! Kabaliktaran ng reaction ko ang kay Yvaine, masaya pa sya sa nakikita nya! Binuksan nila ang gate at nauna na bigla ang kapatid ko na pumasok! Maraming liwanag sa paligid at mga bata?
"Teka lang..." sinampal sampal ko ang mukha para magising lahat na ginawa ko para magising pero andito pa rin ako sa lugar na to.
"Let's go," tinulak na ako ni Miu papasok ng gate. Wow. Legit ba?! Napakalaki ng bahay? Para syang palasyo na ewan. Nababaliw na ako! Maraming naglalaro na mga bata at mga ka-edad ko din.
Puro magic ang nakikita ko! Hindi ko alam ang mga tawag dun pero alam kong si Yvaine ay alam nya ang nakikita nya ngayon. May isang babae na ang nakatayo sa harap namin na naka ngiti at walang pasabing hinawakan ang bracelet ko!
"This is not allowed here," sabi nya at ng titigan ko sya at may narinig akong heartbeat. Eto na naman ang naririnig ko tuwing... "Please wag nyo kunin ang bracelet ko at ang phones namin" dahan dahan nyang binitawan ang kamay ko at ang bracelet at tumango sya sakin.
Lumapit sakin si Yvaine at tinignan din ako sa mga mata ko. "Ate ginamit mo sa-"
"Close your mouth, Yvaine... Wag kang maingay" pinipigil ko ang tawa ko kasi kusang nag sara nga ang bibig ni Yvaine at hindi sya makapag salita! Paano ko ba to ibabalik?! "Ok, tama na" sumigaw sya ng bumukas na ang bibig nya! Ang ingay nya!
"Wala yon," tumawa ako ng sarkastiko kay na Miu kasi hindi na sila nagsasalita!
"Bawal ang ginawa mo Nova" sabi sakin ni Miu na nagaalala.
"Promise, hindi ko na uulitin" ngumiti ako sa kanya at si Miu na lang ang kasama namin ni Yvaine. Malaki loob ng Academy na to parang tatlong hotel na pinagsama sama, may sari sariling kwarto din ang bawat students dito. Iba nga lang ang floor ng room ni Yvaine, katabi ng room ko ang mga room nila Miu. Sinamahan muna ni Miu si Yvaine papunta sa kwarto nya at ako naiwan dito sa malaking hallway. Ano ba to? Ang daming daanan at mga pinto!
Shit. Malapit na akong grumaduate! Tapos iniwan ko lang?! Meron naman siguro ditong normal classes diba? Ngayon mag isa na lang ako dito sa hallway na to saan na ako pupunta? May pinto na umakit ng pansin sa akin at ng buksan ko ay namangha ako sa nakita ko.
"Sino to?" hinawakan ko ang malaking picture na nakadikit sa pader. Isang matanda na babae, may kasama din syang ibon na puti at sa pakpak nito ay may dilaw sa ibaba. Ngayon lang ako nakakita na ganito.
Meron din mga vase sa gilid na color gold at may malaking kurtina. Ang sunod na picture na nakita ko ay picture ni Mama at Papa? Bakit sila andito?
"Nova!.. " rinig kong sigaw ni Miu kaya dali dali akong lumabas ng kwarto na to. "Mag pahinga ka na muna sa kwarto mo... Ok na si Yvaine, don't worry" inakbayan nya ako at sabay na naglakad. Dalawang hagdan ang dinaanan namin bago kami makarating sa kwarto ko.
Pagkapasok ko sa kwarto ko ay ang isang malaking kama ang bumungad sakin. May dalawang malaking bintana pero madilim sa labas kaya wala akong makita. May uniform na din akong nakita sa mannequin na nasa kwarto ko. Ang ganda pala nito sa malapitan!
Binagsak ko na agad ang sarili ko sa kama, nakakapagod maglakad pero silang apat hindi man lang halatang pagod. Sana masaya si Yvaine na andito na kami sa gusto nya.
"Ate! Ate..." agad akong napatayo sa sigaw ni Yvaine akala ko kung ano na ang nangyayari sa kanya. Kasing lakas ng sigaw nya at pag katok nya sa pinto ng kwarto ko.
"Napaka ingay mo," reklamo ko ng buksan ko ang pinto at ang suot nya agad ang napansin ko! Bagay na bagay sa kanya ang uniform. Nasa likod nya din sila Miu naka uniform na din at andun din si Dev na tinignan ang suot ko. Dress pa rin ang suot suot ko hanggang ngayon hindi ko kasi alam kong asan ang cabinet ko!
"Mag bihis ka na dali!" excited na sabi ng kapatid ko sakin.
Alam na alam na nya ang bawat sulok ng kwarto ko kahit unang beses nya palang makapasok dito. Tinulak na nya ako papasok sa napakalaking cr! Parang kwarto na namin to dun sa normal world. Naligo na agad ako baka late na ako sa class ko.
Red na polo shirt at black skirt na abot tuhod ko. Ginaya ko lang kung paano suotin ni Miu ang uniform nya. Naka tuck in ang shirt tapos nasa bewang ang skirt ko na abot tuhod meron din black belt na design dun.
Pagkalabas ko ay si Yvaine ang naglagay ng pin sa uniform ko. Full name ko ang nakalagay dun, inayos ko na lang ang buhok ko at naglagay ng maliit na pin na nakita ko sa drawer.
"Maganda ba?" tanong ko kay Miu.
"Oo daw sabi ni Kuya Dev" nagulat ako sa sinabi ng kapatid ko. Paano nya naman nasabi ha.
Si Yvaine naman pumunta na sa room nila 2rd year high school palang sya at ako naman graduating ng senior high school. Kaming lima ay same room lang at ng pumasok kami ay biglang tumahimik ang lahat at nakatingin silang lahat sakin.
"Dito ka," tinuro ni Miu ang chair ko nasa harapan nya ako sya ang nasa likod ko sila Dev naman ay nasa kaliwang bahagi ko naka-upo at sya ang nasa dulo.
Ano kaya ang gagawin ko dito? Hindi ko nga alam ang ability ko, anong ipapakita ko sa kanila? Wala pa ang prof namin kaya nasa akin ang atensyon nilang lahat. Prof ba tawag nila sa teacher dito?
"Anong gagawin natin?" nagtatakang tanong ko kay Miu.
"1 week tayong mag-aaral about our powers and 1 week naman sama normal subjects," meron naman palang normal subjects dito kaya ok na din pero ang isa ay hindi ok sakin.
"Hi couz, I'm Ivy" bati sakin nung babae na nasa kanan bahagi ko. Couz? Pinsan ko sya?!
Tumingin ako kay Miu para alamin kong totoo nga ang sinasabi nung Ivy na mag-pinsan kami. Hindi ko alam kong matutuwa ako kasi may pinsan ako or ewan ko. Andito pala ang mga relatives namin? May Tito or Tita ba ako dito? Lola or Lolo dito? Gusto ko silang makita.
"Anong kaya mong gawin?" tanong ni Ivy sakin at palapit sya ng palapit.
"Wala..." maiksing sagot ko sa kanya. Gusto ko ng umalis dito! Nakaka-pressure ang mga tingin ng mga classmates ko dito, parang tinutusok ako ng mga tingin nila.
"Ivy tama na yan"
Lumingon si Ivy sa likod nya para tignan kong sino ang nagsalita at nakita ko ang babae na may hawak na book, sya ata ang prof namin. Ngumiti sakin ang babae ng makita nya ako sinusundan ko lang sya gamit ang mga tingin ko hanggang sa makarating sya sa desk nya.
Pumasok lang naman ako dito sa Academy na to' dahil sa kapatid ko, yon lang. Kung gusto nya hanapin sila Mama at Papa hahayaan ko sya sa gusto nya pero ako hindi na. Kinalimutan ko na sila. Kapag nakita na namin sila Mama at Papa ay babalik na ako sa kinalakihan kong mundo meron naman na mag-aalaga sa kapatid ko at mas gaganda ang future nya kapag kasama nya ang gusto nyang kasama sa buhay.
Ms. Daila ang sinabi nyang pangalan at pagkatapos nya ay nag lecture na sya about sa magic. Tinatamad akong makinig para akong kinder na nakikinig sa mga ganun bagay. Yumuko ako sa desk ko at hindi naman ako pinagalitan ni Ms. Daila kaya sa tingin ko ok lang ang matulog sa klase nya. Excuse na ako kasi hindi naman ako sanay sa mga ganito.
"Ivy, pwede magtanong?" nilakasan ko na ang loob ko para magtanong sa pinsan ko daw iniintay nya lang ang itatanong ko sa kanya. "Paano tayo naging rela...tives?" pinilit kong itanong yon sa kanya kaya dapat maayos ang isagot nya sakin.
"Mrs- Tito ko sya. Daddy ko at ang Daddy mo ay mag-kapatid" may narinig akong matinis na tunog at ang sakit nya hindi ko narinig ang pangalan na sinabi nya parang isang mic na sira ang narinig ko. Napatakip ako sa tenga ko sa sobrang tinis ng tunog ang naririnig ko.
"Nova, Ok ka lang?" narinig kong boses ni Miu. Pinagpawisan na agad ako, bakit ganun hindi ko narinig ang pangalan? Pangalan ba yon ni Papa?
Huminga ako ng malalim at pinunasan ang pawis sa noo ko. Nanghina ako bigla, ng lumabas muna saglit si Ms. Daila ay tumayo ako sa upuan ko para lumabas na din. Magpapa-hangin lang ako saglit.
"Nova, Saan ka pupunta?" hindi ko na nasagot ang tanong ni Kaiper sa akin nagmamadali ako kasi baka abutan ako ni Ms. Daila.
Nahirapan pa ako na makalabas! Napaka ganda sa labas, maraming mga bata na around 6-9 ata ang edad at lahat sila ay may kakayahan na sa mga magic. Bakit ganun? Tinalo pa ako ng mga bata.
Binabaybay ko lang ang mahabang upuan, mahangin din at nililipad ang buhok ko. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito parang pahinga ko muna, walang trabaho na iniisip parang hindi ako nag-iisa ngayon.
Napakataas pala ng school na to! s**t. Baka hanapin na ako ni Ms. Daila, tumakbo ako pabalik sa room pero hindi naging madali sa akin na makabalik agad ang daming hagdan! Walang bang elevator dito?!
Nang ilang minuto ay nakabalik na ako sa room at umalis na naman si Ms. Daila. Ano ba?! Papasok ako lalabas sya! Ang weird! Naupo na lang ako sa upuan ko kasi ayaw na ako palabasin ni Miu at nakangiti pa sya sakin.
Nilalaro laro ko na lang ang ballpen ko, bored na bored na ako. May kasama na si Ms. Daila ng pumasok sya at nag tayuan ang lahat ng classmates ko hindi ko alam ang gagawin ko. Tatayo ba ko? Patayo na ako pero paupo na sila! Medyo magulo ah!
Tumingin ako sa babae na kasama ni Ms. Daila pero hindi ko makita ang mukha nya! Itim ang nakikkta ko nababalutan ang mukha nya ng Itim at ng mag salita sya ay napatakip ako sa tenga ko ng grabe dahil sa sobrang sakit ng naririnig ko! Pilit ko syang tinitignan pero wala akong makita, katawan nya lang ang nakikita ko at masakit lang sa ulo kapag tinitignan ko sya sa mukha nya.
Pinagpapawisan na ako ng grabe. Bakit sya andito? Sino sya? Tuwing may naririnig akong matinis na tunog siguro nagsasalita sya at ang sakit pakinggan nun.
"Nova, Ok ka lang?"
"Anong nangyayari sayo?"
"Lumayo muna po kayo Ms-"
Pinilit kong tinignan ang babae pero itim parin ang mukha nya pero ang katawan nya lang ang nakikita ko.
"Tama na!" napasigaw na ako sa sakit ng naririnig ko. Hindi tumitigil ang matinis na tunog na naririnig ko. "Please," nanghihina na ako. Naramdam ko na may humawak sa kamay ko na nasa tenga ko.
Miu's POV
"Saan pupunta yon?" tanong sakin ng kapatid ko na si Dev.
"I don't know" nagkibit balikat ako. Alam nya ba ang pasikot-sikot dito?
"Paano kapag nakita nya na parents nya? Sana maging masaya sya na andito na ang Mama at Papa nya" masayang sabi ni Yohji.
"Sana..." nasabi nga ni Nova na ayaw na nya makita ang mga magulang nya. Naiintindihan ko sya kasi kahit ako kapag nasa sitwasyon ako ni Nova magagalit din ako sa magulang ko. Ang resposibilidad ng isang magulang sinalo lahat yon ni Nova para sa kapatid nya.
Pumasok na si Ms. Daila at kasama si Ms. Clem ang Mama ni Nova, nagtayuan kami para i-greet sya at pinagmamasdan nya ang upuan ni Nova. Nakita ko ang pagtulo ng luha nya. Ilang years na hindi nya nakasama ang mga anak nya sana lang mapatawad sila ni Nova at Yvaine.
"Where's Nova?" tanong ni Ms. Daila pero walang sumasagot sa amin. Hindi nya sinabi sa amin kung saan sya pupunta kaya hindi namin alam ang isasagot.
Nag-usap lang silang dalawa at pagkatapos nun ay umalis na si Ms. Clem balik na ulit sa lecture si Ms. Daila.
"Silipin mo nga si Nova," utos ko kay Dev malapit kasi sya sa bintana. "Hoy anong ginagawa mo?" nakita ko syang ngumiti at parang may ginagawa habang nakatingin sa bintana. Ginagalaw nya kasi ang mga daliri nya, ginagamit nya ang powers nya!
Nakinig na lang ako sa sinasabi ni Ms. Daila, matatapos din to' kasi mamaya after lunch ay sa by abilities na ang sunod na class at practice ng abilities namin. Bumukas na ang pinto at si Nova hingal na hingal na bumalik dito.
Excited na ako para sa kanya kasi may naghihintay sa kanya na importante sa buhay nya. Pero ang excitement ko ay napalitan ng pag-aalala dahil sa nangyayari kay Nova. Bakit sya parang natatakot? Nanginginig ang mga kamay nya at pinagpapawisan.
"Nova, si Mama to. Miss na miss na kita..." umiiyak na si Ms. Clem ng makita ang anak nya pero bakit ganito ang nangyayari kay Nova?
"Nova, tumingin ka sakin. Anong nangyayari sayo? Nak, wag kang matakot..." napatakip si Ms. Clem sa bibig nya ng makita na nahihirapan ang anak nya.
"Tama na!" sigaw ni Nova. "Please," tumulo ang luha ko ng magmakaawa sya sa Mama nya. Hindi ko kaya na makita sya ng ganito, hindi ganito ang inaakala ko na mangyari. Lumapit si Dev kay Nova at hinawakan nya ang kamay ni Nova para pakalmahin at pinalayo muna ni Ms. Daila si Ms. Clem.
"Nova?...Shit" ng lapitan ko sya ay wala na syang malay! Namumutla na sya puti na ang labi nya at pawis na pawis. Binuhat kaagad sya ni Dev palabas ng room para pumunta sa clinic, napa-upo na sa sahig si Ms. Clem nilapitan ko sya para i-comfort.
"Sabihin mo sakin Miu na magiging ok lang ang lahat diba?" tumingin sakin si Ms. Clem at punong puno ang mga mata nya ng luha.
Sana nga, Ms. Clem.