Nagising ako kasi hindi ko magalaw ang kamay ko parang may naka-ipit sa kamay ko. Nakita ko ang ulo ni Yvaine na nakayuko sa kamay ko, bakit sya andito? Nilibot libot ko ang paningin ko sa kwarto kong asan ako. Bakit ako nasa clinic?
"Yvaine..." tinawag ko ang pansin nya kasi masakit na sa kamay nangangalay na ang kamay ko.
"Ate, ok ka na ba? Ano ba kasing nangyari?!" nagulat ako kasi tumaas ang boses nya sakin.
"Hoy, Ate mo ko" bumangon ako sa pagkakahiga ko para maupo at narinig ko ang pagtawa nya. Kinuha ko ang isang basong tubig na nakita ko sa maliit na table uhaw na uhaw ako, para akong tumakbo.
"Anong nga nangyari?" nagaalalang tanong nya ulit.
"Wala... Pagod lang ako" tanggi ko at binaba na ang baso sa table. Tumayo na ako aalis na sa kwarto na to at para hindi na ako tanungin ni Yvaine. Anong sasabihin ko? Hindi ko nga alam kong paano sasabihin ang nakita ko.
Pagbukas ko ng pinto ay nakita ko ulit ang itim na mukha na nakita ko kanina. Napayuko ako sa sakit sa mata para tinutusok ang mga mata ko, tinutusok ng mainit na bagay.
"Ate- Ah!" hindi ko makita kung ano ang nangyayari sa kapatid ko. Nanghihina na naman ako tuwing nakikita ko ang itim na mukha. Narinig ko na naman ang matinis na tunog na yon, para akong mababaliw sa sakit at parang magdudugo ang tenga ko! Ang iniisip ko ang kapatid ko!
"Ate! Masakit!" sigaw ng sigaw si Yvaine at narinig ko na may bumagsak at tuloy parin sa pagsigaw si Yvaine.
"Ms- Wag na po muna kayong lumapit sa kanila..." narinig ko ang boses ni Miu.
Narinig ko na naman ang matinis na tunog dahilan para sumigaw na naman ang kapatid. Matatanggal ko na ata ang tenga ko sa pagpigil sa tunog na naririnig ko, ngayon ko lang naramdaman ang sakit na to sa buong buhay ko.
Dahan dahan kung binuksan ang mga mata ko nakita ko si Yvaine na naka-upo sa sahig, iyak sya ng iyak. Pinapatahan sya ni Miu at ako ay hawak hawak ko ang kamay nya pinipisil pisil, ganito ang gusto nya tuwing umiiyak sya. Ganito ang gusto nya na pinipisil pisil ko ang kamay nya.
"Miu bakit ganun? Wala syang mukha... at may naririnig akong tunog na hindi ko alam kung saan nang gagaling. Itim ang nakikita ko sa kanya" inalalayan namin tumayo si Yvaine.
"Sure ka? - mo yon" sumigaw na naman si Yvaine, parehas ba kami ng nakikita ni Yvaine at naririnig? "Sorry"
Hinatid namin si Yvaine kung saan ang mga studyante na kasama nya ay parehas ng abilities nya. Ganun pala yon? Hindi ko alam kung saan ako! May pinuntahan kami ni Miu na malaking pintuan at ng buksan nya yon ay nakita ko si Dev at Kaiper.
Hangin laban sa usok?! Anong ginagawa nila? Lahat ng binabato ni Kaiper kay Dev ay nawawala. Naupo kami sa gilid ng malaking kwarto na to, pinapanood ko lang bawat galaw nila at kung paano sila nakakabuo ng ganun bagay galing sa mga palad nila.
"Alam mo may kilala akong tao na gustong gusto makita ang mga anak nya at mayakap sila kasi ilang years din silang hindi nagkita..." napalingon ako kay Miu ng bigla syang magsalita.
"Ano nangyari? Bakit hindi sila magkakasama?" curious na tanong ko.
"I don't know kung bakit... Kung ikaw nasa sitwasyon ng isa sa mga anak nya anong mararamdaman mo? Magagalit ka ba sa kanila?" sunod sunod na tanong nya sakin. Sya ba ang anak na tinutukoy nya?
"Depende sa sitwasyon. Ano ba sitwasyon nung anak? Asan sya?" tanong ko ulit sa kanya.
"Galit ka ba sa parents mo?" nagpapalitan lang kami ng tanong dito.
"Oo," maiksing sagot ko. Oo galit na galit ako sa kanila! Ginawa nila kaming laruan na kapag luma na ay iiiwan na sa isang tabi, pababayaan na lang. Ako ang pumalit sa kanila sa pag-aalaga sa kapatid minsan iniisip ko na mawala na lang dito sa mundo pero naisip ko din si Yvaine kailangan nya ako. Hindi ako pwede sumuko agad agad kasi umaasa sakin ang kapatid ko.
"Mapapatawad mo pa ba sila?" tanong nya ulit sakin pero hindi ko na nasagot ang tanong nya. Ang gusto ko lang gawin nila kapag bumalik sila ay wag na nilang iwan ulit si Yvaine, kahit sya lang. Ok na ako dun basta para sa kapatid ko.
Bagong araw na naman ng mga magic magic! Sumilip ako sa klase ni Yvaine at nagvi-video sya! Marami na syang bagong kaibigan at napaka saya nya ngayon. Vinideohan nya lahat ng mga pinapakita na powers ng mga classmates nya! At kahit ang sarili nya.
"Sabay na tayo?"
Lumingon ako sa likod ko para tignan kong sino ang nagsalita at kong ako ba ang kinaka-usap nya. Nakita ko na nakatayo si Yohji may hawak na cupcake, mahilig talaga syang kumain. laging puno ang table nya ng pagkain pero hindi sya tumataba.
Sabi nya sabay na daw kami edi sabay na nga kaming pumunta sa classroom namin, hinanap ko kaagad si Ivy pero wala sya sa upuan nya. Busy lang si Miu sa binabasa nyang makapal na book.
"Anong lugar yon?" tanong ko kay Dev na nasa bintana. Tanaw ko ang buong Melniarra Academy mula dito sa bintana at pati na rin yon isang lugar na puno ng mga bahay.
"Norwelts Town..." simpleng sagot nya sakin.
"Bakit natatakot ka sa -" napatakip agad ako sa tenga ko ng marinig ko ulit ang matinis na tunog. Natatakot saan? Dumating na si Ms. Daila kaya bumalik na ako sa upuan ko, medyo interested ako sa lectures nya ngayon. About sa portal?
Pinakita nya din ang picture ng matandang babae na nakita ko na sa isang kwarto na puno ng mga pictures. Si Giovanna Finira Marsden napaka ganda nya. Tita ko ba sya? Parehas kami ng last name.
"Sya ang may hawak ng kapangyarihan ng nagliliwanag na bituin. Ang lola mo, Nova..." napa ayos ako ng upo ng tignan ako ni Ms. Daila. Lola ko?
"A-asan na po sya?" nauutal na tanong ko.
"She passed away 6 years ago..." napatingin ako kay Ivy ng sagutin nya ang tanong ko.
"A-anong nangyari? Paano?" tanong ko ulit.
"Dahil kay Daddy," kumunot ang noo ko sa singot ulit ni Ivy. Magtatanong pa ba ako? Gusto ko malaman dahil saan sya namatay pero baka iba ang isipin ni Ivy. Pinatay sya ng anak nya?! Ganun ba ang ibig sabihin ni Ivy?
"Kapag nasa sayo ang kapangyarihan ng liwanag maari mong buksan ang light portal. Sya lang ang maaring makabukas ng portal, pwede kang bumalik sa past. Pero ang ibang tao ay natutukso sa kapangyarihan na ito... Pwede mong ibigay lahat ng hinihiling sayo ng isang tao at pwede din... Ibalik ang mga namatay nilang mahal sa buhay... Pero may kapalit..." tuloy sa pag i-explain si Ms. Daila at kinilabutan ako dun. "What do you think symbolized that power? tanong nya.
"What do you think?... Nova" ako na naman ang tinawag ni Ms. Daila, wala akong alam jan!
Pwede ibigay lahat ng hinihiling at parang nagliliwanag na bituin. "Like a Wishing star?" hindi ko sure kung tama nga ang isinagot ko pero yan ang alam ko na malapit na sagot.
"Sa tingin nyo ngayon na kanino ang kapangyarihan na ito?" tanong ni Ms. Daila sa amin at itinaas ni Ivy ang kamay nya.
"Na sayo ang summoner at yang nakaka-kuryente mong kamay" rinig kong sabi ni Yohji at tinarayan sya ni Ivy. Ano yon?
"Sayo, Nova" bakit ako lagi ang tinatawag ni Ms. Daila?!
"Ayoko ng ganyan..." napakunot ang noo ni Ms. Daila at ramdam ko ang mga tingin nila sa akin lahat ng classmates ko!
"Bakit naman?" pinag kruss ni Ms. Daila ang kamay nya sa dibdib nya.
"Masyado akong mabait baka ibigay ko lahat ng gusto nila" pagbibiro ko pero bakit walang nakakuha na nagbibiro lang ako! Self-compliment kaya yon!
"Yohji... Bakit ganyan ka makatingin? At bakit hindi ka nakikisabay sa trip ko? It's a Self-compliment" sunod sunod kong tanong halos lahat sila natahimik hangin lang ang naririnig ko! Kahit si Miu, Dev at Kaiper ay nakatingin sakin!
Bumalik na si Ms. Daila sa desk nya at si Yohji naman ay tawa ng tawa. Ok, late reaction. Hindi sya tumitigil sa kakatawa nya! Buti hindi kami pinapansin ni Ms. Daila kasi may binabasa sya sa notebook nya.
"Yohji... Quiet" tinitigan ko sya at ang tawa nya ay nawalan ng sound! Hindi ko mapigilan matawa sa reaction nya. Kina-kalabit kalabit nya lang ako na para ibalik ko ang boses nya pero natutuwa ako sa nakikita ko kay Yohji.
"Nova, anong ginawa mo" natatawang sabi sakin ni Miu.
"Ok, enough" tumingin ako sa mata ni Yohji at bumalik na din sa wakas ang boses nya.
"Nova, mind control ang meron ka kaya mong i-manipulate ang isang tao sa kahit anong gusto mo" natahimik ako bigla sa sinabi ni Yohji at nawala ang ngiti sa labi ko. Hindi ko alam ang ire-react ko! Matutuwa ba ako or matatakot?!
"Ulitin mo" excited na sabi ni Yohji sakin.
"Ayoko" maiksing sabi ko at yumuko na lang sa desk ko pero may kumakalabit sakin at parang iba ang kamay nya. Mataba na malaki, may tumutusok din sa balikat ko at ng harapin ko ang kumakalabit sakin. Shit...
Napasigaw ako ng malakas sa nakita ko isang lion ang bumungad sakin! at matutumba sana ako kasama ng upuan ko pero parang may sumalo sakin at sa upuan ko na parang hangin para hindi ako tuluyan na mahulog. Pero wala naman naka-salo sakin, invisible? Si Miu ba ang may gawa nito kaya nya i-control ang mga bagay pero hindi naman ako bagay! Tao ako! Ang upuan ko pwede pa pero mahuhulog ako nun.
Bumalik na sa dating pwesto ang upuan ko at si Yohji din na naging lion kanina! Tawa na sya ng tawa! Kahit ang iba kong classmates ay tinatawanan ako kaya tinignan ko ng masama si Yohji.
"Dito ka nga," utos ni Dev kay Yohji. Nakikipag-palit ng upuan si Dev kay Yohji nasa kaliwang bahagi ko kasi si Yohji at nasa unahan si Kaiper at sa dulo naman si Dev.
Nakatingin pa rin ako ng masama kay Yohji hanggang sa lumipat na sya sa upuan ni Dev at si Dev na ang malapit sakin.
"Makinig ka nga," iritang utos sakin ni Dev.
"Ayoko nga... Ang boring" mahinang sabi ko para hindi marinig ni Ms. Daila at nakita ko na ngumiti sya sakin.
Nag lunch muna kami at pumunta na ang lahat sa mga kailangan nilang gawin. Ang iba ay nagpa-practice sa mga powers nila katulad nila Dev at Kaiper at si Yvaine naman ay papunta sa library magbabasa daw tungkol sa history kasi yon daw ang pinapagawa sa kanya ng teacher nya.
Wala akong gagawin ngayon kasi hindi ko pa alam ang powers na meron ako. Mind control pa lang, sabi nila dalawa daw ang kapangyarihan each students. Kaya pumunta ako sa kwarto na pinuntahan ko nung unang beses akong nakarating dito.
"Bakit may picture dito sila Mama at Papa?" hinaplos ko ang isang malaking picture frame ng isang babae at isang lalaki meron din silang kasama baby at isang babae ng siguro 3 years old Ano ginagawa nila dito? Ako ba yon?
Umalis na lang ako sa kwarto na to, ayaw ko na makita ang mga picture na yon. Kinakalimutan ko na sila. Hinahanap ko na lang ang library kailangan ko si Yvaine may papagawa ako sa kanya. Bakit ba kasi ang laki laki ng lugar na to?! Ang hirap hanapin ng library!
"Sorry Miss," nabunggo ako ng isang lalaki at nahawakan nya ang siko ko at maya-maya lang ay parang may sumisipsip sa dugo ko at sobrang sakit! "Sorry ulit" sabi nya at tumakbo na sya palayo. Bakit ganun yon?! Napapa-pikit na ako dahil sa sakit!
Hindi ko na alam ang gagawin ko sa kamay ko! Buti nakita ako ni Miu at sinabi ko sa kanya ang sakit na nararamdaman ko sa kamay ko.
"Si Lach," hindi ko alam kung bakit ngayon pa sya nag banggit ng pangalan. Ang kailangan ko gamot para dito. "Tara hanapin natin sya,"
Ang kailangan kong hanapin ay ang gamot! Hindi yong hindi ko kilalang lalaki. Sumilip silip si Miu sa lahat ng room pero wala ang hinahanap nya. Pakiramdam ko wala ng dugo na dumadaloy sa kamay ko.
"Love, nakita mo ba si Lach?" nanlaki ang mga mata ko ng tawagin nya si Kaiper! What?! Anong meron sa kanila?! Love?
"Kausap ni Dev kanina" kumunot ang noo nya kasi siguro nagtataka sya kong bakit hinahanap ng girlfriend nya yong Lach. Syempre love na ang tawag nila sa isa't-isa edi mag jowa sila.
"Nahawakan ka ba ni Lach?" tanong nya sakin at tumango lang ako, hindi ko alam kung bakit parang ang big deal sa kanila yon.
"Miu.. Masakit na" reklamo ko sa kanya tuloy pa rin sa pagkirot ang kamay ko.
"Wait lang tiisin mo, kailangan natin mahanap si Lach. As in now na!" mas lalong bumilis ang paglalakad nya at nahihila nya ako.
Pumasok kami sa isang room na pinuntahan namin dati at andun si Dev nagpa-practice ng powers nya. Wala naman yong Lach dito. Napatigil sya sa pagpa-practice sya ng makita kami nakasunod din sa amin si Kaiper.
"Asan si Lach?!" napalakas ata ang pagtatanong nya sa kapatid nya.
"Nasa gubat," napatingin sakin si Dev at sa kamay ko namumuti na ang kamay ko.
"What?! Paano yan? Nahawakan sya ni Lach. Hindi pwede na putulin ang kamay ni Nova!" nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Miu. Anong puputulin?! No!
Nakita ko na may binulong si Dev bago mabilis na umalis sa harapan namin. Malayo ba ang gubat dito? Hindi na kaya ng kamay ko pakiramdam ko umaakyat ang sakit papunta sa may leeg ko.
"Miu... Hindi ko na kaya ang sakit!" napapikit ako ng madiin sa sobrang sakit.
Ano ba ginawa sakin nun Lach na yon?! Kinulam nya ba ako? Pakiramdam ko makakatulog na ako pilit kong binubuka ang mga mata ko pero gusto na nyang pumikit... Tinatapik-tapik lang ni Miu ang pisngi ko para hindi ako makatulog.
Hindi ko na maintindihan mga pinag-uusapan nila Miu at Kaiper. Gusto ko lang naman puntahan si Yvaine sa library kasi may gagawin kami pero ganito pa ang nangyari sakin. May gumagapang sa loob ng katawan ko... Napaka-sakit!
***
"Sorry ulit ha"
Bumukas na ang pinto at nakita ko na ang kaninang nakabunggo sakin si Lach at kasama nya si Dev. Hinanap nya si Lach sa gubat? Akala ko nagalit kasi ginulo namin sya sa pagpa-practice nya. Lumapit bigla sakin si Lach at hinawakan ang palapulsuhan ko at idinikit nya ang labi nya doon!
"Ano ginagawa mo?!" inilayo ko sa kanya ang palapulsuhan ko.
"Pwede wag ka magulo," napakayabang nya! Kinuha nya ulit ang palapulsuhan ko at inilapat ang bibig nya dun at sinipsip nya ang dugo ko? Pumikit ako sa sakit habang sinisipsip nya ang kung ano man yon.
"Vampira ka ba?!" tanong ko sa kanya ng matapos na sya sa ginagawa nya.
"Last week, ahas ang tawag sakin. Ngayon vampira naman" napailing iling sya at tumayo na para umalis sa room na to. "Unique"
"Mag-gloves ka nga!" sigaw sa kanya ni Kaiper.
***
Nakita ko si Yvaine na busy sa pagbabasa nya ng makapal na libro at tumingala sya sakin ng mapansin ang presence ko. Napansin ko din na marami syang papel na punit punit na at medyo luma na.
"Samahan mo ako may gagawin tayo" hinila ko na sya patayo sa kina-uupuan nya.
"Teka Ate!" sigaw nya at nag echo pa! Alam nya ba na nasa library kami, ang lakas ng sigaw nya baka palabasin kami dito. Lalabas na nga kami.
"Wag kang sumigaw," saway ko sa kanya.
"Wala naman tao dito eh tayo lang dalawa," napalingon lingon ako sa paligid ko at napansin nga na maraming bakanteng upuan.
"May iniintay ako," napakunot ang noo ko sa kanya. Sino naman ang iniintay nya ha. Bawal pa syang mag-boyfriend!
"Magso-solve tayo ng mystery" nagliwanag ang mukha nya at hindi na sya nagpa-awat nag-iwan na lang sya ng note para sa kasama nya, tinignan ko muna ang note na nilagay nya akala ko kasi pang-sweet message hindi naman pala.
Dinala ko sya sa kwarto na punong puno ng mga pictures at napanganga pa sya sa pagkamangha sa nakikita nya. Una nyang nilapitan ay ang picture ni Giovanna F. Marsden ang lola namin at sunod ang picture nila Mama at Papa.
"Ano gagawin natin dito?" nagtatakang tanong nya.
"Diba sabi mo nakakakita ka ng past sa mga bagay bagay... Alamin mo kung sino ang kasama nilang bata jan sa picture na yan" napakunot ang noo nya sa sinabi ko.
"Ate, obvious naman eh na ikaw ang kasama nila sa picture" napabuntong hininga ako, alam ko naman yon malay natin diba may kapatid pala kaming iba na hindi namin alam, kaya nila kami ni Yvaine iniwan at pinili nila ang iba namin kapatid dito.
"Malay mo may kapatid pa pala tayo," mukhang na-excite sya sa sinabi ko kaya nilapitan nya ang picture nila Mama at Papa at ipinikit ang mata.
Tinignan ko sya habang nakapikit ang mata nya at laging nakakunot ang noo nya at umiiling iling. Nang makita ko na tumulo ang luha nya ay pilit ko na inaalis ang kamay nya sa pagkahawak nya sa picture pero hindi sya nagpapatalo sakin.
"Yvaine! Ano ba tigilan mo na yan!" sigaw ako ng sigaw pero hindi sya nakikinig!
"Yvaine, tara na may multo dito!" tinatakot ko na sya pero hindi gumagana sa kanya! "Yvaine!" buong lakas kong tinanggal ang kamay nya at pinaglakihan nya ako ng mata nya na parang may sinira ako.
"Ate andito nga sila. Lahat ko nakita kahit ang paghabol satin ni Mama kasi yong-" tinakpan ko na ang bibig nya para hindi ko na marinig ang gusto nyang sabihin kasi alam ko na yon kung ano.
"Bakit ka na naiyak?..." masungit na tanong ko sa kanya. "Iyakin" bulong ko pero alam ko naman na narinig nya yon.
"Miss ko na kasi sila," yumuko sya at nilaro-laro ang mga daliri nya.
***
Friday na ngayon at ganun pa rin ang nangyari sa school all about magic ang tinuturo nagsasawa na ako! Excited na ako sa next monday kasi normal subjects na ang ituturo. Buti nga hindi ko nakita ngayon yong babae na dilim ang mukha.
Nasa cafeteria kami ngayong lima pakiramdam ko hindi ako belong dito kasi wala ako ng katulad ng meron sila Dev, Kaiper, Miu at Yohji silang apat complete na ang mga abilities nila habang ako isa lang ang kaya ko. Kahit ang kapatid ko ay ganun din!
Kumaway sakin si Yvaine ng makita ako at naglakad sya papunta sa table namin dala dala ang tray ng pagkain nya.
"Dito ka na Yvaine," sumingkit ang mga mata ko kay Yohji ng alukin nya si Yvaine na umupo sa tabi nya.
"Pwede ba kami ni Ate magtanong," kumunot ang noo ko kasi wala naman akong naaalala na may itatanong kami sa kanila. "Anong meron sa Norwelts Town?" tanong nya.
"Doon nakatira ang mga parents namin pero normal na silang lahat. Walang powers..." nanlaki ang mga mata ko sa narinig kay Miu. Hindi sila napupunta sa normal world? Gusto ko sana itanong yon kay Miu pero inunahan ako ni Yvaine magtanong.
"May mga halimaw ba dun? Malayo ba yon?" sunod sunod nyang tanong. Ano bang balak nya gawin dun parang gustong gusto nya pumunta dun.
"Meron pero sabi sabi lang yon" sagot naman ni Kaiper.
"Siguro 5 hours ka maglalakad" sagot naman ni Yohji.
"Ate samahan mo ko sa cr - sa kwarto ko pala" hinila na agad ako ni Yvaine kahit hindi pa ako tapos kumain!
Ano na naman ba ang gagawin namin? Hindi naman kami pumunta sa kwarto nya at kahit sa cr! Andito kami sa hagdan nakatayo sa sulok at iniintay nya na mawala ang mga dumadaan na mga studyante.
"Ate pupunta tayo sa Norwelts Town," nagulat ako kasi sya ang nagdesisyon! Parang inuutusan nya pa ako!
"At bakit naman?" tinaasan ko sya ng kilay at pinag kruss ang kamay sa dibdib ko.
"Hahanapin natin sila Mama at Papa. Wait wag ka muna mag react, alam kong ayaw mo pero please, Ate. Last one na to', hindi na kita pipilitin tungkol kay na Mama at Papa" napabuntong hininga ako wala naman na akong magagawa, ang dami na nyang sinabi para i-convince ako.
"2 am, mamaya" bulong nya sakin at bumalik na kami sa loob ng cafeteria. Naalala ko sinabi nilang apat na tutulungan nila kami na hanapin sila Mama at Papa kaya pumayag kami pero wala naman nangyayari.
***
May kumakatok katok sa pinto ng kwarto ko, ang aga aga pa at madilim pa sa labas pero may nanggugulo na! Pagka-bukas ko ng pinto isang babae na itim lahat ang suot at may dalang flashlight. Madilim na kasi sa hallway kaya ng pumasok sya sa kwarto ko lumiwanag unti ang pagmumukha nya. Yvaine.
"Ate, mag ready ka," utos na naman nya sakin. Ano ba talaga ang totoo, sino ang Ate sa aming dalawa ha.
Narinig ko ang pagbaba nya ng mabigat nyang bag at binagsak ang sarili sa kama ko, nag titigan nya ulit ako ay sinamaan ako ng tingin kaya dali dali na akong nag ready. Itim din lahat ang suot ko pero dress nga lang kahit si Yvaine dress na itim ang suot. Napansin ko lang na lahat ng damit namin dito ay dress!
Nakatulog na si Yvaine habang iniintay akong matapos ng gisingin ko sya ay sya pa ang nagalit sakin! Tinignan ko din ang laman ng bag nya na puno ng mga pagkain! Saan sya nakakuha ng maraming pagkain?!
"Sure ka ba talaga? Hahanapin nila tayo..." nag aalalang sabi ko habang dahan dahan kaming bumababa ng napaka daming hagdan!
"5 hours lang naman daw ang kailangan lakarin at makakadating na tayo dun ng umaga. Kung dadalian mo jan maglakad" narinig ko syang tumawa at binatukan ko sya ng mahina para hindi sya sumigaw. Parang sya ang Ate sa amin!
"Saan mo nakuha yan?!" gulat na tanong ko sa kanya ng makita ang maliit na mapa pero nasa color brown na papel.
"Ginawa to para sakin ni Perri," sagot nya habang pinag mamasdan ang maliit na mapa. "Ate, babae sya" paliwanag nya. Wala naman akong tinatanong kung lalaki sya or babae.
Siguro dalawang oras na kaming naglalakad pero hindi pa rin napapagod si Yvaine habang ako hingal na hingal na! Nangangati na din ako sa mga dahon, basa na ang ibaba ng dress namin dalawa kasi dumaan kami sa ilog!
Hindi ba sya natatakot at sya pa ang nauunang maglakad sa aming dalawa. Hindi din ba sya naniniwala na may mga halimaw dito? Ano kayang klaseng halimaw ang andito?
"Pahinga muna tayo," sabi ko sabay upo sa damuhan. Inalok nya din ako ng baon nyang pagkain kinuha ko ang pancake dun na nasa baonan.
"May star pa pala at bakit mag isa lang diba dapat marami sila. Super liwanag nya diba? Ate" kahit ako nagtataka kung bakit meron pang star, medyo maliwanag na.
Pagkatapos ng ilang minutong pahinga ay nagsimula na ulit kaming maglakad. Kinikilabutan ako at nagtatayuan ang mga balahibo ko. Nasa gitna kami ng malalaking puno at madaming tunog ng owl kaya madilim na naman ang dinadaanan namin dahil sa malalaking puno.
"Ate, stop wag ka muna maglakad," hinawakan nya ako ng mahigpit sa braso ko at nagsisimula na akong kabahan.
"Gusto mo tumakbo na tayo?" pagbibiro ko pero tumakbo nga sya at naiwan ako! Gumawa sya ng ingay sa pagtakbo nya kaya lumabas ang dalawang lobo na may pakpak ng dragon! N-nasa harapan ko sya! D-dalawa!
"Ate! Wag kang gumalaw!" nakita ko na may binato si Yvaine na bato kasi muntik na akong tamaan nito!
"H-hindi ako masarap," nanginginig na sabi ko. Nagdadasal na ako na sana may magligtas sakin at sana hindi nila ako kainin ng buhay!
Sige pa rin sa pagbato si Yvaine sa dalawang lobo para kuhanin ang atensyon pero parang bagsak lang ng dahon sa kanila ang binabato ni Yvaine at sa akin pa rin naka-focus! Atras na ako ng atras habang papalapit silang dalawa sakin! Bakit ba kasi dalawa pa?!
Sumigaw ako ng matamaan ako ng pakpak nila! Saan ka ba kasi nakakita ng lobo na may pakpak ng dragon?! Kumuha ako ng matulis na kahoy at ginawang dart ang mukha nila at ayon sapul sa mukha. Mali ata ang ginawa ko!
"Sorry please, padaanin mo ako" l-lumabas ang ngipin nya at handa na akong lamunin ng buo! Hanggang sa... Isang puting liwanag ang sumilaw sa kanila galing dun sa star na naliliwanag kanina.
Mabilis na kaming tumakbo ni Yvaine palabas ng gubat. Thank you sa isang star na yon at tinulungan kami. Hindi din naging madali sa amin ang makalabas sa gubat dahil sa mga puno magkakamukha.
"Ate, anong tawagddun sa lobong may pakpak?" tanong nya sakin habang magka-hawak kami ng kamay at tumatakbo.
"Isa lang ang tawag dun!... Halimaw!" mas bumilis ang takbo namin at hindi na namin nasusundan ang mapa!
Nakikita na namin ang katapusan ng gubat at maliwanag na buti naman at ang nadatnan namin sa dulo ng gubat ay isang falls. Wala kami sa taas. Napaka ganda! Tumingala ako para tignan kung may star pa pero wala na.
Hinila ko na kaagad si Yvaine sa daanan na nakikita ko balak nya pa kasing puntahan yong falls. Sinundan nalang namin ang daanan hanggang sa marating namin ang napakaraming bahay. Ito na ata ang sinasabi nilang Norwelts Town. Simple lang ang mga taong nakatira dito, mukha nga silang mga normal na tao. Wala akong nakikitang lumipad na gamit o kung ano ano.
"Ate ang daming tao, paano natin mahahanap sila Mama at Papa?" kahit ako hindi ko din alam kung paano namin sisimulan ang paghahanap. Wala naman talaga akong balak hanapin sila, para kay Yvaine kaya ginawa ko to'.
Nauna akong maglakad sa amin dalawa. Napansin ko na lahat ng andito ay matatanda na, walang mga bata dito. Bakit? Buti saturday ngayon at walang pasok, mapapansin kaya nila na wala kami sa Academy. May narinig akong nagsisigawan sa bandang likod kaya ng tignan ko at nakita si Yvaine nawalan ng malay!
"Sumama kayo sakin," may lumapit sa akin na matandang babae, mukhang syang mabait kaya sumama kami at binuhat ng mga kalalakihan si Yvaine papunta sa bahay ng matandang babae. Malinis sa loob ng bahay nya halos lahat din ng bahay dito ay gawa sa kahoy at lahat may second floor kaya ang cute tignan.
"Anong ginagawa nyo dito?" tanong sakin ng matandang babae habang inaayos si Yvaine ng higa. Hindi ako makasagot sa kanya si Yvaine lang ang kayang makasagot sa kanya at hindi ako. "Galing pa kayong Melniarra Academy?!... Kaya siguro nahimatay ang kapatid mo dahil sa pagod" ako ang nagulat ng malaman nya na magkapatid kami.
"P-paano nyo po nalaman na magkapatid kami?" nauutal na tanong ko sa kanya pero hindi na nya ako sinagot.
Sumama muna ako sa kanya para kumuha ng mga gulay at prutas sariwa pa ang lahat kasi ikaw mismo ang kukuha sa puno at sa mga tanim na gulay. Pauwi na kami at may isang lalaki na nagtitinda ng mga lucky charm, tumingin tingin muna ako dun habang may kausap ang matandang babae na kasama ko.
"Pili ka na ng gusto mo," ngumiti sakin ang lalaki.
"Wala po akong pambayad" hinawakan ko ang isang lucky charm keychain na clover flower, ang ganda nya pagmasdan.
"Regalo ko na sayo yan," ngumiti ng malaki ang lalaki sa akin.
"Talaga po?... Thank you po" ngumiti ako sa kanya at tatayo na sana ng magsalita pa sya.
"Paki-bigay na lang nito sa Mama mo," iniabot nya sakin ang isang lucky charm keychain na butterfly na blue at may mga mata na kasama. Tinanggap ko na lang yon at ngumiti sa kanya.
Mabibigay ko pa kaya to?