Miuccia's POV
"Nova," kanina pa ako katok ng katok sa pinto ng kwarto ni Nova pero walang sumasagot kaya binuksan ko na lang ang pinto at nakita ko na walang nakahiga sa kama nya. Asan kaya yon? Saan naman sya pupunta ang aga aga.
Bumaba ako ng second floor para tignan baka sa kwarto ni Yvaine sya natulog at ganun din ang nangyari katok din ako ng katok pero walang sumasagot! Asan ba yong mag-kapatid na yon? Wala din tao sa loob ng kwarto ni Yvaine!
Kumain na lang muna kami ng breakfast sa cafeteria. May hinihintay ata silang dumating or kasama ko na dalawang babae, pero sorry hindi ko alam kung asan sila.
"Hindi mo kasama si Nova?" tanong sakin ni Dev.
"Hindi ko sila makita..." sagot ko at umupo sa katabi ni Kaiper.
"Si Yvaine, bakit hindi mo din kasama?" tanong naman ni Yohji.
"Hindi ko nga silang dalawa makita. Wala sila sa mga kwarto nila" sagot ko at sinimulan ng kumain.
Pancake lang ang kinuha ko at ganun din si Yohji. Hindi ako mapakali dahil hindi namin kasama si Nova at si Yvaine at pakiramdam ko hindi ako nabubusog kakaisip kung saan sila nag-punta. Andito ang mga magulang nila kaya hindi na nila kailangan hanapin, naghihintay na sa kanila ang Mama at Papa nila pero hindi nila maramdaman yon.
Balak ko sana silang ipasyal dito sa buong Academy lalo na next week ay lahat normal subjects na. Pagkatapos namin kumain ay hinila ako bigla ni Yohji! Hindi ko alam kung saan ako dadalhin nito. Malalagot sya kay Kaiper!
"Alam mo ba kung saan nagpunta si Yvaine?" tanong nya sa isang classmate ni Yvaine.
"Kahapon may pinagawa si Yvaine sakin, direction papunta sa Norwelts town..." napatakip ako sa bibig ko ng marinig ang sinabi ng classmate ni Yvaine. Anong gagawin nila dun?! Umalis na ang babae at nagkatitigan kami ni Yohji.
"Delikado ang dadaanan nila. Gabi ba sila umalis?... Yeah for sure" ako na lang ang sumagot ng tanong ko! Hinanap na din namin sila Dev at Kaiper para sundan sila Nova. Kahit ako hindi ko kaya mag-isa pumunta dun! Except sa malayo, nakakatakot din.
"Kailangan to' malaman ni Ms. Clem," nag-aalalang sabi ni Kaiper.
"No, wala na tayong time puntahan nalang natin sila" pag-pigil ko sa kanya. Tiyak ako na mag-aalala si Ms. Clem kapag nakarating sa kanya ang balita na nagpunta sa Norwelts ang mga anak nya.
5 hours! Ang kailangan lakarin namin. Siguro tatlong oras na kaming naglalakad at ang dumi dumi na ng damit ko, madami na din akong galos sa balikat gawa ng mga matitinik na dahon. Sh*t ito na ang kinakatakutan ko! Ang gubat!
"Mamaya na tayo pumasok jan, pahinga muna. Pagod na pagod na ako" reklamo ko at umupo sa nakatumbang kahoy at bigla naman lumakas ang hangin!
"Fine, tara na. Nag-aalala ka ba o galit?" tanong ko kay Dev. Alam ko na sya ang may gawa ng malakas na hangin. Napahawak ako ng mahigpit kay Kaiper sa sobrang takot, may araw naman na kaya hindi na ata lalabas ang halimaw dito diba?
"Baka andito sila Yvaine," nilibot libot pa ni Yohji ang tingin nya.
"Wala na sila dito" sagot naman ni Dev.
"Love, takbo na kaya tayo... Para mabilis tayong makarating dun" pag-pilit ko kay Kaiper. Tumakbo na nga kami ni Kaiper at Yohji bahala na si Dev pwede naman sya sumabay sa hangin. Natatakot lang talaga ako kaya gusto ko ng tumakbo! Ok na yong pagod na pagod ka kesa sa takot na takot ka.
Takbo... Takbo... Takbo... hanggang sa marating namin ang falls sa wakas malapit na din kami at nauna pa sa amin si Dev. Naghilamos muna ako sa falls para naman fresh na ulit at excited na din ako kasi makikita ko na ulit si Mama.
Novalie's POV
"Ako na po maghuhugas" kinuha ko na sa matandang babae ang plato na pinagkainan namin at si Yvaine naman ay tulog pa. Pakiramdam bumalik ako dati kung buhay yong normal lang, lahat ng nakikita ko sa labas nag-didilig ng halaman, may mga dalang labahan. Nakaka-miss.
Pagkatapos ko maghugas ay lumabas muna ako para mag-ikot ikot. Ang sasaya ng mga tao dito, may birthday-han ata at maraming nagsasayaw at ang lakas ng tunog ng music. Parang ayaw ko na umalis dito.
Tinignan ko din ang lucky charm keychain na ipinabibigay nung lalaki kay... Mama. Magkaano-ano sila? At bakit lahat ng tao dito kilala kami? Dito nga siguro nakatira sila Mama at Papa kaya maging kami ay kilala ng lahat pero wala akong mga ka-edadan dito, lahat sila matatanda na.
Ngayon ko lang napansin na ang dami ko palang galus sa binti ko dahil sa kakatakbo. Pabalik na ako sa bahay ng matandang babae, sumisikat na din kasi ang araw at masakit na ito sa balat. Sh*t... Bakit andito silang apat?!
Dali dali akong tumakbo papasok sa loob ng bahay at ini-lock ang pinto. Kumunot din ang noo sakin ng matandang babae ng makita ang pagmamadali ko. Napatalon ako sa gulat ng may kumatok sa pintuan at papalapit na ang babae para buksan ang pinto. Hindi naman sila dito pupunta diba? Ano naman gagawin nila sa bahay na to'? Hinayaan ko ng buksan nya at pinto at ako nasa likod lang ng pinto... Nagtatago para makasigurado lang.
"Ma," masayang bati sa kanya ng pamilyar na boses. Lumabas ako sa pagtatago sa likod ng pinto para tignan kung sino ang bisita nya. "Nova?!" nanalaki ang mga mata namin sa gulat na makita ko si Miu! Mama?
"Asan si Yvaine?!" bungad sakin ni Yohji at chineck-check pa ang likod ko!
"Ang oa mo. Tulog wag mong guluhin" iritang sabi ko.
"Tama ako, magkakilala kayo ng anak ko" nakangiting sabi sakin ng matandang babae.
"Anong ginagawa nyo dito?" nagtatakang tanong ko.
"Dapat nga ako magtanong sayo yan. Ano ginagawa mo sa bahay namin?" masungit na sabi sakin ni Dev.
"Nawalan kasi ng malay ang kapatid nya kaya dinala ko sila dito," paliwanag ng Mama nya at pinagsingkitan ako ng mata ni Yohji. Bakit ba ganyan lagi ang reaction nya?!
Naupo na lang kaming lima sa sala nila at naghahanda ang Mama nila ng makakain para sa tanghalian. Walang nagsasalita sa amin at palitan lang ng mga tingin! Talo agad ako kasi apat sila tapos ako lang mag-isa.
Madumi na din ang damit ni Miu, siguro nakita din nila yong kakaibang halimaw. Habang ang tatlong lalaking to' ang ayos ayos ng damit halos walang dumi! Nang maluto na ang pagkain ay sabay sabay na kaming anim at si Yvaine naman ay tulog pa. Tulong nalang kami ni Miu maghugas ng mga pinagkainan namin.
"Yvaine, gising na" inalis ni Yvaine ang kamay ko na nakapatong sa kamay nya. "Gusto mo ba gabihin ulit tayo and makita ulit natin yong halimaw?" bulong ko sa kanya at agad agad syang bumangon.
"Ate, uwi na tayo habang maaga pa" mabilis na sabi nya at nawala na sa isip nya ang gagawin dapat namin dito. Bumaba na kami ng hadgan at napatigil sya sa paglalakad ng makita sila Miu.
"Salamat naman may kasama na kami umuwi kasi merong halimaw dun sa gubat. Nakakatakot talaga grabe, muntik pa ngang kainin si Ate eh..." kinurot ko na ang bewang nya para matigil na sya sa pagkukwento.
"Dapat tinuluyan na nga ang Ate mo" pinipigil ni Yohji ang tawa nya at tinignan ko sya ng masama.
"Pero..." hirit na naman ni Yvaine. "May nagligtas sa kanya" nakangiting sabi nya.
"Sobrang puti at grabe talaga ang gwapo nya" nagsalubong ang kilay ko nagtataka kung ano ang tinutukoy nya.
"Sino?" tanong naman ni Kaiper.
"Kumain ka na Yvaine baka ikaw ang ipakain ko dun" pagputol ko sa usapan nila at umupo ako katabi ni Miu.
"Joke lang hindi talaga tao ang tumulong kay Ate..." pinagsingkitan ko na sya ng mata ko para sabihin na wag na nyang ituloy ang sasabihin nya. Hindi naman sila maniniwala kaya wag na lang. "Ang weird nga eh" tuloy pa rin sya sa pagsasalita at hindi man lang natatakot sakin.
Lahat na sila naghihintay ng sasabihin ni Yvaine at ang tahimik na! Pinipilit kung hulihin ang tingin ni Yvaine pero iniiwasan nya ang tingin ko! Alam na nya siguro ang gagawin ko kapag tumingin sya sakin.
"Isang... Isang..." pabitin na sabi nya habang si Yohji ay hindi na mapakali ang tuhod sa sasabihin ng kapatid ko.
"Yvaine," kahit si Miu ay naiinip na din dahil sa pagbibitin sa kanila ni Yvaine.
"Star," masayang sabi nya at biglang bumagsak ang baso na iniinuman ng Mama ni Miu at Dev. Tumayo agad ako para linisin ang mga bubog na nasa sahig at hindi sya makagalaw sa kinatatayuan nya.
"Ok lang po ba kayo?" nag-aalalang tanong ko. "Sabi ko kasing wag mo ng sabihin" bulong ko kay Yvaine.
"P-paano nangyari ang sinasabi mo Yvaine?" nauutal na tanong ni Miu sa kanya. Bakit kailangan ganun ang reaction nila? Syempre kahit ako din naman hindi makapaniwala sa nangyari sakin. Sila pa kaya.
"Simple lang, yung nag-iisang star sa langit bigla nalang lumiwanag malapit kay Ate para ata masilaw yung dalawang Wolfgon kaya nakatakbo na kami ni Ate palayo" kumunot ang noo ko dahil wala naman wolfgon dun at tsaka ano yon? "Wolfgon, short for wolf and dragon. First time ko nga makakita ng lobo na may pakpak ng dragon!" umiling iling pa sya at naupo na sa dining table.
"Paano mo nasabi na star yon?" tanong sa kanya ni Dev.
"Kitang kita ko, may nagliliwanag galing dun sa star papunta kay Ate..." paliwanag sa kanya ng kapatid ko.
Binigyan ko na din ng isang basong tubig ang Mama ni Miu dahil hanggang ngayon ay tulala pa rin sya at hindi makagalaw. Nagsimula na din kumain si Yvaine at ng tignan ko silang apat sa sala ay napahawak sa sentido nila at kagat-kagat ang ibabang labi.
"Ilang years din ang hinintay..." tulalang sabi ng Mama nila Miu.
"Po?" naguguluhan ako kasi kung ano ano na lang ang sinasabi nya.
"Tara na, umuwi na tayo" rinig kong sabi ni Dev.
***
Binagsak ko kaagad ang sarili ko sa kama ko bago maligo pagod na pagod ako sa kakalakad at wala naman kaming napala. Nawala din naman sa isip ni Yvaine na hahanapin namin dapat sila Mama at Papa. Inilagay ko na lang ang dalawang lucky charm keychain na binigau sakin nung lalaki sa drawer ko at napansin ko din ang isang notebook dun.
Naligo muna ako bago pakialaman ang notebook na nakita ko sa loob ng drawer ko. Nag green dress na lang ako ngayon at umupo na sa chair para magsulat sa notebook. Isusulat ko ay ang journey ko dito sa Melniarra Academy at kahit sa labas ng Academy. Isinulat ko dun ang una kung punta dito at yong tungkol sa babae at lalaki na itim ang mukha at kung ano ano pa.
Hindi pa ako tapos magsulat sa notebook ko ay tinawag na ako ni Miu para kumain ng dinner sa cafeteria. Andun na din si Yvaine nakikipag-kwentuhan kay Yohji at abala naman si Dev at Kaiper kumain. Kinuhanan na din pala nila ako ng pagkain ko kaya hindi ko na kailangan pumili para kumuha ng akin.
"Bakit parang kilala kami ng mga taga-Norwelts?" nagtatakang tanong ko sa kanila.
"Bakit?" balik na tanong sakin ni Yvaine. Nagtatanong ako kailangan ko ng sagot pero ang nakuha ko ay isa ding tanong sa tanong ko. Nagkibit balikat na lang ako sa kanya.
"Ate, ang dami mong tinatago..." napakunot ang noo ko sa kanya at paano nya naman nasabi na madami akong tinatago, kahit alam ko sa sarili ko naman na wala...
Hindi nya lang inaalis ang tingin sa akin at parang binabasa nya ang nasa isip ko. Try ko nga kung kaya nyang basahin ang iniisip ko. Lucky charm para kay Mama.
"Ibigay mo Ate kay Mama ang lucky charm na sinasabi mo," bigla kong nabagsak ang kutsara ko dahilan para tumalsik ang unting sabaw sa damit ko.
"Ikaw na" maiksing sabi ko at kumain na ulit.
"Sayo binigay... Sino ba nagbigay?" nagtatakang tanong nya. Hindi ko kilala. Sana narinig nya din ang sinabi ko.
***
Excited na ako ngayong araw kasi normal subjects ang ituturo sa amin. Masyado pala akong maaga sa room namin at ako palang ang tao sa loob. Napansin ko din sa bulletin board nakadikit kung ano ang subject namin ngayon History.
Unti unti na din dumadating ang lahat kong classmates kaya ang ingay na. Tulala lang si Ivy na nakapa-halumbaba tila malalim ang iniisip. Yumuko na lang ako sa desk ko habang nagiintay na may pumasok na isang prof.
Habang nakayuko ako nakita ko na may naglagay ng notebook sa sahig malapit sakin. Sinasadya ba yon? Nakita ko din ang paa nya suot ang nude na heels. Kinuha ko ang notebook na yon at lumingon lingon sa paligid para tignan ang mga paa ng mga babae kong classmates kung isa sa kanila ang may suot na nude na heels pero kahit isa wala.
Parang may bumulong sakin na buksan ko ang notebook na itim, unang page ay walang nakasulat at ng buksan ko ang next page ay bumilis ang t***k ng puso ko.
Gusto mo ba malaman ang sunod na nangyari tungkol sa Family Bears na kinukwento ko sa inyo.
Humigpit ang pagkakahawak ko sa palda ko na parang magugusot na yon. Ayaw ko na malaman ang susunod na mangyayari sa Family Bears na kwento gawa ni Mama. Kinukwentuhan kami lagi ni Mama tungkol sa Family Bears at sabi nya sya ang Mama bear si Papa naman ang Papa bear at kami ni Yvaine ang Baby Bears nila.
"Kanino to?" malakas kung tanong sa kanilang lahat kaya natahimik sila. "Kanino to?!" ulit ko sa tanong ko ng walang sumagot.
"Subukan mong tignan sa next page baka may name kung kanino" suggest sakin ni Ivy at ng sundin ko nga ang pinapagawa nya sakin ay nakita ko ang isang word na nakasulat...
Mama
Gusto kong ibato ang notebook na hawak ko at punitin ang pages ng notebook pero hindi ko magawa! Kusang nag-bagsakan ang luha sa mga mata ko at parang walang tigil ang pag iyak ng mga mata pero sa loob loob ko hindi ako naiiyak tanging ang mga mata ko lang ang lumuluha.
"Wala ba talagang mag sasabi kung kanino to huh?!" sigaw ko dahil sa galit.
Mahigpit akong humawak sa notebook at dahan dahan naglakad papunta sa bintana at ng ready ko ng ihulog sa bintana ang notebook... "Kay Ms.- ang notebook na yan" sagot sakin ni Kaiper at napatakip ako bigla sa tenga ko ng marinig ulit ang matinis na tunog.
"Pakisabi kung sino man ang Ms. na tinutukoy mo ay tigilan nya ako at wag na wag nyang mababangit ang kwento na yon at pakisabi sa kanya na alam ko na ang ending sa kwento," lumapit ako sa desk ni Kaiper at inilagay ang notebook dun.
Hindi na ako dumiretso sa upuan ko nawalan na ako ng gana makinig ng lesson namin ngayon at papalabas na sana ako ng room ng makasalubong ko ang babaeng itim ang mukha. Hinawakan ko ang sentido ko sa sakit tuwing nakikita ko sya at madiin na pinikit ang mga mata ko. Nahihilo ako.
Sumigaw ako ng marinig na naman ang matinis na tunog at walang tigil! Parang gusto nyang sirain ang eardrums ko sa sobrang sakit! Napaupo ako sa sahig sa sobrang sakit parang nagdudugo ang utak ko tuwing nakikita sya at naririnig ang matinis na tunog.
"Ma?" hindi ko alam kung bakit biglang lumabas sa bibig ko ang salitang yon ng makita ang nude na heels at naalala ang nakasulat sa notebook.
Pinilit akong tumayo habang naririnig ko parin ang matinis na tunog na yon nabunggo ko pa ata ang babae pero dire-diretso lang ako lumakad palayo sa room na yon. Hindi ko na alam kung saan ako pupunta ngayon, lumabas ako ng main door ng school at pumunta sa mga batang naglalaro at nagpa-practice ng kapangyarihan nila.
Mga bata pa sila pero alam na nila ang tungkol sa magic, kung paano nila gamitin yon. Habang ako isa lang ang kaya ko, kung titignan ako ang meron na mababang rank pag dating sa magic. Pinapanood ko lang sila at napansin ko din ang batang babae na umiiyak katabi ng puno kaya lumapit ako sa kanya.
May maganda sya buhok na abot balikat at maamong mukha, napaka-cute nya. Nang mapansin ako kay tumingala sya sakin, kitang kita ko ang mga mata nya na punong puno ng luha na gusto ng bumagsak.
"Bakit ka umiiyak? May umaway ba sayo?" nag-aalalang tanong ko sa bata.
"Nami-miss ko na po kasi si Mama at Papa" mas lalong lumakas ang pag-iyak nya kaya tumabi ako sa kanya at hinaplos-haplos ang likod nya para patahinin. Naalala ko sa kanya si Yvaine na walang tigil sa kaka-iyak dahil nami-miss nya si Mama at Papa.
"Asan ba sila?" tanong ko ulit.
"Veagonia po. Alam nyo po ba kung paano pumunta don?" lumiwanag ang mukha nya, umaasa na alam ko nga kung paano pumunta dun pero hindi ko alam kung saan yon.
"Hindi nyo po ba nami-miss Mama at Papa mo?" natigilan ako ng itanong nya yon sakin. Hindi ko na sila iniintay napagod na ako mag-antay sa kanila ng ilang years at nawalan na ako ng pag-asa na hinahanap nila kami ngayon. Galit na galit lang ako sa kanila.
"Gusto mo gawa kita ng food na napaka-sarap para hindi ka na malungkot?" pag-iiba ko ng topic at para maging masaya naman sya bagay sa kanya ang naka-ngiti sa maamo nyang mukha.
"Sabi nyo po yan Ate?..." tumayo sya at pinagpagan ang palda nya.
"Nova" nakangiting sabi ko sa kanya.
"Mag-aantay po ako Ate Nova, ok?" kumaway na sya sakin ng nakangiti at tumakbo na papunta sa teacher nya kasi tinatawag na silang mga studyante nya. Nakalimutan ko din pala itanong kung ano name nya.
Hindi ko mapigilan ang sarili na maiyak ng mag-paalam sya sakin nakikita ko sa kanya ang batang Yvaine. Nakikita ko na balang araw iiwan ako ni Yvaine dahil mas gugustuhin na nyang sumama kay Mama at Papa kapag nagkita na sila.
Naisipan ko na lang na bumalik na sa classroom ko kasi cutting na ang ginagawa ko at nasa ground floor palang ako ay nakasalubong ko na si Dev akala ko hindi nya ako papansinin na parang dumaan lang na hangin sa mukha nya katulad ng powers nya pero hinawakan nya ang palapulsuhan ko at lumabas ulit kami.
"Asan mo ba ko dadalhin?" nagtatakang tanong ko pero hindi nya ako sinagot hila lang sya ng hila sakin hanggang sa lumaabs kami ng gate at mapapad kami sa gubat. "Napaka-tahimik naman nito" bulong ko sa sarili ko.
"Babalik na ako dun!" pag-pigil ko sa kanya sa paglalakad.
"Sige bumalik ka..." kumulo agad ang dugo ko sa kanya. Pagkatapos nya ako hila-hilahin dito tapos! Nanggigil ako sa kanya! Inalis nya na ang pagkakahawak sa palapulsuhan ko at naglakad na ako pabalik sa Campus.
"Wag mo ko sisihin kapag nakita mo na naman ang ayaw mo makita. Sya ang prof natin buong week," napatigil ako sa paglalakad ng marinig ang sinabi nya kaya umikot ako at tumakbo papunta sa pwesto nya.
Ayaw ko na makita ang nakakatakot na mukhang yon. Buong week?! Hindi ko ata kaya na buong week ko yon makikita, mas gusto ko pa pala na puro magic ang tinuturo kesa dito sa normal subjects dahil dun sa nakakatakot na mukha at nakakabingi na tunog!
Sumusunod lang ako sa kanya at wala ng nagsalita ulit sa amin hanggang sa makarating kami sa isang malaking puno na mataba na may bahay. It's a treehouse, ngayon lang ako nakakita ng treehouse! Meron din syang hagdan palibot sa katawan ng puno pa-akyat sa bahay.
"Gawa mo yan? Or baka sa isang kapre yan ha," wala na naman akong nakuhang sagot maliban sa mahinang tawa. Nang umakyat sya sa hagdan ay sumunod na ulit ako sa kanya. Medyo mataas!
Kailangan pang yumuko kapag pumasok ka sa pintuan pero mataas naman ang kisame kaya hindi na kailangan yumuko sa loob. Sa gilid may isang higaan sa sahig, may bintana na maliit na pumapasok ang mga dahon. Wala lang upuan kaya sa sahig naka-upo si Dev may kinuha syang libro at nagsimulang magbasa.
Meron din palang isang lamp akong nakikita. Andito ba sya lagi? Ang presko ng hangin mula dito or baka powers lang yon ni Dev para hindi sya mainitan. Walang pasabi na humiga ako sa higaan nya at tinignan nya ako at binalik na ulit ang tingin sa binabasang libro.
"Pumupunta ka ba lagi dito?" nag-isip talaga ako ng tanong para hindi naman sobrang tahimik kasi makaka-tulog talaga ako dito.
"Minsan lang kapag malungkot, andito ako" sagot nya habang nakatingin pa rin sa libro nya.
"So malungkot ka ngayon?" nagtatakang tanong ko pero gaya ng kanina wala na naman akong natanggap na sagot. "Sabi nyo tutulungan nyo kami ni Yvaine hanapin sila Mama at Papa," tinuon ko na lang ang atensyon ko sa kisame.
"So gusto mo makita mga magulang mo" napatingin agad ako sa kanya at kumunot ang noo.
"Wala akong sinabi na gusto ko... Para kay Yvaine lang" binalik ko na ulit ang atensyon ko sa kisame.
"Nasa harapan mo na sila," maiksing sabi nya sakin at napakunot na naman ang noo ko, hindi ko maintindihan sinasabi nya. Wala akong makita kahit anino ni Mama at Papa.
"Ano ba kasing ginawa mo?" napa-upo ako ng marinig ang tanong nya.
"Ginawa ko saan?" nagtatakang tanong ko at tinignan nya ako sa mga mata ko.
"Ano bang sinasabi mo tuwing hinahanap sayo ni Yvaine ang mga magulang nyo?" tanong nya sakin pabalik.
"Hindi na namin sila makikita at wag na syang umasa..." napahigpit ako ng kapit sa palda ko.
"Exactly, you just use your ability," napakunot na naman ang noo, bakit hindi nya ba ako diretsuhin?! Naguguluhan ako! "Ginamit mo ang ability mo or yang mind control na meron ka at mali ang ginawa mo, delikado ang ginawa mo. Nasasaktan ka kapag nakikita mo si Ms.- yon ang side effects ng ginawa mo," napatakip na naman ako sa tenga ko ng marinig ang matinis na tunog!
"Ano narinig mo?" nagtatakang tanong nya.
"Narinig ko lang ay Ms. at may kasamang matinis na tunog parang binagsak na mic na sisirain ang tenga ko sa sobrang sakit..." pagpapaliwanag ko sa kanya.
Tumayo na kaming dalawa at bumaba na sa treehouse sigurado ako ng lunch time na at andito parin kami, may iba-bake pa ako na cupcake para dun sa batang babae. Nakasunod lang ako sa kanya habang pabalik sa Campus.
"Pwede mo ba ko tulungan?" bulong ko sa sarili ko pero bigla na lang syang tumigil sa paglalakad at humarap sakin, muntik pa akong mabunggo sa likod nya.
"Anong tulong?" nanlaki ang mga mata ko, narinig nya ang binulong ko?! Kahit yong kanina?!
"N-narinig mo sinabi ko?" naguguluhang tanong ko at tumango sya sakin!
"Lagi mong tatandaan na ang binubuga mo kapag nagsasalita ka ay hangin, kaya kung gugustuhin ko na marinig ang mga binubulong-bulong mo jan ay kaya kung marinig," maliit na pag-ngisi ang nakita ko sa mga labi nya. Sabi ko nga diba! Binubulong ko, binubulong din sa kanya ng hangin?!
"Gusto mo pala marinig ang mga-" kasabay ng pagtigil ng pagsasalita ko ay... Napahawak ako ng mahigpit sa damit ni Dev habang hirap na hirap sa pag-hinga! Sasabihin ko sana na gusto nya pala marinig ang mga binubulong ko!
Pinagpa-pawisan na ako! At siguro na pulang pula na ako! Walang reaction sa mga mukha ni Dev habang ako dito hirap na hirap habulin ang pag-hinga ko! Hinahampas-hampas ko na ang dibdib nya para ibalik ang hangin na dumadaloy sakin para makahinga.
"Papatayin mo ba ako?!" galit ng tanong ko sa kanya simula ng ibalik na nya ang pag-hinga ko. Nanggigil ako sa kanya! Ang sarap nyang kurutin! Isang ngiti lang ang nakita ko sa kanya at nagpatuloy na sa paglalakad. Ako, hinahabol ko parin ang paghinga ko.
Malayo na sya sakin kaya tumakbo ako ng mabilis hanggang sa maabutan sya at binatukan ko ng malakas ang ulo nya kaya napayuko sya at ako naman ay tawang tawa dahil sa reaction nya. Nanlaki ang mga mata nya at nagsalubong ang kilay at ang kamay ay nasa ulo nya kung saan ko sya binatukan.
Hindi naman sya mamatay sa pag-batok ko sa kanya pero parang binagsak sya ng mabigat na bagay or may isang mabigat na problema dahil tulala lang sya at hindi man lang gumagalaw! Lumapit na ako sa kanya at hinampas ang balikat nya para magising naman ang diwa nya.
"Ok ka lang?... Masakit ba? Kaya ganyan ang itsura mo," sunod sunod na tanong ko sa kanya at hindi mapakali ang mga mata nya ng tignan ako.
"U-ulitin mo nga," nauutal na sabi nya sakin.
"Ang pagbatok ko sayo?..." nang wala akong makuhang sagot ay binatukan ko na ulit sya, sabi nya yon pero hindi ko nalang nilakasan at narinig ko syang bumulong at umiling-iling. Ang weird nya.
***
Lunch time na ng mga studyante at ako lang mag-isa sa baking room, nangako ako sa bata na gagawan ko sya ng masarap na makakain, lahat nalang chocolates ang flavor ng cupcakes na gagawin ko, all chocolates din kasi ang favorite ko sa isang cupcake kaya sa tingin ko magugustuhan nya din to.
Wala akong alam kung paano gumawa ng cupcakes si Mama lang ang laging gumagawa sa amin ng cupcakes. Meron naman instructions kung paano gawin sa recipe book ng mga desserts kaya ginaya ko na lang.
Naghanap ako ng box kung saan pwede ilagay ang limang cupcakes na ginawa ko, lahat chocolate ang flavor. Hindi pa ako ng lu-lunch kaya pumunta muna ako sa cafeteria dala-dala ang isang box ng cupcake.
Hinampas ko ang kamay ni Dev ng bubuksan nya ang box ng cupcake na ginawa ko. Pero kinuha nya ang box at binuksan!
"Kanino mo bibigay to'?" tanong nya.
"Secret," kinuha ko na ang box at tinabi sa malapit sakin.
Tinapos ko na kaagad ang pagkain ko at nagmadaling pumunta sa kabilang building para sa mga Grade school, malaki din ang loob ng building na to! Hinanap ko pa ang cafeteria pero wala dun ang bata na nakita ko. Bakit kasi hindi ko tinanong ang pangalan nya!? Saan ko sya hahanapin?
Naikot ko na ang buong building at pagod na pagod na ako umakyat, baba ng hagdan! Bumalik ako kung saan ko sya nakita at buti naman andun sya, naka-upo sa damohan. Tumayo sya ng makita ako at kinaway ang kamay.
"Andito ka lang pala,"
"Kanina pa po ako andito, Ate Nova" nakangiting sabi nya.
"Hindi ka nag-lunch?" nag-aalalang tanong ko at umiling sya sakin. "Bakit?!"
"Iniintay kita..." hindi pa rin naaalis ang ngiti sa mga mukha nya, na guilty tuloy ako kasi kanina pa sya nag-aantay tapos ako kumain pa ako! Binigay ko agad ang isang box ng cupcake ng ginawa ko at agad nya naman kinuha ang isa at kinain. Inalok nya ako pero umiling ako, para sa kanya ang cupcakes na yan.
"Ano name mo?" tanong ko.
"Hara po," ngayon ko lang narinig ang ganun name, at bagay sa kanya. Ang cute nya kaya at ang ganda ng kulay ng buhok nya pink na may unting white. Kahit ang purple nyang mga mata ay bagay na bagay sa kanya mas lalo lang nagiging maamo ang mukha nya. Cute.
"Anong ability meron ka?" maingat na tanong ko at ngumiti sya ng malaki at bigla syang naging ako! What?! Kaya nya mang-gaya ng anyo ng isang tao, ang bata-bata nya pa pero ang galing galing na nya! Samantala ako, wala isa lang kaya kung gawin.
Hinawakan ko ang pisngi nya na pisngi ko, kahit ang buhok ko ay gayang gaya nya at ang color ng mga mata ko na blue. Ganito pala ang itsura ko, maganda ba? Bumalik na din sya sa dating anyo nya at pinag-patuloy ang pagkain ng cupcake, ang bilis nya nga agad maubos, may isa na lang na natitira.
"Ano yong isa?" tanong ko ulit tungkol sa ability nya. Hinawakan nya ang box ng cupcake at pumikit. Parehas ba sila ni Yvaine?
"Isang lalaki ang humawak nito at sya si Devan McMillan, lagi mo syang kasama" narinig ko ang mahina nyang tawa. Hindi ko naman lagi kasama yon, lagi lang kami nagkikita.