akamayamang babae sa kanilang probinsya. Si Saleena ay hindi nila kilala pero ang tinatawag nilang Donya ay ang isang popular sa mga taga Baryo Mahusay.
Naalala ni Maryam na dati ay may nang away sa kanyang mga pinsan daw nya maaring iyon ang may kagagawan sa pagkawala ng kanilang Lola. ‘marunong lang naman mag-ingles mga ngayon dahil walang alam kundi magpakabongga!’
Kailangan na nya makagawa ng paraan.. teka? yun ba ay dahil ba sa sya ay mapangit? Kailangan nanya ang makahanap ng mapapasukan. Magalang naman sya hindi naman sya katabaan? May konti naman syang baon na lakas ng loob. Nanlalambot nyang pakiramdam magulo na ayos ng kanyang buhok na kung sa tigas lang kanina ay para itong nakaalmirol at pati blusa niya'y naka tuck out na sa paldang pencil cut.
Nakapakubang parang tinatamad na sya na naglalakad at pagod nanaman pauwi mamaya't maya ay biglang tumunog ang kanyang beeper. Saglit lamang ay Idinikit sa tenga ang kanyang shoulder bag paniguradong may mensaheng dumating para sa kanya. Dinukot nya ang kanyang beeper sa kanyang bag binasa nya iyon nabuhayan sya ng loob ng mabasa ang mensahe… 'hay nakakalungkot walang nagmamahal walang message...' nangingiti nyang sabi sa sarili… nilakad na lamang ni Maryam ang pag-uwi.
Pumasok sya sa isang maliit na eskinita para bagtasin ang lugar pauwi sa kanilang inuupahang bahay.
Noong unang mga araw nya sa Maynila ay nalito rin si Maryam at naligaw sa isang malawak na lugar na puro halaman at may estatwa sa gitna.
Pumasok sya sa kanilang bahay
"Xavia? nandito na ako..." masaya nyang bungad sa anak. “Xavia?” tawag nya sa anak na ang ginagawa ay naglulutu lutuan ang laro.
“Mama!” Hinila ni Xavia si Maryam para Samahan syang maglaro. Ginagaya pala ni Xavia ang kanyang lola na nagluluto ng kanila hapunan. Naupo naman si Maryam ikinuwento nya na mag-kakaroon na sya ng trabaho na kailangan ay nakaayos pa ito. Ipinaupo nya ang kanyang anak na apat na taong gulang napakaganda ng kanyang anak kamukha ni Hunio na isang mestiza.
Alagang alaga nya ang kanyang anak hindi nya ito hinahayaan maski na sya ay busy sa trabaho…
"anak kumain na ba ikaw?" tanong niya sa kanyang anak "heto may pasalubong na laruan si mama!" sabing kausap sa kanyang anak… habang buhat-buhat ito na nakangiti kinuha nya ang maliit na mangkok at kumuha sya ng madaming sabaw at kanin pinakain hinahalo at hinihipan ang pagkain pagkatapos ay sinusubuan ito... Naroon din naman si Aling Pacita na syang kasabay kumain ng bata kasama nya ang bata sa pagtinda ng kakanin…
"kain ka lang maigi anak magkakatrabaho na si mama!" masayang balita nya sa anak...
"talaga anak? magandang balita 'yan! salamat naman sa diyos anak at may natagpuan ka ng trabaho..." sabi ni Aling Pacita.
"Opo Nay, sa wakas may ipambabayad na tayo sa bayarin natin dito sa mga pangangailangan natin hirap pa naman po ngayon"
"kailan ka ba mag-uumpisa anak?"
"sa miyerkules po Nay, kailangan daw ay nakaayos pa eh, apurahan nga daw po at kailangan ay makapag-umpisa na daw po agad"
"Eh, ano naman daw papasukan mong trabaho anak?"
"sa Aseana branch daw po, hindi napo ako mamimili kung ayaw nila sa'kin basta ang mahalaga po ay may trabaho nako... minimum naman daw po ang sahod… kaya makakatulong po ito sa atin…"
Pagkaraan ng isang buwan maayos ang umpisa ng trabaho ni Maryam. Nakasundo naman niya agad ang mga katrabaho. Panggabi ang oras ng kanyang pasok kaya ang bantay ng kanyang anak ay ang kanyang nanay na sa umaga ay nagtatrabaho ng halfday sa palengke. Hati sila ng kanyang Nanay sa pag-aasikaso sa anak.
Sa isang Pub sa Aseana sa loob ng isang madilim na sulok maingay ang nakakaaliw na tugtog naroon si Maryam sa mga nagkakalansingang mga pinggan at mga baso. Hayun nakapag-
umpisa na nga sya magtrabaho. Tumatagaktak sa pawis, nagrereklamo siya sa pag-aakalang maayos ang trabahong kanyang pinasukan. Maayos naman ito pero bumubulong sya at nagrereklamo sa kapal ng make up na nilagay ng kaibigan na tila natunaw na... 'bakit kailangan pa kase magmake up eh! taga hugas ka lang naman ng pinggan…?' sabi nya sa kanyang sarili. Nagmukha tuloy syang madungis lalo hirap pa naman maglaba ng uniform? Elegante naman ang kanyang Pub na pinapasukan hindi naman ito isang ordinaryong bar lang na tulad ng ibang magulo at mausok na aliwan.
"bilisan mo at maghappy happy na tayo!" sabi ni Petra na kasama nya sa trabaho…
"Oo sige! malapit na'ko dito!" sagot niya pagkatapos ay naupo na sya sa isang sulok... 'hape hape' yan ang hindi nya makakalimutang salita ng paunang nagloko si Hunyo… ‘Hay buhay nanaman ito sa isipan nya namimiss na naman nya ito… siguro naman malapit lang ang Amerika sa Manila...
Paano ba nya maasikaso ang paghahabol sa asawa ni hindi nya alam kung san nya ito puwede ipagtanong saka tatlong taon na baka naman may asawa na ito...’
Natutong mag-inom si Maryam dahil sa matamis na panlasa nya kapag nakakainom ng alak. Masayang masaya sya sa mga kaibigan pakiramdam nya ay nakapasarap ng mga alak na kanyang naiinom sa pinagtatrabahuhan. Tuwang tuwa ang mga barkada nya sa trabaho dahil kapag mapula na sya ay kay ganda nya.
Gabi-gabi sya ay nakainom palaging tinitignan ang larawan ng kanyang mahal na si Hunio. Nagmumura sa ginawang pahirap na dinaranas nya ngayon... nasaan na nga ba ito?
"pero tang ina hindi na kita mahal! hanggang ngayon hinihintay pa rin kita! eh, ang tanga mo!? nakakainis ka naman!? kawawa yung anak natin wala kang kwenta!" sabi nyang umiiyak. Papunas punas sya ng luha kasabay nun ay ang paglagok nya ng alak sabay marinig ang gabi-gabing musika ni Al Green
‘How can u mend a broken heart...’
"punyetang kanta to! Hayan nanaman ang liriko sayawan ba ito oh, tulugan? heto nanaman tayo kantang malungkot..." umiiyak nyang sabi.. humahagulgol sya sa iyak…
“Maryam tara na closing na ang Pub!” tawag ng kaibigan.
“bakit mo pa ako ginugulo!? anlabo mo naman! hirap na ng nga buhay ko gugulo ka nanaman!?" parang baliw nyang sinasabi habang lasing. Ang tutuo litrato lang naman kausap nya... Hinahalikan nya ito at itinatago. Pagkatapos ay nag-handa na sya para umuwi. Pasuray-suray sya naglalakad...
Pagbalik niya sa kanilang bahay ay madaling araw na. Basta salampak na lang sya sa kanyang higaan kausap pa rin nito ang litrato ni Hunyo.
"Kamusta ka?” na nakangiti hinahalikan ni Maryam ang litrato ni Hunio inaalala ang mga gabing nangyari. Namimiss nya ito Hindi nya ito makakalimutan dahil bata pa sya wala pa syang ibang minahal kundi si Hunio. Hinalikan nya ang larawan ni Hunio ang magandang ngipin nito, ang matangos na ilong ang makinis at maputing kutis ang kulay ng kanyang mata. Hinagkan nya ang larawan ni Hunyo. Miss na miss na kita mwahh dampi sa labi punta sa kanyang leeg, dibdib at sa ibaba pakiramdam niya ay may init sa kanyang katawan na iniimagine sa asawa, pero umiiyak nalang sya. Pagkatapos ay nakatulog sya na yakap ang larawan ni Hunio.
Sabak agad sa gyera si Hunyo
Mag-isa syang naglakbay patungong airport may mga instructions naman kung paano ang kanyang gagawin. Pumila sya sa mga lane dapat puntahan. Noong una ay panatag ang kanyang kalooban ngunit di nagtagal ay naging medyo kabado sya sa lugar na kung paano sya makakalabas patungong departure. First time nya tila nawalan sya ng lakas ng loob na makapagtanong kaya’t di nya alam ang kanyang gagawin. Nagkaroon rin sya ng konting kaba dahil baka maiwanan sya ng eroplano ang payo lamang sa kanya ay magpunta sa letra ng kanyang ticket.
Naupo namuna sya sa isang upuan na malapit sa gate na kung tawagin ng mga tao sa airport. Doon daw kase dapat sya pumila o maupo para sa tamang oras ay makasakay ka ng eroplano. Mga alas dos ng hapon ng mag-umpisa na sya ay makapila sa kanyang pagpasok ng eroplano. Tila nahihiya pa sya sa mga nakangiti sa mga stewardess roon bumabati ang mga steward sa mga bawat pasahero. Humahanga sya sa mga steward na kanyang nakita dahil ang gaganda ng mga ito.
One of her many dreams is to work in other country tumatayo sya at nauupo hindi makapakali sa loob ng eroplano. Hanggang sa napuna sya ng isang crew.
‘Ganito pala?’ sabi nya sa sarili mga ilang oras pa ng sya ay nakaupo at naghihintay ng magkaroon na ng pila walang wala syang pera at gutom pa sya. Natatakot na baka mawala sa airport at di nya pa alam gamitin ang seatbelt ng eroplano. Nasa isip nya na mainam nang pagtantya nya kung mahuhulog ba sya sa loob ng eroplano napakaraming pumapasok na kung anu ano sa kanyang kyuryosidad. Pati ang pagpunta nya ng banyo na nasa gitna ng eroplano na sa tantya nya ay nakapasikip. Nung una syang maupo sa kanyang pwesto ay naisip nya na wala rin palang pagkakaiba ang bus sa eroplano. Pag-silip nya sa bintana nito ay may pakpak ito na parang isang isda ang hugis na kulay puti marami itong mga upuan at mas maliliit ang mga bintana nito. Sa loob ay napakaraming magagandang babae at mga kapwa nya Filipinong bibyaheng pahimpapawid. At nang mga ilang oras pa sa kanyang pag-upo ay naririnig na nya ang pag-andar ng kanyang eroplano na kanyang sinasakyang eroplano. Sa wakas! nabanaagan na nya ang ulap she looks so happy and amaze.
First time nya kase makasakay ng eroplano may narinig siyang boses ng isang lalaki na nagsasalita habang paangat ang eroplano. Habang nagsasalita ito ay unti-unti namang nararamdam ni Maryam ang pag-angat ng eroplano. Ang direksyon ng kanyang pagkakaupo ay tila nakalutang paangat sa himpapawid. Nakakita sya kulay bughaw at kulay puti na parang bulak sa ulap at sa ibaba naman ay parang isang pugad ng ibon na may kulay luntian. Sinasabi ng lalaki na kanyang naririnig ay isuot ang belt ng kanyang inuupuan nataranta sya at sinasabi pa ng kanyang kung anuman mga bagay na hindi maaring gamitin ay bawal daw sindihan o pati mga matatalas na bagay. Itinuturo rin nito ang mga safety kung sakaling may mga pangyayaring hindi inaasahan na hindi kaaya aya.
Kapag daka’y tila naramdaman nya ang pagkalungkot namimis nya ang kanyang anak na naiwan sa 'Pinas… Naalala nya ang pagiging malambing ni Xavia. Naguilty tuloy sya na sobrang excitement at pagkalito nya ay nalimutan nya na tumawag muna sa kanyang anak at nanay. Alam nyang maiintindihan sya ng mga ito mahirap naman kung maiiwan sya ng eroplano. Pakiramdam nya ay gusto nyang bumalik pero wala na syang magawa saka naman kung kailan ba na nasa taas na sila ng himpapawid? Isa pa hindi sya makakaatras dahil magbabayad sya sa inapplyan kaya kailangang lakasan nya ang kanyang loob. Kailangan nyang makipagsapalaran para sa pamilya at para muling makita si Hunio na nang-iwan sa kanila.
Agaran din niyang kinapa ang kanyang wallet para tignan ang picture ng anak umiiyak sya pagkatapos noon ay yakap-yakap nya ito. Bago sya umalis ay naibigay nya ang necklace na regalo ni Hunio sa kanya nung sila ay magkasintahan pa lamang tanda ng kanilang pagmamahalan. Maya-maya lamang ay nagsalita ang announcer sa eroplano ng ibang lingwahe sila ay nalalapit nang lumapag sa bansang kanilang papasukan at sa ikalawang pagkakataon tuwang-tuwa siya sa nakitang bagong bansang kanyang nakita.
Umikot ang eroplano para maglanding mula himpapawid unti-unting bumababa para lumapag ang eroplanong kanyang sinasakyan.
Sa maingay at mabangong airport ay manghang mangha siya sa bagong paligid. Minsan lamang siya nakakita ng ganoong lugar napakaelegante kaparis ng minsang isinama sya sa handaan ng pamilya ng kanyang si Hunio
"ah frustration!" akalain mong hindi sya tanggap ng mga ito..? pinagtabuyan sya?! na maski san sya pumunta ay sinusundan pa sya ni Celeste na kanyang byenan. Maalala ng kanyang byenan ni hindi man lang sya kinilala. Kunsabagay ay indenial lamang naman sila noon kaya 'move on! move on!' ang sabi ng kanyang isipan panahon naman para mabago ang kanyang buhay.
Mga ilang minuto lang ay dumating na ang kanilang sundo isinakay sila sa van kasama don ay nagngangalang Maddame at si big boss na hindi nya matandaan ang mga pangalan kase mga salitang intsik. Muli ay nalito sya sa lawak ng Airport hindi nya alam kung san at paano nya mahahagilap ang kanyang mga sundo. Natakot sya at tila nakakaramdam sya ng panghihinayang kung anu-ano na ang pumasok sa isip nya.
Patuloy din ang ingay ng magarbong lugar may maririnig na bell at nag-aannounce ng flight at yun nga sinubukan nyang magtanong sa mga tao karamihan doon ay mga mukhang Filipino subalit malamang ito ay mga indiano o malay... Sa unang pagkakataon ay nakakita sya ng kulay kayumanggi na di maikukumpara sa mga karaniwang kutis ng Filipino tila mga sina unang tao sa history... moreno di katangkaran at matipuno ang katawan na may bigote naaaliw sya sa nakikita. Naupo sya sa tabi ng maraming tao marahil ay mga naghihintay din ito ng sundo...
Halu-halo ang mga lahi sa Singapore nag- aalangan sya sa mga nakikita sa kaliwang bahagi ng airport may nakita syang malapad na pader may nakalagay na sign na wifi code… Subalit kailangan nya papalang mag-punta sa information napigilang magtanong sa mga isa sa mga babaeng katabi nya...
"Do you speak english...? do you know where I can have a telephone, I need to call for long distance in this airport? tanong pero walang sinabi kundi ang sumenyas iniling-iling lamang ng Indiana ang kanyang ulo. Naiintindihan nya na hindi rin ito pamilyar sa lugar. Tumayo sya at naglakad lakad para maghanap ng kung saan sya makakahanap ng telephone booth. Nag-aalala na sya na baka mainip na yung sundo nya pero ang tanong ay kung nasaan na rin kaya sila? May mga oras naman na binilin ang broker subalit walang wala naman syang alam kung san nya ito susunduin.
Mga ilang hakbang pa ng paglalakad ay nakita nya sa isang sulok ang isang desk at doon nga ay mukha namang mga awtoridad ito sa airport humakbang sya papalapit sa mga nakaupo at muli inulit nito ang sinabi.. itinuro ang desk na nasa gitna mas elegante at matatangkad na tao ang nakatayo doon na may mga lahing intsik. Ah! hayun nga nakita nyang may mga iniiscan silang mga passport. Nagpasalamat sya at nagmadaling nilapitan ang mga ground steward...
"Hello, Ma'am, good evening I'd like to ask if where I can find a wifi connection in this airport cos I'm so worried about reaching my employer." sabi nya.
"Can I have your passport Ma'am?" sabi ng Ground Steward.
"Oh, okay?" sabi nya pagkatapos ay inabot agad ang ganyang passport. Pagka scan sa pasaporte niya ay binigyan sya ng instructions saka nagmaling nagpin dito at walah! nakuha nya ang connection at dagli ay iminessage ang mga broker magreply din ang mga ito at nasabing hintaying daw sya dahil parating palamang daw sila at dun nga sya ay nag hintay…
Sa unang pagkakataon nakita nya ang mga broker subalit napansin nitong tila awtoritibo ang mga hitsura nila. Hindi sila ganun kaapproacheable di gaya nung una nyang makita mga ito yung babae noon kung makikita mo ay tila mahirap ito kausap mukha itong istrikta at hindi ngumingiti… wala naman syang idea kung bakit masungit sa kanya? Ang alam niya ay madali itong kausap at lapitan. Ang big boss naman ay palangiti pa rin at yun din ay natakot sya katamtaman ang pagtanggap ng mga sumundo sa kanya ay tinangka na nyang pakibagayan ang mga ito ng maayos...
Isinakay siya ng mga ito kinuha ang kanyang mga dokumento. Madilim man ay malinaw parin niyang nakikita ang paligid. Bago sila dumating ay mayroon muna silang dinaanang lugar na napaka engrande nakita niya ang Marina Bay at ang MerLion na kung saan ay simbolo ng bansang Singapore pagkaraan ng ilang minuto ay mabilis din nilang narating ang bahay ng mga broken…
Sa kilos ng mga broker ay tila mga mistiryoso ang mga ito na tila ba nakakatakot ang mga ito. Mga ilang minuto ng kanilang paglalakad ay narating na nila ang isang flat na tawagin sa pinas ay condo pero para sa mga ordinaryong pamilya sa Singapore ay Apartment or HDB pang middle class na pamilya sa naturang bahay pero kung ito ay sa pinas pangmayayaman na ang naturang mga bahay... Lahat ng makikita sa buong paligid ay puro ganoong style ng bahay... maaliwalas at malinis. Pagdating nila ay lubhang gutom na sya at wala syang pera bago magflight… madaming tao sa bahay ng ahente yun ay ang mga nagbabakasyong pamilya nito... nanibago naman sya sapagkat ang alam nya filipino ang mga ito dahil sa kanilang mga kutis. Ok lang kase iniisip nya ang kapwa nya Filipino ang mga ito subalit hindi pala...
Naisip nya na maaring ang kanyang napuntahan ay ang kanya na mismong employer… at heto na't nagsimula na ang kanyang kalbaryo nakilala nya ang babaeng Maddame Klara kung tawagin ay Filipina din pala sya ay maputing bisaya... Sa mga sandaling iyon ay tunay na napatunayan ni Maryam na selosa nga si Klara… Napag-alaman nitong napakayaman ni Maddame Klara sa ‘Pinas kaya’t di mo sukat akalain na masama ang trato nila. Palagi silang nag-aaway ni big boss na isang matabang lalaki. Napansin nyang matapang si Maddame Klara kesa sa asawa palagi syang nagsasalita ng masakit at pang-aapi sa asawa na hindi mo alam kung saan nanggagaling ang galit nito… bakit ba sya selosa sa asawa eh, hindi naman gwapo ito…? hindi palangiti si Maddame Klara sa kanya pero si Bigboss ay palakaibigan naisip tuloy ni Maryam bakit ba nagrerecruit pa kung ang ugali pala ay mga sapak? biglang natakot si Maryam baka naman mga fake ang mga ito nagpapapunta para manghingi ng bayad subalit hindi naman yun ang intension ni Maryam sa pag-alis nya… nagtataka din si Maryam sinabihan pa syang baboy? sa lahat ng kilos nya ay palaging mali dito..? iniisip naman ni Maryam na maaring mangyari ang ganitong sitwasyon maaring sinusubukan lamang sya. Sapagkat sya ay baguhan at walang alam sa bansang iyon hindi man sya nakakaranas mamasukan bilang kasambahay kailangan nyang makisama dito ng maayos pero paano kaya sya nasa bansang malay...?
Sa Carolina U.S loob ng sampung lingo nagkaroon ng basic training si Hunio. Nakaranas pa sya ng advance training sa boot camp na syang sumubok sa tatag ng kanyang physical, talas ng isipan at emosyonal.
Pagkaraan ng ilang taon ng maexperience ni Hunio ang training. Mabagsik ang training na naranasan ni Hunyo na tila isang trauma sa kanya. Subalit nagpakatatag sya na kailangan nya rin itong gawin para sa naiwang pamilya. Sa kanyang training ay madalas rin syang mapag-initan at sa training nila ay pantay-pantay lamang ang pagtitiis sapagkat yun ay pagsubok rin sa kanya.
Nagmature ang kanyang isipan pagkatapos ng kanyang training. Nakapag-aral siya at nagpakadalubhasa sa pangungumpuni ng mga makina at ng kung anu-ano pang dapat nyang kailangang tapusin. Sa araw ng kanyang pagtatapos ay kasabay ng panganganak ni Maryam sa Pilipinas na hindi nya alam. Nang magtapos si Hunio ay konti lamang ang ipinaglagi niyang bakasyon sa kanilang bahay. Sa kanilang bahay naman sya ay agarang hinalungkat ang kanilang box… Subalit nakakadalawang araw pa lamang sya ng tumawag ang kaniyang papasukang team para masabak sa labanan. Hindi nya ito iniexpect nasabak nanaman sya sa agarang gyera. Nalagay sya sa Bansa na kung saan ay napakadelikado ng sitwasyon.
Nalulungkot na sya dahil kasabay nun ay sinusubukan din nyang gumawa ng paraan para makabalik sa 'Pinas. Subalit tila napasubo na sya sa sitwasyon.
Kada minuto ay nakatingin sya sa magandang larawan ni Maryam tinitignan nito ang magandang ngiti ng kanyang asawa. Apat na taon na syang palipat lipat sa mga danger zone ng gyera sa nasabing kaguluhan ng bansa ng lahing ‘Caliph’. Palagi nyang nililibang ang kanyang sarili sa pagroronda sa mga delikadong lugar ng sagayon ay makalimutan nya ang pagkainip na makita ang asawa. Hindi sya natatakot sa maaaring mangyari. Pero tila pinaghihigpitan sya na kung tutuusin ay panahon na dapat ay makakauwi rin sya maski na sana sa kanyang mga magulang lang...
Tatlong minuto lamang ang tyansa ng mga sundalo doon para makausap ang pamilya. Maari syang makatawag sa kanyang pamilya ngunit hindi pala declare na misis nya si Maryam. Bukod pa doon ay wala syang contact number ni Maryam. Naisipan niyang padalhan ng sulat na ang pinakamabilis na proseso ay ang pagpapadala ng telegrama. Subalit bigo sya dahil bumabalik ang sulat na kanyang ipinapadala. Nagagalit na rin sya sa kanyang mga magulang na tila ibinabalewala sya… Pakiramdam nya ay hindi sya mabubuhay ng walang komunikasyon naiinip na sya sa kanyang sitwasyon dahil parang iniiwasan sya ng mga ito sa twing babanggitin nya ang tungkol kay Maryam.
"anak, may aaminin sana ako sa'yo hihingi sana ako ng tawad alam kong napakatagal mo na dyan naawa na kase ako sa kalagayan mo.." sabi ni Celeste isang araw ng makausap ang kanyang ina.
"mom, ano nanaman ba'tong naririnig ko sa inyo.."
"anak, sa apat na taon mo dyan ngayon lang rin kasi namin nabalitaan ng daddy mo na…" hindi maituloy ni Celeste ang sasabihin.
"anak ganito kase ang wala na ang asawa mo.."
"ano?!"
"paano nangyari yun?"
"Mommy hindi po ako naniniwala! mommy alam nyo naman na tinatapos ko lang ang mission ko dito para makauwi na at makuha ko na si Maryam..."
"anak, patay na si Maryam!"
"ano?!” nagagalit na si Hunio “Mommy stop fooling me around! What is the truth mom?" hindi sya makapaniwalang reaksyon sa tawag ng kanyang mama.
Nanlumo si Hunyo sa narinig ganito kase anak namatay sya sa panganganak..
"A- ano?! Kase… nabuntis si Maryam!?
“Mom! Ano nanaman pu ba ang kwento na ito?” nanginginsi na parang natatawang sarkastikong reaksyon ni Hunio
sabay bigla naputol ang linya ng kabilang telepono… nanlumo si Hunyo sa narinig para bang may galit sya na hindi makapaniwala sa narinig namumula ang kanyang mga mat ana parang luluha masama ang loob nya sa narinig tungkol sa asawa...
Kinatanghalian rin ng araw na iyon ay naghanda sya sa panibagong pakikipagsagupa. Lumabas sya sa gusali na kung saan ay maari sana nyang matawagan si Maryam. Nang araw din na iyon ay nasa kaguluhan pa rin ang sitwasyon nabigyan ng mas mataas na rango si Hunio. Ito ay naaayon sa kanyang dedikasyon at katapangan. Isa na sya sa mga opisyal ng kanilang sandatahan kaya naman humingi sya ng pahintulot sa kanilang command na ipahanap ang asawa at byenan sa Pilipinas. Nais lang naman nya alamin kung ano ang tutuong nangyari tungkol sa kanyang nalaman.
Nagpatuloy siya sa pagprotekta sa mga inosenteng tao laban sa gyera sa bansang may mga terorista. Bagama’t sinabi ng kanyang in ana namatay na ang kanyang asawa sa panganganak ay hindi pa rinsya naniniwala dito.
Sa gyerang ito lalo syang nagpapakatatag kasa kasama nyang sumusugod sa gyera ang kanyang mga kasamahan at ang grupo ng mga doktor isa sa mga yun ay si Frida isang doktora. Sila ay mga tinatawag na mangagamot ng mga sugatang sundalo. May konting background sa pagkasundalo si Frida maganda at mabait ang doktora.
"tila nagpapahiwatig ang doktora" bulong isa sa mga sundalo nakapansin kay Hunyo subalit gasulyap lang ang ibinigay ni Hunio sa dalaga.
"May asawa na ako..." sagot niya sa mga tumutukso sa kanya sabay tinignan ang itinatago niyang larawan ng kanyang asawa. “Filipina” proud nyang sabi. May mga Filipino din doon na anytime ay pwede din magsumbong kay Maryam kung sakali man na sya ay magluko. Subalit wala sa isip nyang lokohin ang asawa. May may plano pa rin syang hanapin at kung tutuong nagkaanak na ito. Iba si Hunio sa katulad niyang may dugong Amerikano kung ang iba ay nakikipag diborsyo si Hunio naman ay may tiwala. Alam naman nya kung paano magalit si Maryam. Namimiss na nga nya ito habang tinitignan ang larawan nito. Nagiging kampante si Hunyo sa twing nakakakita sya ng mga Filipino na tumutulong sa pagkakaroon ng peace sa organisasyon ng kanyang trabaho…
Mga ilang araw pa ang nakalipas mabilis na dumating ang report ng mga informer nila. Nalaman nya na tutuong namatay na si Maryam dahilan ng panganganak at si Aling Pacita naman daw ay may iba ng nobyo sumama na raw ito sa ibang bayan... Iba-iba ang mga kwento at haka-haka na para bang hindi sya tiwala. Subalit nangako naman siya na babalik sa Pilipinas kaya naman naroon din ang picture ng kanyang asawa sa kanyang wallet na kanyang iniingatan na hindi sya bumibitaw.
Inihanda ni Hunio ang sarili sumugod sila sa ingkwentro ng labanan. Gamit ang kanyang armalite ay nakipaglaban sya patungo sa direksyon na kung saan ay may mga sasagipin silang mga bata. Agaran syang sumugod sa isang gusali na kung saan ay may mga target ang mga terorista... Ninais nyang iligtas ang isang kumpol ng mga batang araba na nagtatago sa gusali ng isang skwelahan. Dalawa silang kapwa nya sundalo na sumugod subalit may ligaw na bala ang nakapatay sa kasama nyang sundalong arabo pati sya ay tinamaan subalit daplis lamang ito… nagpatuloy sila sa pagtakbo. Nang mailigtas na nya ang mga bata ay sakto naman pumasok ang isang suicide bomber na kanilang namataan sa gusali at wala pang isang minuto ng biglaan ay sumabog na ang buong gusali… di na magkamayaw ang mga sundalo sunud-sunod na ang mga putukan at sabugan ng granada. Madaming lumipad at nagsipagkalatang parte ng sumabog na gusali. Pagkatapos ay parang eksena sa isang pelikula na ang mausok na malaking gusali ay nagsipagbagsakan ng dahan dahan. Nabagsakan sya ng pader na nagmula sa bumagsak na gusali. Napakabilis ng mga pangyayari hindi sya agad nakaligtas sa pagbagsak ng isang pader, nadaganan siya...
sa kadahilanang hindi sya agad nakalayo.
Dagli dagli na ang mabilis na pagresponde ng mga sundalo at iba pang mga kasama nilang nirescue sya para makaligtas.
Pag-gising ni Hunio ay nakabenda na ang kanyang ulo namamaga ang kanyang mukha pero dala ng pagbagsak ng pader ay puro sya galos at ang una nyang nakita ay isang babaeng maganda…
nakangiti at nagpapasalamat na sya ay ligtas.
From Baghdad to America nagflight si Hunio kasama ang mga iba pa nyang mga katropa umuwi sya para magpagaling… may benda ang kanyang ulo at balikat sa kanyang isipan ay konti lamang ang kanyang naalala... mabuti na lamang at buo pa sya. Ang tibay talaga ng buhay nya nakaligtas sya sa peligro na tila may siyam na buhay.
Pagkatapos ay nagkaroon na rin ng konting katahimikan ang gyera sa Baghdad kaya umuwi na sya...
Pagkaraan ng tatlong araw sa departure area ng John F. Kennedy International Airport nakawheelchair sa airport si Hunio. Heto sya at tila manhid ang katawan na nakabalot ng benda. Sa kanyang likuran ay may nag-assist na tao sa inuupuan nyang wheelchair. Sinalubong sila ng kanyang mga magulang kasama si Frida ang kanina lamang ay nag-aasikaso sa kanya. Si Frida ay ang doctora sa lugar ng ingkwentro na syang umasikaso sa kanya. Tuwang-tuwa si Celeste ng makita ang kasamang babae ni Hunio ang babae ay nakasuot kulay puti. Napag-alaman ni Celeste na ang propesyon nito ay ang pagiging Doktor. Ang babaeng nakasuot puti na disenteng disente at napakalinis nito kung tignan ay si Frida. Hangang hanga si Celeste sa dalaga maganda, matangkad at sophisticated ang kanyang nakikita ay isa sa mga babaeng tumulong sa kanya at gumawa ng paraan para makauwi.
Si Hunio naman ay nakabenda na nakaupo sa wheelchair siryosong nakatingin sa kawalan patungo sa kanyang ina at tila naguguluhan sa nakikita. Subalit sa kalagayan nyang iyon ay tila tulala pa sya hindi makagalaw at makapagsalita. Nakita nya ang kanyang ama, ina at si Frida na nakangiti sa kanya… naalala niya ang kanyang mga magulang pero wala syang naalalang babaeng doktor.
"kamusta kana iho...” nananabik na sabing yakap ni Celeste “sa wakas! nakauwi ka na…"
"You are so brave I am so proud of you… you’re a hero! anak" proud nyang sabi sa anak. Sobrang namimiss na sabi ng kanyang ama. Yakap nila habang nakaupo sa wheelchair.
"I miss you alot iho!" sabi ng kanyang ina na si Celeste... So paano? Let’s go home?” yakap din at very warm na salubong nila sa kanya… napabaling ang kanyang paningin sa kasama nilang babae.
Naglakad sila at sabay-sabay na sumakay sa kanilang sasakyan pauwi sa kanilang bahay.
Pagdating nila ay tila namiss ni Hunio ang kabuuan ng kanilang bahay nagkaroon sya ng excitement na sana ay kasama nya si Maryam. Naalala niya ang larawan nito subalit sumakit ang kanyang ulo ng bahagya. Naghahagilap na ang kanyang isipan. Wala syang matandaan na mukha ni Maryam. Palagi lamang ang sa isipan niya ang pangalang Maryam. Di man kalakihan ang bahay nila ay pwede na para sa kanilang maging tahanan sana pansamantala sa kanyang pagkakatanda. May limang kwarto ang kanilang bahay na sakto lamang para sa kanilang mag-anak.
Ang kanilang bahay sa America ay kulay puti na may dalawang sala at kusina may pitong banyo. Napahinga sya ng malalim sa pag-iisip na baka may mga nagpapaalala sa kanyang isipan.
"anak ipinapakilala ko nga pala sa'yo si Frida ang kaibigan at kababata mo dito sa Amerika..."
"syanga?" sabi ni Hunio na medyo hirap pa magsalita…
"kamusta ka Hunyo..." nakangiting sabi ni Frida tila inuulit ulit lamang ng mga ito ang pagpapakilala kay Frida?
"pero, bakit nandito 'to? sino ba ito?" sabi nya na kung kaibigan nya ito ay di nya matandaan. Pagkatapos ay nagkatinginan naman ang mga magulang ni Hunio.
"Hunio! irespeto mo naman si Frida hindi mo ba sya naaalala? sya ang kasintahan mong umalalay sa’yo sa detachment nung maaksidente ka. Sya ang palagi mong binabanggit sa twing tumatawag ka hindi mo ba sya naalala…? Ang sabi mo pa nga ay nagpaplano na kayong magpakasal…"
"magpasalamat ka na hindi ko akalain na may umaalalay sa iyo doon. Ayaw ko pa naman sana syang tanggapin nung umpisa sapagkat ang sabi mo ay hindi sya ang tipo mong babae… kaya naman pala napakatagal mo ng hindi umuuwi! dahil mayroon ka na palang nakakapalagayan ng loob…" masayang sabi ni Celeste sa pagsisinungaling...
sya ang sumagip sa'yo sa kamatayan... " dagdag pa ni Celeste