"kundi lamang sana na naaksidente ka ay magsasabay kayong uuwi ngayong taon hindi mo ba sya natatandaan? sya ang girlfriend mo!? malapit nakayo ikasal!" kunway masayang balita ni Celeste sa anak.
"ganun pu ba Mom!?, pakiramdam ko'y oh, never mind...” paiwas napatingin muli sya sa dalaga pero wala syang natatandaan… na may girlfriend syang doctor?
"Mabuti pa po tita pagpahingahin po muna natin si Hunio wag mo na muna stressin sarili mo!" sabi ni Frida…
"Tara na muna sa loob ng iyong kwarto..." naglakad sila malapit sa kanilang library area tabi ng kanyang kuwarto.
“ahhh! Ansakeeet” sabi ni Hunio habang hawak ang kanyang nakabendang ulo. Huminto muna sa paglalakad si Frida nag-alala sya… inalalayan nya si Hunio sa kama saka nya pinainom ng tubig…
“Bakit? anong nangyari?” alalang tanong ni Frida.
“ahhhh… hindi ko alam! Ang ulo ko bigla sumakit?” napa-igtad nyang sabi at nagugulumihanan sa mga bagay na pumapasok sa isip “may mga aklat at madilim na paligid…” sabi ni Hunio.
“Ha?!” natatarantang tonong sabi ni Frida... “sige lang magandang development yan sa... pero wag mong masyadong isipin at biglain… subalit Hunio nandito lang ako para sa’yo.” Tila paputol putol na sabi ni Hunio.
Ilang lingo na ang nakakalipas mula ng sya ay nanggaling sa gyera...
“...ayon sa findings ng iyong aksidente ay malubha ang pinsalang natamo mo sa iyong ulo pasalamat na lang tayo at nakaligtas ka..." malambing na sabi ni Frida… habang hinahawakan ang xray photo nito pagkatapos ay isinabit ito. Sabay naupo si Frida tila naglalambing na sinusubuan si Hunio… pero ilang subo lamang kay Hunio ay pinahinto nya ito sa ginagawa nya na pag-aasikaso ng dalaga...
"hindi mo ito kailangang gawin Doktora..." pigil ni Hunio sa kamay ni Frida "napakabuti mo Doktora pero hindi mo ito kailangang gawin…
“hindi mo ito kailangang gawin may pinag-aralan ka hindi ito kasama sa duty mo..." sabi ni Hunio.
Bigla ay pumasok si Celeste
"anak! Bakit? kasintahan mo si Frida a-ano nangyari Frida... kaya nga sya naririto dahil dinadamayan ka!" paagaw na sabi ng mama ni Hunio...
"Pero Mommy!! wala akong natatandaan! ano pu ba kasing nangyari?" umiiyak nyang sabi
"maghulus dili ka Hunio! Ano bang nangyayari sa’yo wag mo ipagtabuyan ang kasintahan mo?! Bigyan mo naman sya ng konting respeto…" sabi ni Celeste.
“Tita, wag nyo po syang pagalitan hayaan nyo lamang po sya. Nag-aalala po ako na hindi ito makatulong sa agaran nyang paggaling. Sa ngayon po kase ay kailangan nya ng pang-unawa kagagaling lamang po nya sa matinding aksidente. Hayaan lang po natin sya…” pag-papaliwanag ni Frida.
“At Hunio wag kang mag-alala gagaling ka rin Hunio unti-unti rin ay gagaling ka. Nandito lang ako para tulungan ka sa therapy mo…" sabi ni Frida.
“Salamat naman kung ganon iha napaka buti mo sa anak ko… hindi ko alam ang gagawin ko kung walang Doktorang katulad mo…” sabad ni Celeste. Pagkatapos noon ay nagkaroon ng katahimikan sa kanilang tatlo.
“Kaya naman pala mahal na mahal ka ng anak ko bago pa ng kanyang aksidente ay dahil napakabait mo. Isa kang anghel para sa’kin.” Puring sabi ni Celeste.
“Ma, gusto ko na muna po sana ang mapag-isa…” hiling ni Hunio sa kanila.
“Oh, sya sige anak I’m sorry… magpahinga ka pangako hindi na kita pagagalitan.” Pag-aalalang sabi ni Celeste habang nakatingin sa anak na nakahiga. Kaya’t sumang ayon na lang sya sa nais nito.
Lumabas na ang dalawa…
"pagpasensyahan mo na anak si Hunio” maaring epekto ito ng kanyang aksidente sa gyera.."
"naiintindihan ko naman po ang kalagayan nya tita…"
"o, sige pag-usapan na lang natin ang mga bagay-bagay na ‘yan sa labas at sa nalalapit nyong kasal ng anak ko iha." Ipinakita ni Celeste ang mga litrato na maaring makakapagpaalala sa kanila noon simula pa ng kanilang pagkabata… upang pagpanggapin si Frida na sya si Maryam. Lumabas muna si Frida at ang Mama ni Hunio.
"Wag kang mag-alala iha ako ang bahala sa anak ko... " masayang sabi ni Celeste na feeling close kay Frida. ‘hindi naman siguro saglit lamang ay gagaling na si Hunio marami man syang alaala ay doon lamang sa gyera?’ bulong ng isipan ni Celeste.
"pero tita isa po akong doktor maaring mawalan ng bisa ang aking propesyon kapag gumawa ako ng hindi tama…"
"bago naman mangyari iyon iha ay malamang kasal na kayo ng anak ko... magtiwala ka iha mamadaliin natin ang proseso ng kasal nyo magpapakalayo layo muna kayo. Pumunta kayo ng London, kahit san man sa mundo at doon bumuo kayo ng isang masayang pamilya. Ako ang bahalang mag-asikaso sa lahat! basta alagaan mo lang at mahalin ng tapat ang anak ko..."
"pero tita mali ang gagawin natin?" nag-aalalang sabi ni Frida...
“baka lalo akong hindi magustuhan ng anak nyo na tila nag-sasamantala ako…? hindi ‘yan mangyayari Doktora nakakasiguro akong isa kang mabuting asawa botong boto ako sa’yo iha… wag kang mag-alala babayaran ko ang mga taong pwedeng makialam sa pagsasama nyo ng anak ko… napakaganda mo iha. Imposibleng hindi ka nya magugustuhan. Tanging panahon lamang ang makakapagsabi na balang araw ay gagaling ang anak ko at magmamahalan kayo ng anak ko... pakiusap iha wag mo sana akong biguin... excited na akong makita ang magiging mga apo ko sa inyo…" nakangiting sabi ni Celeste sa gustong maging manugang.
“At isa pa ang kanyang dating asawa ay napakahirap ng buhay ni hindi nya makakayang makarating dito sa Amerika…” nadulas na sabi ni Celeste lumaki ang mata ni Celeste at napatakip sya ng kanyang bibig…
“May asawa po si Hunio?" natigilang sabi ni Frida.
“Ah, Wala! wala iha... b-binata ang anak ko… walang anak, walang asawa at wala rin byenan nagfocuse muna sa trabaho ang anak ko. Bago pa man nya aminin ang tutuo ay mayroon akong hinihiling. Sana ay makasal na sya sa’yo dahil gusto ko na rin ang magka apo…”
“nga pala mas mainam siguro kung pag-usapan nalang natin ang tungkol sa bakasyon ng aking anak habang sya ay nasa therapy.” Paiwas ni Celeste dahil alam rin naman niyang may gusto ito kay Hunio dahil kung wala ay hindi ito sasama sa kanila. Tuwang-tuwa si Celeste dahil napakakisig at napakatapang ng kanyang anak hindi talaga sya nabigo.
Pagkaraan ng anim na buwan ay paunti-unti ng nawawala ang benda sa katawan ni Hunio. Ang mga bali at sugat ay paunti ng gumagaling. Subalit ang obserbasyon sa damage ng kanyang utak sa bumagsak na gusali ay hindi pa gaanong gumagaling nagte therapy pa rin sya.
May mga paunti unti kapag sya ay nag-iisa ay pinipilit niyang bumangon at tumayo. May mga gabing trinatrangkaso si Hunio at umaga naman ay tahimik siyang nakatingin sa kawalan. Nabuo sa kanyang isipan ang magpalakas at magpagaling ng mabilisan dahil paunti-unti ay nakita nya si Maryam. Nasa isipan nya ang isang tanong na bakit hindi binabanggit ni Frida o ni Celeste ang pangalang Maryam? Sino ba si Maryam? Sino ba ang babae sa kanyang isipan?
Sa kasalukuyan sa bansang Singapore ay wala pa rin sa tutuong amo niya si Maryam. Anim na buwan na sya roon at hindi nya pa rin nararanasan ang magsahod o matawagan man lang ang kanyang ina. Alalang alala na sya na baka wala ng panggastos ang kanyang iniwang pamilya. Nang umagang iyon ay wala ang mag-asawang Chinese ay iniiwan sya. Maayos naman ang pagtanggap sa kanya ng ibang kamag anak ng mga ito. Madali itong pakibagayan… Alam niyang may mga pagkakamali sya pero hindi naman nya matandaan kung ano ang mga iyon. Subalit mukha na sya'y naiinip tila wala pa rin syang employer? Pagkaraan ng dalawang lingo hindi na din nya matandaan kung anong pangalan ng employer nya na nakasulat sa kanyang contrata kase kinuha na nila ito. Pagkaraan ng isang buwan. wala pa rin? tuwing lingo ay isinasama sya ng mga ito sa labas na kung saan ay makikita nya ang selebrasyon ng bansa... yun ay napakaengrande naman… na di maihahambing sa 'Pinas masaya sya sa kaisipan na’yon... hindi nya pa nararanasan ang makakita ng fireworks sa buong buhay nya at naisip nya ang kaibahan ng kung anong wala sa Baryo Mahusay pati pagkain.
'Napakaengrande nga ngunit kailan naman kaya sya mag-uumpisa at kailan sya makakaipon hindi bat ang pagpunta nya roon ay upang magtrabaho at kumita para sa anak?' bulong ng kanyang isipan.
At hayun na nga tila madaming selebrasyong nagaganap sa bansa na iyon at kada lunes ay walang opisina kaya inuunawa nya ang paghihintay... Ano ba'yan palagi na lang syang minamalas? bakit ba antagal ay ni wala syang linya ng telepono simula pa nung dumating sya dito? Nag-aalala na sya sa kanyang anak at ina na kanyang iniwan.
Sa mga sumunod na araw ay sinubukan nya na ang magtanong sa ahente. Kahit alam nya na tila mahirap na kausapin ang ahente. Sa umaga ay palaging maaga silang umaalis para pumasok sa opisina. Kapag gabi naman ay may mga dinadala silang mga bagong recruit galing 'pinas. Nagtataka sya bakit sa lahat ng mga nanggagaling sa Pinas sa gabi ay dumarating at pagkatapos kinabukasan aalis rin agad para madala sa kani-kaniyang mga employer? Palaging sya lang naiiwan hindi naman sya natatakot dahil nakakabighani ang ganda ng bansa na iyon. Maganda ang lugar na iyon malinis at maluluwag ang kalsada maski na ang sabi nila sa Pilipinas ay maliit na bansa ang Singapore.
Subalit ang rule ay hindi sya pwede lumabas ng basta lang kaya naman sa twing maiiwan sya ay tumatanaw na lamang sya sa bintana… kakaiba ang mga flat doon halos lahat ay may grills. Napapansin nyang napakatagal na halos mag-pipitong buwan na...? Nag aalala na sya kase first time nya hindi nya alam kung legal pa ba syang magtatrabaho doon. Simula ng sya ay pumunta sa bahay na iyon ay wala na syang pinanghahawakang mga dokumento kaya naman nagawa nyang magtanong sa mga ahente. Sinabihan sya ng mga ito na maghintay hintay lamang at nakabakasyon daw ang kanyang mga amo. Nang malaman nya ito ay tuwang-tuwa na sya nabuhayan sya ng loob.
Pagkatapos noon ay hindi sya makatulog isang araw ay tinawag sya ng mga ahente at kunwari ay isasama daw sya para mamalengke...
'abah! mukhang maganda ang mood ni Maddame!' pag-aaliw nyang sabi sa sarili. Naisip nya na maaring isasama sya para narin matuto sya sa pasikut sikot sa lugar na iyon. Sa pagkakaalam nya kase ay gawain din ng mga kasambahay ang magmalengke. Mabilis syang kumilos para magbihis inihanda niya ang kanyang sarili. Bandang alas Diyes ay isinama sya sa palengke… Sa unang pagkakataon ay malilituhin si Maryam dahil tanging transportasyon nila doon ay mga private car.
Hindi pa sya sanay at first time nya ang lahat ng bagay bus at mga kotse kakaiba ang palengke doon may mataas ng parking lot at pagkatapos parang supermarket ang kanilang palengke. Ang napansin niya sa lugar ay aircon, malinis, maaliwalas ngunit malilituhin sya nakatayo sya sa isang gilid na may mga namimili rin na Filipina… Iniwanan sya doon binilinan na maghintay. Hinihintay nya ang mga kasama nyang namimili wala syang ibang ginawa kundi ang magtingin tingin lamang sa buong paligid nagbabakasakali siya doon kapag sakali mautusan sya ay alam na nya ang lugar…
Mag-aalas kuwatro na ng hapon ay wala pa ang mga kasama nya! nandoon pa rin sya sa sulok kung san sya iniwanan... hinahawakan nya ang kanyang tiyan at gutom na sya ang mga Filipinang nakikita nyang namimili doon ay wla na malamang ay umuwi na ang mga iyon… nanghinayang sya sa pag-aakalang sana ay kinausap nya ang mga ito pero dahil sa takot nyang makagalitan ng mga broker ay mas minabuti nyang wag sila kausapin.
Papasara na ang palengke...
Subalit nakaupo pa rin sya na may hawak na mga gulay... Kinakabahan na sya… mga ilang oras pa ay may lumapit na sa kanyang mga apat na lalaki ‘ano? sino-sino ba ang mga ito?’ At may may dalawang babae...
"Where are you coming from? where is your employer? can we invite you for a while?" mga sunud sunod na tanong ng mga stranghero sa kanya. Hindi niya alam ang kanyang mararamdaman kung sya ba ay mabibigyan ng pag-asa. ‘Ano na ba talagang nangyayari sa kanya?’ Sa sinabing tanong nang lalaki ay hindi na sya nakapagsalita... sumama na lang sya at nanalangin ng taimtim alam naman nyang nandyan ang diyos upang gabayan sya. Subalit ano ba itong nangyayari sa kanya.
Sa ikalawang pagkakataon ay muling naranasan niyang sumama sa mga stranghero. Sumakay muli sya sa isang van kasama ang mga tao na kumausap sa kanya. Nanibago si Maryam sa kanyang mga nakikita. Habang lulan sila ng sasakyan ay nakita niya ang labas ng bintana. Napansin niya ang kaibahan ng lugar na kanilang pinanggalingan nagtungo na muna siya sa isang lugar na kung saan ay mga nagsipag-ilawan na katulad ng dati nyang pinagtrabahuhan. Dito nya napagtanto na ang kaibahan ng Singapore at Pilipinas. Sa Pilipinas ang kadalasan ay kapag mga lugar bahay aliwan ay sa mga matataas na tao sa mga taong kayang magbayad ng mga nagmamahalang babae at ang kadalasang lugar pa nito ay sa syudad. At kung sa ihahalintulad ng sa Singapore ay para sa mga ordinaryong tao lamang ito o sa mga local na ang hilig ay maghanap aliw.
As temporary pina stay sya sa kanilang accomodation at doon ay sari-saring mga Filipina ang naroon... ginagawa silang singer, dancer at entertainer... may mga sumisigaw na mga bakla nagagalit sa mga entertainer na mukha daw silang tumataba. Noong araw rin na iyon ay pinakain sya. Tumulong syang maglinis. Napansin nyang ang lugar na iyon ay mukhang mga lugar ng mga napupulot na mga Filipino sa kalagayan nyang iyon ay 'panibagong pakikisamang muli'… kawawang Maryam sya ay nakapasok muli sa isang problema hindi nya alam kung hanggang kelan sya magsasuffer… lubha syang kawawa ni hindi nya man lang nakokontak ang kanyang anak at nanay magmula pa ng sya ay dumating sa Singapore… Nag-aalala na sya. Subalit ano pa man iyon ay dapat na lakasan nya ang kanyang kalooban. Hindi rin sya makakapayag na umuwi lamang sapagkat ang kanyang iniwan na pamilya ay umaasa sa kanya. Ngunit ang tanong ay hanggang kelan pa sya sa ganoong sitwasyon..? Napansin nilang may hitsura si Maryam kaya naman pinag-iisipan nila kung san sya ilalagay...
Maya maya lamang pagkatapos ng kanyang trabaho ay pinatawag sya ng isang babae kinakabahan sya.
"marunong ka bang kumanta?" tanong ng isang babae na sophistikada pero hindi suplada ang dating ng kanyang hitsura.
"konti lang po" sagot niya
“sige bukas dalhin ka namin sa lugar ng pagtatrabahuhan mo?" aakma sana syang magtanong kaso nag-aalangan sya na baka maulit-muli ang nangyari sa kanya nung unang sya mag-apply bilang kasambahay. Napansin ng babae na tila may mga tanong pa sya…
“May tanong kapa?” tanong ng babae.
“Ah... wala naman po”
“Wag kang mag-alala… ikukuha ka namin ng legal na papel mo. Alam kong naloko ka sa una mong mga broker. Nakakapagtaka naman na iniwanan ka sa palengke ng biglaan...? easy ka lang.”
“syanga po…” naiiyak nyang sabi “hindi ko napo alam ang aking gagawin may anak po ako sa pinas at nanay mahirap lamang po kami… kung bakit po niloko po ako ng mga tao na iyon… huhuhu…” emosyonal nyang sabi.
“May anak ka sa pinas?”
“opo nakipagsapalaran po kami sa Maynila para po sana ay magkaroon ng maayos na buhay at kaya naman po nakipagsapalaran ako dito sa Singapore para mabigyan ng maayos na buhay ang aking pamilya… hindi ko naman po sinasadya na magpunta dito ang gusto ko po lamang ay” emosyonal pa rin nyang sabi. Humahagulgol sya dahil lungkot na lungkot sya... inaalala ang kanyang anak at nanay. Naawa naman ang babae saka ito tumayo hinawakan sya sa kanyang likod.
“Wag kang mag-alala mayaman ang agency na ito. Tutulungan ka namin kailangan mo lamang ay maging palaban at lakasan mo ang iyong loob mo… o sige mamili ka uuwi ka o mag-stay ka?”
Tumigil sa pag-iyak si Maryam dahil naisip niya ang bagay na dapat ay magpakatatag na siya…
Kinabukasan ay kinuha naman sya ng permit at sa wakas ay nakahingi sya ng libreng card para makatawag sa kanyang anak at nanay…
“Hello Nay, kamusta napo kayo...?” namimigat na ang mga mata nya hindi nya pinahalatang may masaklap na nangyari sa kanya.
“Nay, miss na miss ko na po kayo! huhuhuhu” iyak niya
“Oh, anak ayos ka lang ba diyan? Mabuti naman kami ni Xavia, Mabuti naman nakatawag kana! Miss na miss ka na rin namin! mama! Mama...” rinig na sabi ni Xavia sa kabilang linya.
“Mabuti naman po ako dito…” sabi ni Maryam sa kabilang linya.
“Mama! I miss you!” sigaw na bati ni Xavia “nakita mo na anak miss ka na rin daw ng apo ko! Hehehe matalino talaga itong apo ko” tuwang sabi ni Aling Pacita. Nakangiti naman si Maryam sa kabilang linya. “Anak, wag mo kami gaanong alalahanin wag kang umiiyak…ha?”
“hayaan nyo po Nay, kapag nakapag umpisa po ako ay magpapadala napo ako sa inyo ng pera kada sahod katapusan. Mag-iingat po kayo palagi…” huling paalam nya.
Pagkatapos noon ay Laking pasasalamat niya sa bagong pagkakataong nakausap nya ang kanyang nanay tuwang-tuwa sya. Sa wakas ngayon ay panatag na ang kanyang kalooban.
Simula nang sya ay nag-umpisa na magtrabaho araw-araw nga ay palagi na sya sa kalsada para kumanta at hindi nila iniinda ang ganitong posibilidad na maari syang makulong. May permit sya para makapagtrabaho sa bahay pero hindi naman tunay ang kanyang mga papel.. yan ang kanyang buhay from diswasher to singer…
Sa paglipas ng ilang mga linggo at buwan napakadami nang nanonood sa pag-kanta ng grupo nila Maryam. Sa ilalim ng MRT sa Singapore si Maryam ay tila sumisikat na at bukod pa doon dumarami na rin ang kanilang mga tagahanga. Lumalaki na ang kanilang kinikita sa pagpapasaya... Parang bang sila ay nagtayo ng entablado tuwing linggo sa syudad ng Singapore na kuntawagin ay Orchard. Habang dumarami ang kanyang taga hanga sa pagkanta. Saka nya naiisip ang kanyang nakaraan sa twing nakakakita sya ng mga puting lalake o mga Caucasian kung tawagin na palaging nakikiusyoso at humahanga sa kanya ay para syang paranoid. Iniisip niyong may palaging nakamasid sa kanya nanonood (ang dati nyang asawa) ... pakiramdam nya ay kalimutan na lang sana nya ang dating asawa… ‘tutal naman baka may iba nang asawa 'yon!’ At medyo umaayos na ang daloy ng kanyang buhay. ‘Hay heto nanaman tulala nanaman sya isang tabi…’
May street jam sya kung tawagin sa kanilang performance may isang customer nagrequest ng song titled na "Can’t take my eyes off you…" at pakatapos ng kanyang kanta ay may masigabong palakpakan… Pagkatapos noon ay may tila pacomic punchline pa sila…
Nang araw din na iyon sa kaniyang pagpapahinga ang kanilang bisor ay nakapansin sa panakaw tingin ng isang lalakeng maitim na gwapo naman.
“Sir!” sigaw ng kanilang bisor sa entablado na naghohost ito.
“Me!?” takang tanong ng lalaki.
"I'm just curious, I notice your charm this is written on my note Sir?!” may tila nagtatawanan sa mga manonood ng stage. “'blanche the duck'? Sir! Would you please translate that?”
Tila bibo naman ang lalaki nakiride sa joke kanilang host “well? I kind a know it’s a kind of recipe. Am I right?”
Sagot ng lalaki
“Ah-ah no-no-no... I think this is a love at first sight you are handsome sometimes I'd really want to EAT my pride that you are so goodlookin... Anyway, sir to give a respect what is your job?" pansin na sabi ng kanilang bisor na bakla nakalagay kase sa shirt ng customer nya ay COMMANDO... "but here goes on to my mind Sir do you wear a brief?” kunwari ay ibinulong nito sa manonood. “But wait! we have choices here in gorgeous Singapore choose a. brown b. white and c. black every girl here has not yet for real lovelife" ang kanilang customer naman ay tumatawa lang...
"Oh, I see but I'm lookin for a nanny in London! could you offer me one of them? Alright let’s talk about at the back of the stage ay game!" bigla natakot si Ryley na kanilang bisor na bakla napaisip sya na baka alam ng customer na illegal silang gumagawa ng entertainment sa SG!
"’sure sir?" ang tanong ni Ryley pagkatapos nilang tumayo sa stage habang sa taas ng entablado ay may mga sumasayaw doon. Kinabukasan ng umaga ng Linggo sa kanilang accomodation pinatawag siya ng kanilang bisor na si Riley. Bigla sya ay kinabahan naisip nya na kung kailan naman sya ay sanay na sa gawain nila saka naman ay magkakamali nanaman syang muli…?
"’wag kang mag-alala safe ka sa lugar na pupuntahan mo mas malaki ang sasahurin mo doon ‘yon ay Pound!" "talaga sir?"sabi nya...
"Oo! sa wakas girl sinuwerte ka na! akalain mo? napulot ka lang namin sa tabi-tabi tapos heto doon mo na dadanasin ang swerte!" sabi ni Ryley na masayang masaya para sa kanya.
"Maryam! mayroong isang pamilya na nag-aalok sa'yo na magwork ka daw palipat ng London...!”
“Ha!? Papalipatin ako sa London? Malapit ba ‘yon?” takang tanong niya na hindi naiintindihan kung san ang London.
“aayusin ang papel mo paalis sa lalong madaling panahon hindi ko na itataas ang salary mo. Ano ka ba!? London Europe ‘yon! Hindi mo alam?”
“hindi po eh,” nakangiting sabi niya… “malayo pu ba ‘yon kesa sa America gusto ko po sana makarating doon para masundan ang asawa ko!”
“Naku nako! hindi mo makikita ang butihin mong asawa sa London! Mas malayo pa sa Amerika ‘yon kanya nga lamang ay kung mapapabuti ka sa London maari mo ng mapasyalan ang asawa mo sa Amerika. Oh, sige sa ngayon hindi ko na itataas ang pasahod sa’yo dahil mas lalo ka naming kikita doon. Pero wag ka mag-alala ibibigay ko sa’yo ang kabuuan mong bayad maari ka namang tumawag sa anak mo at nanay mo!"
"pero teka talaga ba sir?! uy! ang saya pala akala ko ay kung ano na? alin pu ba ang mas malapit? hindi nga po? hindi po ako makapaniwala sir? legal ba iyon? baka naman maligaw ako doon?" sabi nya na nakangiti.
"oo, naman! kung hindi baka makulong kami. Actually, mayaman yung itim na yun eh, sya ang nag-ayos ng lahat lahat para gawin kaming legal hulog ka ng langit Marayam kaya sige gora na! at heto na ang chance mo para yumaman ka?" sabi ng bisor nilang bakla na pumapalakpak… sa sobrang saya...
"pero sir paano na makakauwi pa ba ako ng ‘Pinas paano ako makakaipon doon? salamat sir!" tanong niya.
"naku! Maryam wag ka nang magdalawang isip pa madali na lang 'yon maluwag na bansa ang London at isa pa igrab mo na 'yan iilan lang sa'ting mga Filipino nakakarating doon...
ano? may tanong kapa? ayusin mo lang trabaho mo! gora na!! tawag kana sa ‘Pinas matagal tagal ka na rin dito sa SG oh, heto ang sahod mo magshopping kana ipadala mo sa inyo. Sige na baka mamaya magbago pa sila ng isip." sabay abot sa pera at saka sya pinapirma sa sahod nya at sa sobrang saya Niya ay agaran syang bumili ng cellphone at nagpadala ng pera...
“Hello Nay, kamusta po kayo?” tawag nya sa telepono.
“bakit anak? Napatawag ka naman ata ng bigla?” takang tanong ni Aling Pacita sa tawag niya na kasalukuyan ay nasa tindahan.
“opo Nay, palipad na po kase ako ng London?”
“London?” nagtatakang tanong muli ni Aling Pacita.
“opo Nay, sa Europe daw po baka hindi ko napo kayo makakausap pa ng matagal madedestino daw nila ako ng London hindi ko po alam pero may ibang employer po ang tumanggap sa akin sana nga po ay magtagal na ako doon...”
“Amerika ba?
“hindi ko po alam Nay, pero sabi maari daw po ako lumipat don kapag nagtagal na ako…
"anak, inenrol ko nga pala si Xavia kase napansin nilang napakatalino ng anak mo…”
“ganoon pu ba? Sige lang po at mainam po na sya ay maagang makapag-aral… sakto po at magpapadala na po ako sa inyo bukas din!”
"bakit anak hindi pa ba kayo nag-uusap ni Hunio dyan?"
"Nay, nasa Amerika po sya wala po dito sa Singapore"
"malay mo naman anak magkatagpo kayo dyan!?"
"hindi ko na po inaasahan yun Nay, matagal na po iyon… san nyo naman po nabalitaan ang tungkol sa gyera na kinaranoroonan ng asawa ko?” nagkaroon sila ng katahimikan sa magkabilaang linya ng telepono.
‘Para sa’kin ay ang mabuhay muli ng mag-isa
Ay isang tunay na kaligayahan,
Alin ba ang aking pipiliin?
Diba’t matagal ko nang hinahangad ang magkaroon ng respeto sa sarilli?
Ano nga ba ang tunay na kalayaan nabuo na sa akin ang mag-isang muli.
Ngayon ay buo na ang aking isipan at hindi ko naman ginusto na maging mahirap
Ang ginusto ko lang naman ay magmahal ng tutuo...’ bulong ng kanyang isipan. "A-ano naman daw po nangyari sa gyera Nay? Tanong niya
"madami daw namatay doon at parang narinig namin ang apilyedong Kline!"
"Diyos ko! bakit diko man lang alam ang gyerang iyon? bago man ako nagpunta ng Singapore? baka naman po ay fake ang news na iyon?" "sige po at magpapaalam napo ako pagkasyahin nyo na po muna ang padala ko... pagpasensyahan nyo na po muna ako..." at pagkarinig noon ay umiyak sya... dahil baka patay na si Hunio…
"Nay, matagal napu atang balita iyon? kung nasaan man po sya ay hayaan na lang natin… di rin magtatagal ay makakaraos din tayo..." pagkatapos kinausap nya din ang kanyanga anak..
"pagpalain ka nawa ng panginoong Diyos anak..."
Sa kabilang banda ng kanyang paghihirap lingid sa kaalaman ni Hunio ay mayroong rin pinsan si Frida na nagngangalang Oswald na taga London isang British.
Si Oswald ay nakasama rin ni Hunio sa engkwentro ng gyera nang sila ay nasa Baghdad. Tulad ni Hunio si Oswald ay isang Baldado na kapareho niyang nakaupo sa wheelchair ng makauwi sa bansa nito. Tinamaan siya ng ligaw na bala sa paa… Di sya tulad ni Hunio na may kasamang umaalalay sa kanya na pauwi sa London.
Umaga ng araw ng pag-aayos ni Maryam ng kanyang mga gamit palipat sa London. Panibagong airport at panibagong pagkamangha nanaman ang kanyang nararamdaman walang hanggang byahe... Dala-dala niya ang kanyang mga gamit kasama ang pamilyang mag-aadopt sa kanya bilang worker sa London… Pero ang nakakamangha sa una niyang pagbyahe ay nakita nya ang Iefel Tower na isa sa mga simbolo ng magarbong bansa ng -France. Pero nalagpasan nya nga lang gaya ng Merlion at pati na Marina Bay ng Singapore… atleast natanaw nya...
Mula sa Singapore to Charles de Gaulle International Airport ng London sya ay nagdepart. Sabi ay sa London siya magtatrabaho matunog na sa kanyang tenga ang lugar ng London pero ni isa man sa kanyang pangarap ay hindi sya makapaniwalang naroon na sya.
Mga ilang oras pa ang nagdaan ay napaidilip siya…
Patuloy pa rin ang kanilang mahabang biyahe… patuloy pa rin silang naglalakbay. Sa di kalayuan ay kay ganda ng umagang makikita sa kulay berdeng malawak na kabukiran. Namangha siya sa mga nadaraanang lugar. Pakiramdam nya ay pabalik sya sa ‘pinas na may mga malawak na kalupaan. Subalit napansin niya ang kaibahan nito na kung saan ay may pare- parehong sukat at disensyo ng bahay. Sa kada lagpas nila ay dumadaan sila sa mga tunnel at doon nya naalala na nasa Europa nga pala sya sapagkat nakasakay siya sa isang mahabang train. Pasaglit ay nakatulog siya sa train na hanggang sa huminto ang train bumaba sila.
Hindi sya makapagsalita ng ingles nahihiya syang mag-ingles na baka hindi sya maintindihan ng kanyang mga employer. Nakasakay naman sila ngayon sa isang karwahe na drinadrive ng hila-hila ng kabayo halos fourteen hours o lagpas pa ang kanilang byahe from Singapore to London… Naisip nya na halos pareho rin pala ang Pinas sa London kase nasa bukid muli sya habang nakasakay ng karwahe. Napakarami rin ang mga ligaw na mga hayop sa paligid ng kanilang nakikita may mga usa, squirrel, rabbit, mga puting gansa, mga ibon at kung anu-ano pa. Ang layo ng kaniyang nilakbay kanina lamang ay nakasakay sya ng eroplano galing Singapore. Sa Siyudad ng Paris patungong train naman ang kanilang sinakyan. Subalit pakiramdam nya ay papalayo na sila ng papalayo na tila na wala ng balikan. Pagsakay niya sa Train ay napalayo na sya sa siyudad na pinagmulan nila… hindi na nya halos malaman kung anong oras na ba sila nahinto sa isang lugar basta ang alam niya ay mataas pa ang sikat ng araw.
Lumipat sila ng panibagong karwahe para makapagbyaheng muli. Sa likuran ng karwahe ay inabutan sya ng pagkain at sya ay kumain. Dumidilim na at mukhang matagal pa ang oras na sya ay makakarating sa lugar ng kanyang papasukang trabaho... Panatag naman ang kanyang isipan habang lulan ng karwahe. Mga ilang oras pa ang nagdaan ay tuluyan ng nagdilim ang buong paligid. Nahiga siya sa hila-hila ng karwahe lulan ng mga kabayo. At sa kanyang paghiga ay kitang-kita pa rin niya ang magandang kalangitan na punung-puno ng bituin sa kalangitan na nagkikislapan… Hanggang sa unti-unti ay nakatulog sya...
Nananaginip si Maryam napakagulo nya sa karwahe habang nakahiga sa kanyang sinasakyan. Sa kanyang panaginip ay nakakita sya ng wedding suit at nakita nyang ikakasal na daw sa iba si Hunio? umiiyak daw sya sa kanyang panaginip binabati sya nito kasabay noon ay ang pagluha din nya...