Chapter 18 - More Rules To Follow

2155 Words

NAGMAMADALING bumaba ng hagdan si Hershelle nang bigla siyang magulat dahil nakita niyang nakahalukipkip si Edmark ilang hakbang mula sa paanan ng hagdan. “Nandito ka pa pala? Akala ko ba nakaalis ka na?” puna ni Hershelle nang makababa siya ng hagdan. Ibinaba ni Edmark ang mga kamay at ipinamulsa ito. “Aalis na sana ako pero nakita kita. May pupuntahan ka? Sumabay ka na sa akin o kaya ay magpahatid kay Tatay Elmo,” anito habang pinapasadahan siya nito ng tingin. Bigla namang na-conscious si Hershelle sa kanyang sarili. Nakasuot siya ng striped jersey off shoulder na dress. May slit ito sa magkabilang gilid at abot sa tuhod niya ang haba. Bagaman, natatakpan ng manggas ang buong kamay niya, nakalitaw naman ang balikat niya. Pinaresan niya ito ng flat gladiator sandals. Tapos hinayaan ni

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD