Chapter 20 - Caught In The Act

1468 Words

“SINO KA? Bakit mo sinisigawan si Hershelle?” nagsalubong ang kilay na tanong ni Jak. Napaawang ang bibig ni Hershelle nang mapatingin kay Jak. Lalo siyang kinabahan nang mapansin na hawak pa pala nito ang kamay niya. Pilit niya itong hinila ngunit ayaw siyang bitiwan ng binata. Nang muli siyang mapatingin kay Edmark ay nakatayo na ito malapit sa kanya. Nagpa-panic na ang utak niya. “Anong pakialam mo? Kaano-ano ka ba niya?” ganting tanong ni Edmark. Hindi maipinta ang mukha nito habang nakatitig nang matiim kay Jak. “Boyfriend niya ako,” seryosong sagot ni Jak sabay akbay sa kanya. Nanigas sa kanyang kinatatayuan si Hershelle. Nagtaasan ang mga mumunting buhok niya sa naka-expose niyang balikat. Pakiwari niya’y naparalisa ang buong katawan niya at hindi siya makakakilos. “Boyfriend

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD