bc

The Wedding Invitation (Tagalog)

book_age16+
28
FOLLOW
1K
READ
fated
second chance
independent
drama
bxg
humorous
realistic earth
lonely
engineer
model
like
intro-logo
Blurb

Tanggap ni Aysel Villagracia na inggetera siya sa lahat ng bagay, iyon ay dahil ang mga bagay na iyon ang wala sa kanya. Because of that-she strive hard to be better and have a good life.

Iniwan niya ang pagiging Engineer at lumipad pa-ibang bansa para mas bumisaha sa pagpipinta. Maging si Axton na boyfriend niya for five years ay iniwan niya dahil gusto niyang magbagong buhay, na walang magdidikta sa kanya kung ano ang dapat niyang gawin.

Axton gave her six years to do what she wants to do with her life, and after that she is required to go back and settle down. Axton promised her, that he will wait.

But after six years, Aysel expected Axton will wait for her. But one day she received a phone call saying that she's invited in their reunion plus in the wedding.

Axton Dela Fuente is getting married.

Will Aysel Villagracia be able to get him back?

chap-preview
Free preview
The End
The End "Congratulations Avi! Ikaw na ang head ng team for the project." Magiliw ang boses na sabi ng aming director. Nagkatinginan kaming dalawa ni Avi at kita ko ang saya at pagkagulat sa mga mata niya. Mapakla akong ngumiti. "Naku direk, thank you po talaga sa big break na 'to," sagot niyang pabalik. Nagpalakpakan ang mga kasama namin kaya naman ay nakipalakpak na rin ako. Mabigat ang emosyon na mayroon ako sa aking dibdib. Naiinis ako sa sarili ko na hindi ko na naman nakuha ang break na 'to para sa pangalan ko. I strive hard for this, over time doon, tanggap ng project dito, yet wala akong napala. Gusto kong sumabog dahil pakiramdam ko kulang na naman ako, na hindi talaga ako para rito. Pero si Avi, tatlong buwan pa lang siya simula ng magtrabaho rito para lagi kaming nagkikita, tapos siya ang bilis ng promotion niya. Ako, dalawang taon na rito wala pa ring nangyayari. Naiingit ako. "You're welcome. I wish the best for you and your team." Ani director. Bahagya silang umalis sa grupo namin para makapag-usap saglit. Hindi ko na lamang tinuon ang tingin doon at kumuha na lamang ako ng maiinom. Pakiramdam ko ay anumang oras ay babagsak ang luha ko sa inis, sa dissapointment. "Malalim na naman ang iniisip mo," tumabi si Sammy sa akin at inabutan ako ng sandwich pero tinanggihan ko iyon. Wala akong ganang kumain. Bumuntonghininga ako. "Hindi naman. Dissapointed lang." Sagot ko sabay ngiti. "Alam mo kung ako ikaw, okay lang sa'kin na si Avi ang na-promote, tutal ay lovers naman kayo..." untag niya. Napaisip ako roon. May punto siya pero sadyang inaasahan ko lang talaga noon pa man na ako ang makakakuha ng proyekto na 'to at lilipad pa-ibang bansa, at hindi si Avi. Sumasakit ang puso ko kapag sumasagi sa isip ko kung gaano ako ka-excited noon para rito. Halos naka-plano na nga ang lahat pero ito pa rin ang nangyari. Sa huli lumabas na assumera talaga ako noon pa man. "Pero kasi hindi ko matanggap na hindi ako nakasama man lang sa project na 'to. Sammy big break ko na sana 'to e, ito na 'yong magiging simula ng matagal ko ng pinapangarap tapos wala, hindi pa rin." Sagot ko sa kanya. "Isipin mo na lang na may mas maganda pang bagay ang ibibigay sa'yo, higit pa rito. Sabi nga nila, may right timing para sa lahat, hindi mo kailangan magmadali o kung ano pa man. Kusa 'yong darating." Sabi niya habang tinatapik ang balikat ko. Mas lalo tuloy akong nalungkot sa sinabi niya. Pakiramdam ko tuloy, huling huli na 'ko sa lahat ng bagay. I promised to myself by the time I turned 24 ay may sarili na 'kong bahay. I'm already 23 yet kahit lupa wala ako. I couldn't stop myself to compare my life to Avi's life. Siya kahit hindi magtrabaho may pera, may kakainin. Tapos ako, may trabaho na nga kapos pa rin. Laging dumadaan lamang sa mga palad ko ang suweldo ko tapos wala na. Ni wala nga akong mabili para sa sarili ko. "Hey," naudlot ang pag-iisip ko nang tapikin ni Avi ang balikat ko. Tumingin ako sa kanya at halos umabot sa kanyang tainga ang ngiti niya. Umayos ako ng tayo. "Congrats..." tanging nasabi ko. Peke akong nangiti nang mabilis niya akong yakapin ng mahigpit. Naramdaman ko ang paghalik niya sa aking noo. Hindi ko alam pero para bang hirap na hirap akong bitawan ang salitang 'proud ako sa'yo'. Tatlong salita lang naman iyon pero bumabara iyon sa lalamunan ko. Agad akong bumitaw. "Kumain ka na ba?" Tanong ko. Wala akong maisip na tanong o topic na puwede naming pag-usapan kaya iyon na lamang ang nasabi ko. Tumango siya. "Hindi pa," malawak pa rin ang ngiti niya. Ngumiti rin ako pabalik. "Tamang tama, may dala akong pagkain. Kain na tayo?" "May dala rin akong pagkain. Pinagbaon ako ni Mommy, kaya iyon na lang ang kainin natin." Sabi niya. Umawang ang labi ko roon pero agad din naman akong nakabawi. Sa tuwing may mga bagay siyang sinasabi na hindi ko pa nagagawa o nararanasan ay nanliiit ako. Para bang ang layo layo ko sa kanya sa lahat ng aspeto ng buhay. Tumango ako. "Sure," tanging sagot ko. Habang kumakain ay panay ang kuwento niya tungkol sa mga magulang at kapatid niya. Sa halos limang taon naming magkasintahan ay palagi na lamang akong naiinggit sa lahat ng bagay na mayroon siya maging ang pamilya niya. Sabagay naiiggit ako sa kanya at sa pamilya niya dahil iyon ang mga bagay na hindi ko nakukuha. Napa buntonghininga ako. Lumipas ang mga araw na busy ang lahat. Lalong lalo na si Avi. Palaging may meeting ang team niya para roon sa project nila. Hindi ko naman iyon alintana dahil professional talaga siya sa pagiging ganon at gusto niya lahat ay maayos at perpekto. "Aysel, paki-ayos naman 'tong blue print ng kabilang team." Si Vina ang isa pang head. Inilapag niya sa akin ang nakarolyong papel. Ngumiti ako at tinanggap iyon. "Sure. Wala naman akong ginagawa." Nakangiting sagot ko. Bubuklatin ko na sana ang rolyo ng biglang pumasok si Avi kaya parehas kaming napatingin doon ni Vina. Matamis siyang ngumiti sa akin. "Ay si Avi na lang pala Aysel, tutal nandito naman siya at mas kabisado niya ang lahat ng project..." ani Vina. Mula sa pagkakatingin ko kay Avi ay napunta iyon kay Vina. "Hindi sige, ako na ang gagawa nito. Wala rin naman akong ginagawa." Suhestyon ko. Pero hindi niya ako pinansin at tuloy tuloy siyang naglakad papunta kay Avi at inabot ang blue print. "Hintayin ko 'yan hanggang mamaya." Sabi ni Vina at saka tinapik ang balikat ni Avi. Akala ko ay hahayaan ako ni Avi na ako na ang gumawa, pero nagpaalam siya sa akin na pupunta na siya sa desk niya. Naisandal ko ang aking ulo sa upuan at napapikit nang mariin. Hindi ko alam kung anong magiging emosyon at dapat na maramdaman ko. Bumibilis ang t***k ng puso ko sa inis na para bang hindi sila sigurado sa kakayahan ko. Inggit at dissapointment. Iyon ang nararamdaman ko ngayon. Sa mga sumunod na araw ay para akong naging multo. Walang pumapansin sa akin dahil lahat sila ay busy at may sari-sariling ginagawa tapos ako naka-upo lang at naghihintay kung may papansin man sa akin o magpapatulong. Maging sa lobby, si Avi Sammy at Vina ang bida. Sila ang ganito, sila ang ganyan. Samantalang noong wala pa sila ay ako lagi ang takbuhan ng ilan, ngayon kahit isang ngiti wala akong napapala. Pakiramdam ko wala na akong silbi. Isang beses ay sumaya ang araw ko dahil may ibibigay na proyekto para sa team ko. Pero agad ding binawi ng mapagpasyahan nilang ang grupo na lang ni Sammy ang magha-handle noon. Inggit na inggit ako. "Ano bang problema?" Tanong ni Avi sa akin isang araw ng mag-usap kami sa rooftop ng building. Dalawang linggo na lang ay lilipad na sila pa-ibang bansa. Hindi ko na kaya at kaunti na lamang ay sasabog na 'ko sa lahat ng nararamdaman ko na hindi ko alam kung ano ang gagawin ko para mawala. Sila masaya tapos ako hindi maka-move forward sa trabaho dahil sa mga nangyayari sa akin sa kumpanya. "Let's break up," diretsong sabi ko sa kanya. Nakahawak ako sa buhok ko at sobra ang inis na nararamdaman ko. "What?" Hindi makapaniwalang tanong niya sa akin. Malakas ang hangin kaya naman tinatangay ang buhok ko. Huminga ako nang malalim at inulit ulit ang gusto kong mangyari. "Ayoko na Avi. 'Tigil na natin 'to," malumanay na pagpapaintindi ko sa kanya. Nung una ay natawa pa siya dahil akala niya ay nagbibiro ako. Nang makita niya akong sumeryoso ay naging ganoon din siya. Hindi bakas ang saya o kung ano mang emosyon ang nararamdaman niya ngayon. Isang Avi na nagtataka at kinakabahan ang nakikita ko ngayon. Peke siyang ngumiti. "Pero bakit? May nagawa ba 'kong hindi mo gusto? Nasaktan ko ba ang feelings mo? Feeling mo ba 'di kita inaalala?" Sunod sunod na tanong niya sa akin na puno ng pagtataka. Nakatingin lamang siya sa akin nang maigi pero ako, hindi ko magawa. Umiling ako. "Hindi. Napapagod na 'ko." Sagot ko sa kanya. Balak niya kong yakapin pero umiwas ako. Ngayon ko natingnan ang nangungusap niyang mga mata na tila ba nagsasabi na huwag kong gawin 'to. Na hindi niya naiintidihan ang gusto kong mangyari. Mariin akong umiling. "Puwede tayong magpahinga. Kung gusto mo puwede muna tayo mag-unwind o kaya para sa'yo, ipu-pull out ko 'yong pagiging leader ng team." Sabi niya. Kung iba akong babae at sinabi niya sa akin ito ay hindi ako magdadalawang isip na um-oo, pero hindi ako sila. Hindi ko ugaling magselos sa mga ginagawa niya. Naikuyom ko ang kamay ko dahil sa sinabi niya. Hindi ko alam pero sa tuwing nababanggit ang project na 'yon ay umiinit ang ulo ko. Sinamaan ko siya ng tingin. "Bakit anong akala mo? Nagseselos ako? Na simpleng pagod lang 'to na puwedeng ipahinga anytime? Hindi lang 'to basta pagod sa trabaho Avi!" Nanggigigil na sagot ko. Umaapaw ang galit at inis sa dibdib ko at hindi ko alam kung paano iyon pawiin. Humakbang siya palapit sa akin pero mabilis na umatras ako. "Then tell me what should I do para hindi ka mapagod." Mataas ang boses niya. Bakas rin ang ugat sa kanyang leeg sa diin ng pagkakasabi niya. Napapikit ako at napailing. "Hindi mo naiintindihan!" "Ipaintindi mo!" Sigaw niya pabalik. Huminga ako nang malalim at tinapangan ang dibdib na tumingin sa kanya nang diretso na walang nararamdamang pag-iyak. "Sa lahat na lang ikaw lagi ang magaling. Ikaw ang matalino, ikaw ang maaasahan. Bata pa lang ramdam ko na, na kulang ako sa lahat ng bagay. I strive hard sa lahat ng ginagawa ko pero laging wala akong napapala..." pag-uumpisa ko. Walang luha ang pumatak sa mga mata ko dahil ayokong maging mahina at sabihin sa kanya na nagda-drama lamang ako. Pigil na pigil ang emosyon ko at ayokong mahalata niyang nasasaktan ako sa ginagawa kong 'to. "Kahit minsan naman gusto kong maging magaling. Iyong hindi sila nag-aalangan kung mahusay ba ako o hindi. Inggit na inggit ako," mahina ang boses ko sa bandang dulo. "Aysel..." tawag niya sa pangalan ko. "Ang unfair lang. Bakit ang mga katulad kong ginawa na ang lahat lahat pero wala pa ring nakukuha sa dulo?" Tuloy tuloy na sabi ko sa kanya. Tahimik lamang siya at taimtim na nakikinig sa akin. Huminga siya nang malalim at tiningnan ako diresto sa aking mga mata. "Iiwan ko 'yong project para sa'yo," ani Avi. Umiling ako. "Hindi kailangan. Magre-resign na ako bukas, gusto kong magpunta ng Paris at magsimulang mag-painting." Diretsahang sabi ko sa kanya. Kahit papano ay gusto ko rin namang sabihin sa kanya ang magiging plano ko. Pagpipinta ang isa sa mga hobby ko kaya naman gusto ko pang maging bisaha pa roon at kumita kahit papaano. I want to explore more about arts, at sa tingin ko doon ako magiging masaya. Pakiramdam ko sa pagpipinta ay hindi ko kailangan madaliin ang lahat ng bagay gaya ng sinasabi ni Sammy dahil hawak ko ang pacing ng buhay ko. "Aalis ka ng bansa dahil lang diyan sa nararamdaman mo na hindi ka sapat? Bakit iyan agad ang solusyon mo? Puwede natin 'tong pag-usapan!" Bakas ang inis sa kanyang boses. Umiling ako. "Hindi mo naiitindihan Avi! Ang tagal kong naghihintay sa mga bagay na hindi naman pala sa'kin ibibigay. Ang hirap kapag marunong ka lang pero hindi ka magaling," pagpapaintindi ko sa kanya. Ilang minutong katahimikan ang bumalot sa amin pero agad niya ring iyong binasag. Diretso ang tingin niya sa akin. "Ilang taon ang kailangan mo?" Seryoso ang boses na tanong niya sa akin. Mula sa lapag ay sa kanya dumiretso ang tingin ko. Kumunot ang aking noo. "Ano?" "Ang sabi ko ilang taon ang gusto mong gugulin sa ibang bansa at sa pagpipinta mo," seryoso pa rin ang boses niya. Ni walang emosyon ang mababakas sa kanyang mukha. "Hindi ko pa alam." Simple ang sagot ko. "I will give you six years. After that ay babalik ka rito." May pag-uutos ang boses niya. Agad na nanlaki ang mata ko. "Para saan pa? Gusto kong magbagong buhay, 'yong walang sinusundan na plano. Gusto ko gawin 'yong mga bagay na hindi sinasabi ng ibang tao na dapat ay gawin ko. You just can't force me, hindi ikaw." Pinal na sabi ko. Mariin siyang umiling. "No. I will give you six years only to do what you want. After that ay babalik ka rito. I know sapat na 'yong anim na taon na 'yon para sa mga gusto mo. Mag-explore ka ng mag-explore, 'pag nagsawa at napagod ka na, bumalik ka sa akin..." seryoso pa rin ang boses niya. Napaawang ang labi ko pero agad din naman akong nakabawi. Iiling pa sana ako dahil hindi ko nagugustuhan ang suhestyon sa kung ano ang gusto kong mangyari sa buhay ko ay inilabas niya ang isang papel at ballpen. Nakatayo lamang ako at nakatingin sa sinusulat niya. Pagkatapos noon ay inabot niya sa akin ang papel at 'yong ballpen. Tiningnan ko siya nang masama at umiling ako na gawin iyon. "This is insane!" Akusa ko sa ginawa niya. Hindi niya puwedeng diktahan ang isang tao na gawin ang isang bagay na hindi naman niya ikakasaya. Hindi siya nakatiis kaya naman siya na ang nagbasa kung ano ang nakasulat sa papel. "Today is January 16 year 2014. Aysel only have six years to stay in Paris and do whatever she wants to do. No limitations. But after that six years she is required to go back here in the Philippines and settle down for life." Napanganga ako roon. Balak ko sanang kuhanin iyon sa kamay niya at punitin pero agad niya iyong nailayo sa akin. Pinirmahan niya iyon kaya naman inabot niya rin sa akin para sa pirma ko. "No I won't do that! You just can't dictate what should I need to do. Hindi puwedeng kung nasaan ka ay naroon din ako!" Asik ko. "E 'di kung nasaan ka, doon rin ako. Kapag hindi mo 'to pinirmahan mas hindi kita papayagan na umalis ng bansa. Ipapahold kita!" Banta niya sa akin. Sa sobrang inis at takot na baka hindi ako makaalis ng bansa ay pinirmahan ko na iyon at tinapon pabalik sa kanya. Itinupi niya iyon at hindi ko alam kung saan niya itatago iyon o ipapatago niya sa iba. Huminga na ako nang malalim at nilagpasan na siya para makababa. Hindi pa man ako nakakababa ay agad niyang tinawag ang pangalan ko. "Aysel..." malungkot ang boses na tawag niya sa akin. Agad akong lumingon at tinaasan siya ng isang kilay kung may sasabihin pa siya sa akin o wala na. "Maghihintay ako," simpleng sabi niya sa akin. Pagkasabi niya noon ay bumaba na ako at dumiretso sa table ko. Inayos ko ang gamit ko at dumiretso sa aming director. Nung una ay ayaw niya akong payagan pero no choice siya. Sinabi kong paalis na ako bukas at hindi na puwede pang mag-back out. "Mamimiss kita!" Si Sammy habang mahigpit ang yakap sa akin. Ganoon din ang ginawa ko. Nginitian ko siya. "Magkikita pa naman tayo soon!" Pagpapagaan ko sa loob niya. Bago umalis sa kompanya para umuwi at maghanda na ay kung anu-ano pa ang ibinilin niya sa akin. Dumiretso na ako sa labas at hinintay ang Grab na ni-book ko. Hindi ako nagpaalam kay Avi. Ni ang tumingin sa office kung saan kita ang table niya ay hindi ko ginawa. Nung dumating ang Grab ay sumakay na 'ko at sinabi ang address ko na hindi lumilingon kahit saan. But that was farly six years ago. Matagal na rin mula nung pinili kong manahimik at sundin ang gusto ko. Pero ganon pala 'yon 'no kahit pa pilitin mong lumayo o makarating kung saan, kung wala doon 'yong makakapagpasaya sa'yo, mananatili kang malungkot. Hindi ka magiging malaya kahit takasan mo. Kaya hanggang ngayon, wala akong ka-ide ideya kung ano ang nangyari. "Kailan mo ba matatapos ang huling painting mo?" Tanong ng Manager ng isang art exhibit. Kakagising ko lamang at iyon kaagad ang bumungad sa akin. Huminga ako nang malalim. Pinasadahan ko ng tingin ang kalendaryo sa likod ng pintuan. Huminga ako nang malalim at inipit sa aking tainga ang telepono. Tumikhim ako bago nagsalita. "Hindi ko pa ho masabi. Basta po ay kokontakin ko kayo." Sabi ko. Narinig ko ang malalim niyang hininga sa kabilang linya. Napakagat ako sa aking labi at napahawak sa aking buhok. Halos dalawang linggo ko nang ginagawa ang painting na iyon ngunit wala pa sa kalahati. At alam kong umiinit na ang kanyang ulo dahil doon, tapos ako hindi ko alam kung kailan ako tatamaan ng kasipagan. Nahihiya na ako sa kanya at sa Art exhibitors. "Sige sige. Just make sure matatapos iyan bago magbukas ang exhibit." Malumanay at naninigurado na boses niya. Ibinaba ko iyon pagkatapos sumagot sa kanya. Sa isang buwan na ang pagbubukas ng exhibit at may higit tatlong linggo na lamang ako para tapusin iyon. Inilibot ko ang aking tingin sa buong garahe. Nakatira ako sa garahe ng kaibigan ko. Apat na taon lamang ang itinagal ko sa Paris at tanging pamilya ko lamang ang nakakaalam na nandito na 'ko. Hindi naging madali ang lahat para sa akin sa Paris. Mahirap makisabay sa mga bagay na hindi mo naman nakasanayan at wala kang alam. Pagkatapos ng tawag ay tumungo ako sa maliit na ref na mayroon ang tinitirhan ko. Binuksan ko iyon at tumambad sa akin ang walang laman. Miski ang lalagyan ng tubig ay wala rin. "Ang malas mo naman Aysel!" Sabi ko. Maging ang galon ng tubig ay kasing gaan na ng hangin dahil walang laman. Alas onse na nang umaga at wala pa akong makain na kahit ano. Eleven ang gising ko sa araw araw. Pinupuyat ko ang aking sarili para makapag pinta. Kinuha ko ang perang pinagkakatago tago ko. Isang libo na lamang iyon at mahigit tatlong linggo pa bago ako bayaran para sa painting na ginagawa ko. Dumiretso ako sa tindahan na nasa tapat ko lang naman. Bumili lamang ako ng cup noodles at tubig saka mabilis na umuwi at nagpainit ng tubig. While eating my phone beep. It's a call. "Hello?" I asked. Si Sammy ang tumawag sa akin ang may ari ng garahe na 'to. Siya rin ang nagpasok sa akin sa isang art exhibit. Nang umalis ako ay nag-iba na rin siya ng propesyon. "Aysel, kumusta ka na?" Inipit ko sa aking tainga ang cellphone at nagpatuloy sa pagkain. Two times a week kapag tumatawag siya. Suminghap ng hangin ang aking baga. "Okay naman. Sammy pasensya na, tatlong linggo pa mula ngayon bago ko mabayaran ang utang ko." Halos sampung libo ang utang ko sa kanya. Ginamit ko ang perang 'yon kapag nauubusan ako ng gamit sa pagpipinta. Narinig ko ang ingay sa background niya. "Sus naman Aysel. Ayos lang, hindi ba't sabi ko bayaran mo na lang kapag nakaluwag ka na. Hindi ko pa naman kailangan sa ngayon." Tumango ako kahit na hindi niya iyon nakikita. Thankful ako na naging kaibigan ko siya. Kung wala siya, hindi ko alam kung saan ako pupulutin ng makabalik ako rito. Sa loob ng anim na taon ay parang nasa impyerno ang buhay ko. Halos isuka na ako ng bangko kakautang, para may maipang-gastos. "Thank you talaga. Ikaw ba kumusta ka na?" Pagbalik ko ng tanong. Minsan lang din kasi siya umuwi rito sa kanilang bahay dahil medyo hindi sila okay ng nanay niya. Biglang naging excited ang kanyang boses. Nakunot naman ang noo ko at palihim na natawa. "Ito nga, tumawag ako kasi nag aaya ng reunion 'yong mga kasamahan natin dati sa trabaho." Pagsisimula niya. Napatigil ako sa pagkain at sa kanya tinuon ang aking atensyon. Umayos ako ng upo at humilig sa sofa na inuupuan ko. "E 'di maayos..." sagot ko. "Tapos ibibigay ko sa'yo 'tong invitation!" Excitement is invisible in her voice. Nagsisimulang lukubin ng kaba ang aking dibdib. Nakunot ang aking noo. "Invitation? Para saan?" Takang tanong ko. Siguro naman ay hindi na iyon kailangan pa sa gaganaping reunion kung kami kami lang din. Hinintay ko ang sagot niya. "Si Avi..." mas lumakas ang ingay sa background niya. Ngunit mas rinig ko ang tahip ng aking dibdib dahil sa pangalan na 'yon. Anim na taon na rin mula ng marinig ko ang pangalan niya. Tinupad niya ang pangako niya na wala akong limitations para gawin ang gusto ko. Na walang sino ang makikialam. Pagkaalis ko noon sa kumpanya ay wala na akong narinig na balita tungkol sa kanya. I feel the rapid beat of my heart. "A-Anong meron?" Nauutal na tanong ko. Umayos ako ng upo habang inaantay ang kanyang isasagot. "Avi is getting married." Excited na balita niya. It was like a party popper na sumabog sa mismong harap ko. I was stunned, more on suprised. It felt like a knife. It was like a ticking time bomb, that explodes infront of me. I can feel my heart beats in an abnormally rythm and my blood pulses in different circulation inside my body. "Good for him," Sagot ko. I squeeze my eyes shut and feel the rapid beat of my heart. "Sasabihin ko sa kanya. Kaya ikaw bumyahe ka na papunta rito." Anyaya niya. "Hindi ko pa alam..." hindi ko kaya. Hindi ko alam kung paano 'yon mangyayari. Humugot ako nang malalim na hininga. "Susunduin kita kung pamasahe ang iniisip mo." Suhestyon niya. "Naku hindi na... sige isisingit ko sa schedule ko." Palusot ko. Sobra sobra na ang tulong na naibigay niya, ayos na iyon ayoko nang dagdagan pa. Ayokong maging pabigat. Narinig ko ang tawa niya sa kabilang linya dahil sa aking sinagot. Napahawak ako sa tulay ng aking ilong. I feel frustrated na hindi ko alam. Nang makuntento ay nagpaalam na siya sa akin. Maya maya'y ibinaba na niya nang tuluyan ang tawag. Nagpaalam ako sa kanya at nagpasalamat sa pagkumusta. Napapikit ako at napansandal sa sofa. Hinayaan kong makasagap ng hangin ang aking baga upang madaluyan ang aking katawan. I let out a sigh. Hindi ko alam kung paano ko sila haharapin. Iniisip ko pa lamang ay parang gusto ko ng umatras. Sila ang gaganda ng trabaho, tapos ako, ito baon sa utang, naghihirap sa pagpipinta. At hindi alam kung saan na nakarating ang buhay. Akala ko tutuparin ni Avi 'yong sinabi niya na maghihintay siya. And now He's getting married.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
104.4K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.3K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.6K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.6K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.5K
bc

The naive Secretary

read
69.8K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook