Pagkatapos naming kumain ni Ann ay naghiwalay na rin kami dahil magka-iba ang trabaho namin pareho. Kaka-text lang din sa akin ni Diego na mamayang after work daw ay magdi-dinner date kaming dalawa pambawi niya manlang sa akin. "How are we going to participate on the event, Cel?” tanong ko naman kay Celine nang makabalik na ako sa office. “Uhmm, Lady Jane told us na mage-email lang daw ang kompanya sa atin then we’ll fill the form up tapos ipapa kay Miss Lavender,” tugon niya naman. Napatango nalang ako at tumingin sa desktop ko kung pursigido na ba talaga akong sasali, since hindi lang naman for haute couture ang gagawin ko. Marami pang trabahong tatapusin for the release of apparels every month. “Uhmm, what about the overall production, hindi ba’t hand-sewn and should be unique mate

