"Welcome back, Isabella! Congrats!" Napangiti naman ako pagkapasok ko ng office dahil sa mainit na pagtanggap sa akin ng mga workmates ko. Ilang araw ko rin silang hindi nakita kaya na-miss ko rin silang lahat. "Thank you!" sambit ko sabay tingin kay Sir Zacky na nakangiti sa akin. "Thank you rin po, Sir Zacky. Ang dami n'yong naitulong sa akin habang nagtatrabaho ako rito." He smiled at me. "I'm glad I could help someone who is very talented like you, Isabella. Who would've thought na ang pinapasok dito sa team ko bilang isang graphic artist ay may talento pala sa fashion design at sewing." "Hindi ko nga rin po akalain na ito ang magiging calling ko," pahayag ko naman at tumungo na sa desk ko. Na-miss ko rin 'tong desk ko dahil matagal din akong hindi nakabalik dito. Umupo na ako at

