NOAH RUSSELL
NGAYONG araw na ang alis namin ni avery papuntang canada dahil bukas na ang birthday ni mom. And I'm here right now at the parking lot waiting for my avery ng bigla na lamang sumulpot ang taong kina-iinisan ko ilang araw na ang nakalipas.
"Hi bro!" Bati niya sa'kin habang dala-dala ang malaking maleta.
"What are you doing here?" Inis kong tanong sa kanya habang naka-pamulsa. Galit ako sa kanya dahil nginitian niya ang babaeng gusto ko. Yes, I have already admitted to myself that I like her. Because every day that I get to spend with her in the office, I feel like my day is always complete.
"Ano pa ba? Edi sasabay sa inyo!" Sabi nito sabay lagay ng gamit niya sa likod ng sasakyan.
That monkey is really a shameless.
"Didn't I tell you that you can't go along with us, dahil hindi tayo ka-kasya sa sasakyan?" I just don't want him to be here because I'm sure that he's going to talk to my Avery again.
"Are you kidding me? Sa laki ng sasakyan di tayo kasya?" Sabi pa niya. "At limousine pa talaga ang gagamitin mo? Wow! sana all nalang! Mag-papahatid ka lang sa airport limousine pa talaga ang gamit mo?" Dag-dag niyang sabi.
"Whatever!" Sabi ko nalang nang makita ko si avery na papalapit na sa amin.
"Ah, kaya naman pala!" Sabi ulit niya. Di nalang tumahik eh! Ang ingay!
"Hi pretty!" Sabi ni axel. Lalapit na sana ito kay avery ng unahan ko siya.
"Give me your things, ako na mag-lalagay nito sa loob." Sabi ko sabay kuha sa mga gamit niya at hindi na siya hinayaang makapag-salita pa.
"You'll sit beside me." Sabi ko nang makapasok kami sa sasakyan. Wala naman siyang kibo at sumunod nalang.
Habang nasa byahe kami ay panay ang sulyap ni Axel kay avery na ngayon ay naka sandal sa balikat ko habang natutulog.
"Gisingin mo na, malapit na tayo." Said axel and glance at avery one more time.
"Later, pag nasa airport na tayo." I said. Narinig ko pa ang mahinang tawa ni axel pero 'di ko nalang pinansin.
When we arrived at the airport, I took avery's things from the car. Ayukong mag buhat siya ng mabibigat, kaya ako na mag-dadala. I have a driver to carry our things, pero gusto kong ako ang magbuhat ng gamit ni avery.
××××××××××
NASA EROPLANO na kami. Iniisip ko ang magiging reaction ni mommy kapag nakita niya si avery sa personal. Sabi pa nga ni mommy sa'kin, I'm so excited to meet this girl na nagpapatibok ng puso nang big boy ko. 'Yun ang sabi ni mom the last time we talked. Nagtaka pa nga nun. Paano niya nalaman e wala naman akong pinagsabihan na kahit na sino sa nararamdaman ko.
"Does tita know that you will be bringing someone with you?" Basag ni Axel sa katahimikan.
Tumango ako sakanya habang nakapikit. Katabi ko ulit si avery dahil tulog na naman ulit siya.
"Oh, talaga ba?" Sabay tawa nang mahina ng unggoy kong kaibigan na hindi man lang mapakali kapag hindi nakakapag salita kahit ilang minuto lang.
Tiningnan ko siya ng masama dahil ang ingay niya.
"Why don't you just sleep? Nakaka istorbo ka na sa tulog ng iba!" May pagka-iritang sabi ko.
Buti nalang hindi na nagsalita ang kaibigan ko. Kaya natulog nalang din ako sa byahe.
Pag-gising ko ay sakto namang kaka-lapag lang ng plane. When I turned to my side, I saw that Avery was already awake, looking at me bashfully.
"Sorry, I slept in your arms." She said. Ngumiti lang ako sa kanya sabay pisil ng pisngi niya na ikina-tigil niya pati na din ako.
What the f**k?! I cursed. Bakit ko ginawa 'yun? nababaliw na ba ako?
"Let's go?" Sabi ko nalang dahil namumula na siya ng tingnan ko. Ako na din ang kumuha ng gamit niya para hindi na siya mahirapan.
"Are you hungry? You want to eat somewhere bago tayo pumunta sa bahay ni mommy?" Tanong ko. Hindi kasi siya kumain ng gisingin ko siya kanina habang nasa airplane pa kami.
Umiling siya, kaya pinasakay ko nalang siya sa sasakyan na sumundo. Limousine din ni mommy ang sumundo sa amin.
While we were on the way to my mom's house here in Canada, I saw that Avery was restless in where she was sitting. Sobrang lamig ng kamay niya ng hawakan ko ito.
"Malapit na tayo." Saad ko. She turned her gaze to me and smiled, but it was obvious on her face that she's nervous. I smiled to assure her that it's fine, dahil hindi naman nanga-ngain ang mommy ko.
After a few minutes, we arrived at my mommy's home "Come here." I said as I extended my hand to her. Ngumiti naman siya bago tinanggap ang kamay ko. Pinagpapawisan ang kamay niya habang hawak-hawak niya ang kamay ko. She's really nervous.
When we went inside the house, I saw mom waiting in the living room with a big smile on her lips.
"Hi mom," Bati ko sabay halik sa pisngi niya. She hugged me and I hugged her back.
"How are you my big boy?" Tanong ni mom.
"Very well mom, how about you? Okay ka lang ba talaga dito?" Tanong ko habang naka yakap pa din siya sa'kin. Hindi siya nagsalita. She let go of me, her eyes were focused on my back. Kaya naman pala hindi na sumagot si mom, dahil nakita niya si avery.
"Who is she?" Mom asks while looking at avery. I looked at mom's serious face while staring at avery. Nang tumingin ako kay avery, nakayuko na ito.
"Mom, you're scaring her." Alam kong nagbibiro lang siya. Pero ayokong matakot si avery baka mamaya bigla nalang siyang umalis at iwan ako dito.
Tumawa si mom ng mahina. Then, she came over to avery and kissed her on the cheek and hugged her.
"I am just kidding iha, kilala na kita bago ka pa isama dito ng anak ko." Nakita kong natigilan si avery na ikinatawa ko. Ang ganda niya talaga.
"Welcome to the family sweetheart," Sabi ni mom na mas lalong ikinalaki ng mga mata niya. Tumingin si mom sa'kin na may panunukso. Umiling nalang ako sa kanya dahil alam ko na ang pinupunto niya.
"Hi tita, ako po ba hindi niyo ako e we-welcome?" Singit pa ni axel. Natawa naman si mom sabay lapit kay axel at niyakap ito.
"Nandito ka pala?" Biro na tanong ni mommy. Nalukot naman ang mukha ni axel, kaya sabay na kaming natawa ng mahina ni mom.
"You invited me tita!" Reklamo pa ni axel.
"I didn't," Pang-aasar pa lalo ni mom kaya mas lalong sumimangot si axel. Mom, invited us to eat dinner dahil 6pm na naman din kami dumating.
While we were at the dining table, mom kept asking Avery a questions na sinasagot naman agad ng dalaga.
"So, where are your parents iha?" Tanong ni mom na ikina-tigil ni avery sa pagsubo ng pagkain. I saw the sudden sadness on her face.
"In heaven, 5 years ago when mommy died due to cancer. Sumunod si daddy 1 year after, dahil hindi na kinaya ng katawan niya siguro dahil sa lungkot ng mawala si mommy." malungkot na sabi niya. Hinagod ko ang likod niya para kumalma.
Avery is a strong woman because she has overcome everything that has happened in her life.
"Oh, I'm sorry about that iha," Saad ni mom at lumapit kay avery para yakapin ito. I saw tears in avery's eyes while hugging mom.
"If you need someone to talk to, I'm willing to listen." Sabi ni mom kay avery.
"Pwede mo din akong tawaging mommy kung gusto mo." Dag-dag pa na sabi ni mom kay avery.
"Thank you po tita." Saad ni avery.
"Ay, bakit tita? Sana mommy nalang ang itawag mo sa'kin, para masaya," Nakasimangot na sabi ni mom na parang bata, na ikinatawa naman si avery.
Pagkatapos naming lahat kumain ay napagpasyahan naming sa living room nalang mag tambay. Nag kwentuhan kami saglit bago namin mapag-disisyonang magpaalam sa isa't-isa.
"Good night iha, tawagin mo lang kami kapag may kailangan ka, okay?." Sabi ni mom ng maka-akyat kami.
"Good night din po tita, thank you po ulit." Saad ni avery. Mom walked towards avery and kissed her on the forehead before going into her room. Nahihiya namang nag baba ng tingin si avery ng makita niya ako.
"Looks like mom has a new favorite. Hindi manlang nag good night sa'kin." Biro kong saad.
"Uhm... Good night sir, magpapahinga na po ako, kayo din po magpahinga na din." Saad niya. She was about to open her door nang tawagin ko siya.
"Avery, can I have a request? Pwede bang wag mo na akong tawaging sir or boss, just call me by my name." Ilang beses ko na bang sinabi sa kanyang wag akong tatawaging sir or boss, pero hindi talaga niya sinunod. Minsan nga naiinis na ako kapag tinatawag niya akong boss or sir.
"But you're my boss, I am just your secretary." Saad niya.
Napapikit nalang ako dahil yan palagi ang sagot niya.
"But we're not in the company. Wala tayo sa trabaho kaya tatawagin mo ako sa pangalan ko. And that's final, and there will be a consequences kapag hindi ka sumunod." saad ko.
Kumunot naman ang noo niya habang Naka tingin sa'kin.
"Kapag tinawag mo pa akong 'sir or boss' I will kiss you." Sabi ko ng hindi siya magsalita.
Nakita ko ang panlalaki ng mga mata niya sa sinabi ko.
"Good night." Saad ko sabay pasok sa kwarto ko na katabi lang ni avery.
##########
XOXO 😘