ᴄʜᴀᴘᴛᴇʀ 4

1593 Words
AVERY BEATRICE NASA HIGAAN na ako when I decided to open the invitation that Mr. Grumpy gave me. Hanggang ngayon naiirita pa din talaga ako kapag naiisip ko ang babaeng yon! Like duhh, bingi ba siya or talagang manhid lang? Sinigawan na nga siya kanina nang pumasok siya sa office ni mr. grumpy nang hindi kumakatok eh. When I took out the invitation from its small envelope, nanlaki agad ang mga mata ko nang makita ko ang address nang invitation. Like seriously? in Canada talaga? akala ko pa naman dito lang sa pilipinas kaya pumayag nalang ako na pumunta sa birthday ng mom niya kahit na napipilitan lang ako. Pero ngayon ayoko ko nalang mag talk, parang gusto ko nalang bawiin na hindi ako makakapunta. Pero ano naman ang idadahilan ko? Argh! Makatulog na nga baka ma stress pa ang beauty ko! I was about to close my eyes when my phone suddenly rang. I answered it without even looking. "Seriously Bruha? kung kailan pa-pikit na ako saka ka pa talaga tatawag!" I shouted without looking at my phone. Kasi alam kong si abby lang naman ang tatawag sa ganitong oras. It's already 10pm, ganito kasi siya minsan, kung kailan patulog na ako saka siya tatawag. A long silence before I heard a familiar voice. "It's me, I just wanna say goodnight." Sabi ng nasa kabilang linya na-ikinalaki ng mga mata ko. Tiningnan ko ang phone ko at napasabunot nalang ako sa sarili kong buhok ng makita ko kung sino ang ka phone call ko. Mr. Grumpy 'Yun ang nakalagay na pangalan. "Uhm...G-good night din po sir, I'm sorry din po akala ko kasi kaibigan ko ang tumawag. Sorry po ulit." Sabi ko nalang. Buti nalang binaba niya agad ang tawag pagkatapos mag sabi ulit ng 'goodnight'. Humanda ka talaga sa'kin abby! Bruha ka! ×××××××××× WHEN morning came, para na akong zombie dahil hindi ako nakatulog ng maayos. Kaya naman nag lagay nalang ako ng make up to cover the black thing under my eyes. Pagdating ko sa office ay ganun pa rin mas nauna pa ang boss ko kesa sa akin. At binigyan na naman niya ako ng kape. Naninibago na tuloy ako sa kanya. Dati kasi sobrang sungit niya. Ngayon naman…..haysss. I don't know pero habang tumatagal ay na e-enjoy ko na ang pagiging secretary ko dito. Pagka-upo na pagka-upo ko agad-agad akong dinalaw ng antok. So I decided to take a nap nalang, even just for a short while, dahil mamayang 2pm pa naman ang meeting ni mr. Grumpy. "Mommy, how do you know if you're in-love ?" The girl asked her mother. "Mararamdaman mo 'yun sa tamang panahon. But remember princess, when it comes to love, dapat handa kang masaktan dahil ganoon ang ang pag-ibig. There is no perfect. Marami kang pagsubok na dadaanan. Katulad samin ng daddy mo, matagal bago kami nakarating kung saan kami ngayon. Marami kaming pinagdaanan, kaya ikaw be patient, wag padalos-dalos sa desisyon mo pag dumating na yung panahon na magmamahal ka na dahil pagdating sa pag-big you have to sacrifice kahit gaano pa kasakit 'yun." I woke up when I felt someone caressing my cheek. Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko. Nakita ko si sir na nakatayo sa harapan ko kaya naman tiningnan ko ang relo ko. Nanlaki agad ang mga mata ko sabay tayo dahil 20 minutes nalang before 12pm. s**t! Napasarap yata ang tulog ko! "Why are you smiling while you were sleeping?" He asked. Magkasalubong ang mga kilay na para bang sinasabi na kapag sumagot ako ng mali ay humanda ako sa kanya. "Uhmm... may napanaginipan lang po." I said. "Sorry po sir hindi na po mauulit, sorry po kong naka-tulog ako habang nasa trabaho." Sabi ko sabay yuko. "Come with me." He said using his masculine voice, then turned his back on me. Kaya naman agad akong kumaripas ng sunod sa kanya hanggang sa makapasok kami sa elevator. Kami lang na dalawa ang pwede sa elevator na'to dahil may separate elevator naman ang mga empleyado. "Where are we going sir?" I asked when we got out of the elevator. "We're going to eat lunch." Sabi niya kaya tumahimik nalang ako. Nakakahiya dahil ang daming nakatingin sa amin or kay sir yata? Paano hindi titingin eh ang gwapo pa din kahit na magkasalubong ang mga kilay habang nag lalakad ng walang emosyon ang mukha. Di naman siya ganyan pag kami lang eh. Nevermind na nga lang. Nakarating kami sa isang mamahaling restaurants. 'Harris Restaurant' Basa ko sa pangalan ng restaurant na sobrang ganda at laki na hanggang 10th floor yata ang taas. "Good afternoon sir!" Masiglang bati nang babae na halatang nagpa-pacute pa sa boss ko at hindi man lang ako pinansin. "Table for two 10th floor." Sabi ni sir na hindi man lang ngumiti at tumingin sa babae. Buti nga sayo ang harot kasi eh! I said inside my head when I noticed that the woman's smile vanished. Tinaasan ko ito ng kilay, ng bumaling ito sa gawi ko. Pagkataposay sumunod na ako kay Mr. Grumpy. I'm not familiar with this place kaya naman si Mr. Grumpy na ang nag order ng food para sa'kin. Habang hinihintay namin ang pagkain, someone suddenly appeared in front of us. Isang gwapong lalaki na kulay green ang mga mata, matangos ang ilong, at matangkad din sya. But of course Mr. Grumpy is more handsome than this man in front of us. I noticed that the man was staring at me. Napalingon ako sa kabilang side. I was taken aback when I realized that Mr. Grumpy was also staring at me with a brooding expression, na parang may ginawa akong masama. napaiwas nalang tuloy ako ng tingin. "Hi bro! So who is this beautiful young lady na kasama mo? Is she your girlfriend?" Tanong ng lalaki kay Mr. Grumpy. Ako naman ay napa-tingin sa lalaki na matamang naka-titig sakin. "I'm his secretary, sir." Ako nalang ang sumagot ng hindi magsalita ang boss ko.. "Oh, akala ko girlfriend niya. Magpapa-party na sana ako kasi finally nagkaroon na din to ng love life. Pero mali pala ang hinala ko." Saad nito sabay tawa na nagpa-ngiwi sa'kin. "So.. what's your name pretty?" Tanong nito sabay lahad ng kamay para makipag shake hand. "Avery Beatrice Paterson." Nanlaki ang mga mata niya dahil sa huling sinabi ko. "Do you know Aviann Matthew Paterson?" Tanong niya na ikinalaki ng mata ko sabay kagat ng labi ko. s**t! Kinakabahan ako! Sana mali ang naiisip ko! "I'm Axel Brandon Harris, the owner of this restaurant." Sabi niya sabay ngiti at umupo sa kabilang upuan at humarap kay Mr. Grumpy na masama ang pagkaka-tingin kay sir Axel. "So, kailan ka pupunta sa canada? Biba birthday ni tita this coming friday? Makikisabay nalang ako sayo kasi pinapapunta din ako ni tita." Saad nito. "Hindi ka pwedeng sumabay may kasama ako." Sabi ni Mr. Grumpy sa malamig na boses. Then he looked at me with his soft eyes. "Oh.. pwede naman akong sumabay, ang laki kaya ng airplane mo. I'm sure naman na kasya tayong tatlo dun, at para hindi na din ma boring kung sino man ang kasama mo dahil di ka naman kumikibo." Sabi nito sabay tingin ng maka hulugan sa'kin. "Can you just leave us alone, nakaka-istorbo ka na!" Sabi ni Mr. grumpy na ikinatawa ng kaibigan niya dahil sa pag susungit nito. Buti nalang at umalis din si sir axel dahil may importante pa daw siyang pupuntahan. Kami naman ni Mr Grumpy, kumain nalang kami ng tahimik. Pagkatapos naming kumain ay nag lagay lang siya ng pera sa lamesa at nag-yaya nang umalis para sa meeting niya. ×××××××××× NANDITO ako sa office ni Mr Grumpy ngayon habang hinihintay siyang matapos sa meeting niya sa conference room. He didn't let me go with him because he said there were only men in the meeting. Kaya dito nalang niya ako pinag-hintay sa office niya. I got bored, so I decided to stand up and take a walk. As I looked around, my attention was drawn to a picture frame on Mr. Grumpy's desk. Nang tingnan ko ito ay namangha ako dahil sa nakita ko. Isang medyo may edad na lalaki at babae na nakayakap kay Mr. Grumpy habang si Mr. Grumpy naman ay nasa gitna. Mr. Grumpy got the woman's eye color, while his nose, skin, and overall facial features resemble the man whom I believe is his father. They bear a striking resemblance to each other, except for their eyes. Habang hawak-hawak ko ang picture frame ay biglang may tumikim sa likuran ko kaya muntik ko nang mabitawan ang hawak ko. Buti nalang mahigpit ang pagkakahawak ko sa picture frame. Binaba ko ito nang dahan-dahan bago ako lumingon. "I'm sorry sir, kong pinakialaman ko po ang gamit niyo." k Kinakabahan na sabi ko. Shit! Baka magalit s'ya. "Not a problem." Sabi niya kaya nag angat ako ng tingin. "By the way, you can go home now. My meeting is over, and besides, you don't have anything else to do, right?" Sabi ulit niya, kaya naman umali-walas ang mukha ko dahil hindi siya nagalit sakin at makaka-uwi rin ako ng maaga. Finally makakauwi na naman ako ng maaga. Kaya ang sarap maging secretary niya e, hindi ka na nga pinapagod sa trabaho nakaka-uwi pa ako ng ma-aga. "Thank you sir, alis na po ako!" Masiglang paalam ko dahil gusto ko nang magpahinga. He just nodded so i left his office immediately. ##########
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD