Chapter 1

3205 Words
༻❝ SAMIRRAH ❞༺ Sa kabila ng jetlag na nararamdaman ko sa sobrang haba ng byahe, napatagpuan ko na lang ang sarili ko na tulala nang nasa harap namin ang tirahan ni Mr. Lombardi. May mga lalaking naka-amerikanang itim na may suot din silang earplug ang lumapit sa sasakayan na nasa likuran ko. Isa-isa din nilang inilabas ang bagahe na nasa likod na compartment ng sasakyan kung saan kami sumakay kanina. Alam kong mayaman siya at malawak ang impluwensya ng pamilya niya. Inaasahan din na malaki ang bahay kung saan kami titira. Pero ang hindi ko naman inaasahan ay isang Kastilyo pala itong titirhan namin! At wala rin akong ideya kung ilang hektarya ang lapad ng buong lugar na ito! Malawak na nga courtyard sa harapan ng bahay niya na kailangan pa ng sasakyan mula gate para makarating dito, papaano pa kaya sa bandang likuran ng malaking Kastilyo na ito? Naunang umakyat sa hagdan sa naturang Kastilyo si Mr. Lombardi. Nakabuntot naman sa kaniya ang mga tauhan niya na may dala ng aming bagahe. Kusang nagbukas ang malaki at malapad na pinto. Lumabas mula doon ang isang matandang lalaki na base sa kasuotan nito ay isa siyang butler. Mabilis na pumasok sa loob ang mga lalaki, dala ang mga gamit ko at gamit niya. Marahan itong pumikit saka yumuko nang bahagya para batiin si Mr. Lombardi. Rinig ko ang pag-uusap nila sa lenguwahe na hindi ko maitindihan. Hindi rin nagtagal ay pareho silang lumingon sa aking direksyon. Nilapitan ako ng matandang butler saka marahan itong yumuko sa akin bilang pagbati. Samantalang si Mr. Lombardi naman ay kunot ang noo sa hindi ko malaman na dahilan. "Good day, Mrs. Lombardi. I'm Eugenio Savalez, I'm the head butler in this castle. Feel free to call me Eugenio." magalang na pagpapakilala niya sa akin. Tumayo na ito nang tuwid. "And starting today, I am going to serve you as well as part of the Lombardi family." Bahagyang umawang ang aking bibig. Dahan-dahan akong tumango. "T-thank you." ang tanging nasabi ko. Kinagat ko ang aking labi saka tumingala kung nasaan si Mr. Lombardi. Kita ko kung papaano niya binawi ang kaniyang tingin saka dumiretso na siya sa pagpasok sa loob ng Kastilyo. Huminga ako ng malalim para maibsan ang kaba na aking nararamdaman. Hindi ko rin maitago na sadyang kinakabahan ako. This is the first time I am going to live far away from my family, at talagang sa ibang bansa pa. Kaya paniguradong malaking adjustments ang mangyayari sa akin sa oras na dito na talaga ako titira. Bukod pa doon, kailangan ko mag-isip din ng paraan para maka-survive ako sa kasal na ito. Pero may parte din sa akin na nasisiyahan ako. Rinig ko na rin ang pagtawag sa akin ni Eugenio, inaaya na niya akong pumasok sa loob. Naitanong pa niya sa akin kung ano ang unang gusto kong gawin. Mapait akong ngumiti. "Can I take some rest for a while?" sabi ko nang tuluyan na kaming nakapasok sa loob ng Kastilyo. Natigilan lang ako nang tumambad sa amin ang lobby ng Kastilyo na ito. Agad gumuhit ang pagkamangha sa aking mukha nang masilayan ko ito. Malawak at eleganteng tingnan ang lobby na ito. Hindi lang 'yon, napukaw din ng aking atensyon ang malaki at eleganteng chandelier na nakasabit sa itaas. Sa puntong ito, para akong pumasok sa isang five star hotel. Nakuha din ng aking pansin ang mga mamahalin at magagandang painting na nakadikit sa pader. Kahit ang mga plorera na naririto ay sumisigaw din sa karangyaan. It was like it's worth a million dollar each items of these! ". . .And of course, Mrs. Lombardi. The lady's bedroom is already prepared upon your arrival. If you permit, let me lead the way." nanatiling malumanay na wika ni Eugenio nang sambitin niya iyon. Hindi rin nawawala ang pagiging pormal niya. Awtomatiko akong tumango. Nagsimula na muli kaming naglakad para marating na namin ang Master's bedroom na kaniyang tinutukoy. Pero ang mga mata ko, parang ayaw iwan ang mga kagamitan na naririto. Because I like arts, nakuha ng mga ito ang interes ko nang basta-basta. Tuluyan nang nabawi ang aking tingin nang umaakyat na kami sa mapalad at paikot na hagdan na pinatungan din ito ng carpet kaya komportable akong nakakaakyat hanggang sa narating namin ang second floor. Ang akala ko ay sa baba lang ako makakita ng mga paintings at mga sculptures, meron din pala dito. Nakadikit ang mga iyon sa pader ng malawak na pasilyo ng Kastilyo. Bukod doon ay hindi ko rin mapigilan na mapatingin sa bintana na bawat nadadaanan namin. Lihim ako napasinghap nang makita ko ang maganda at malawak na hardin. Nasa gitna naman nito ang isang mataas at malawak na fountain. Estatwa ng isang babae, she's looks like a Greek Goddess who's holding a jar on her shoulder. Animo'y nanggaling sa banga na 'yon ang tubig na rumaragasa sa buong fountain. Bukod pa doon, marami rin ang iba't ibang mga halaman at mga bulaklak na nakatanim dito. Mayroon ding mga puno, it's like an oak tree. "And we're here, Mrs. Lombardi." Eugenio announced as we reached the bedroom. Kusa akong tumigil sa kaniyang harap. Nasa harap na namin ang double door bilang entrada ng silid. Hindi maitanggi na antigo na ito sa aking paningin. Mukhang na-preserve ito nang husto. Siguro gusto nila na may bakas ng nakaraan ang ilang muwebles ang lugar na ito. It's part of historical past anyway. Pinapanood ko siya habang pinihit niya ang pinto. Dahan-dahan niyang itinulak ang pinto. Nang lumaki na ang awang ng pinto ay bahagya siyang humarap sa akin saka nilahad niya ang kaniyang palad sa direksyon na nasa loob. Para bang sinasabi niya na maaari na akong makapasok so I did. Nagpakawala ako ng hakbang papasok sa loob. Dahan-dahan kong iginala ang aking paningin sa loob ng malawak at organisadong silid na ito. Bakit parang. . . Pang-prinsesa ang set up ng lugar na ito? Bakit parang walang bahid na may lalaki na matutulog sa lugar na ito? Even the curtains here, makapal and it looks vintage. Agad akong hinarap si Eugenio na nasa aking likuran. "Are you sure. . . I am going to sleep here?" paniniguro ako. Tumango siya. "Yes, Mrs. Lombardi. As what Young Master's request, we need to preserved the royal families' traditions. You two are going to sleep in separated rooms. But don't worry about that, he promised he will pay some visit here.' Naniningkit ang mga mata ko na may kasamang kunot-noo. Hindi ko na masundang ang mga sunod na pagpapaliwanag ni Eugenio. Mas lalo ng hindi ko maitindihan kung bakit may pumasok na royal family sa kaniyang paliwanag? Traditions? What? Mas lalo na ngayon ko lang narinig na dapat ay magkahiwalay ang mag-asawa sa pagtulog. ** Nagising na lamang ako nang may narinig akong sunud-sunod na pagkatok. Medyo gumalaw ako saka marahan kong idinilat ang aking mga mata. Bahagya akong bumangon. Agad ko binalingan ang bintana ng silid na ito. Halos wala na akong makita doon dahil sa dilim. Sunod ko binalingan ang orasan na nakadikit sa pader. It's already seven thirty in the evening?! Bigla ako sinapian ng pagkataranta. Agad kong hinawi ang makapal na comforter na nasa aking katawan. Umalis ako sa ibabaw ng kama. Madali kong dinaluhan ang double door ng silid. Tumambad sa akin ang isang babae parang kasing-edad ko lang. Nakasuot siya ng maid costume as her uniform. Medyo ipinagtataka ko lang kung bakit hindi siya banyaga sa mga mata ko. She looks like a native Filipina! Napansin ko rin na may dala rin siyang damit o bestida? "Ah, magandang gabi po, Mrs. Lombardi." masiglang bati niya sa akin. At tama nga ako! "G-good evening. . ." mahina kong balik-bati sa kaniya. Hindi nabubura ang ngiti sa kaniyang mga labi. "Dala ko na po ang damit pampatulog ninyo pati na rin ng mga damit pamalit ninyo. Pinapasabi rin po ni Sir Eugenio, si Young Master Federigo po ay pababa na rin sa Dining Area. Pero gusto po ninyo na dito na lang po kakain, hahatiran ko na lang po kayo." kahit sa boses niya, I can sense she's a jolly one. Parang hindi ako mabobored kung siya ang palagi kong kasama. "Uhh, maybe I can go downstairs. Sasabay na lang siguro ako sa dinner. I just need a quick shower and change some clothes." "Ah, sige po. Tulungan ko na rin po kayo kung ganoon. . ." "No, I'm fine." ngumiti ako. "Mabilis ako. Within fifteen minutes!" saka nagmadali na akong umalis sa harap niya. Ni hindi ko na rin isinara ang pinto dahil nagmamadali na rin ako. Nang tumapak na ako sa banyo ay rinig ko ang pagsara ng pinto. That's a good thing. At tulad ng plano ko, dahil na rin sa pagmamadali ay mabilis akong naligo. Mabuti na rin may tuwalya dito sa loob ng banyo kaya hindi ako mahihirapan na makalabas dito. After a quick bath, lumabas na ako. Tanaw ko ang mga damit na dinala ng maid kanina sa kama. Agad ko dinaluhan 'yon. It's simple and presentable dress ang ihinanda sa akin kaya walang kaso sa akin. Madali rin para sa akin na suotin 'yon. Nagpatuyo na rin ako ng buhok. Nang makuntento na ako ay lumabas na rin ako ng kwarto. Medyo kabisado ko naman kung nasaan ang daan patungo sa hagdan. Pero natigilan lamang ako nang matanaw ko si Mr. Lombardi na tahimik na nakatayo sa pinadulo ng hagdan sa baba. Kunot-noo itong sumulyap sa kaniyang relo na nasa palapulsuhan. Lumunok ako saka humakbang na pababa. Napukaw ko ang kaniyang atensyon. Nakasimangot siyang tumingin sa akin. "Why the fúck you took so long?" malamig niyang tanong sa akin. "I'm. . . Sorry." ang tanging nasabi ko saka yumuko. Hinahanda ko ang aking sarili sa mga susunod niyang sasabihin pero bigla na lang siyang umalis sa harap ko. Nauna na siyang naglakad patungo sa Dining Area. Tahimik lang akong nakasunod sa kaniya. Nang marating na namin ang Dining Area ay naabutan namin ang iilang maid na nakatayo sa magkabilang gilid. Including Mr. Eugenio and the girl I talked earlier. Pormal man ang tindig niya pero maliit na ngiti ang iginawad niya nang makita niya ako. Ganoon din ang ginawa ko. Napahinto ako saka tumingin kay Mr. Lombardi. Pinapanood ko siya na umupo sa pinakadulo ng mahabang mesa na ito. Samantalang ako naman ay nasa upuan na opposite side ng mesa kung saan siya nakaupo. Ito ang pinili kong pwesto. May lumapit na isa pang butler para hilahin ang upuan. Tahimik akong umupo doon. Nagsimula na ring kumilos ang mga maid para pagsilbihan na kami. Katahimikan ang nayanig sa pagitan namin ni Mr. Lombardi, maliban lang sa mga tunog mula sa mga kurbyertos. Panay mahinang thank you ang sinasambit ko sa mga maid. Tipid na ngiti lang ang iginanti lang sa akin na ayos lang din sa akin. Nagsimula na rin kami kumain nang bumalik sa gilid ang mga maid at butler. Palihim akong sumulyap kay Mr. Lombardi na tahimik lamang na kumakain ng steak. Ganoon na rin ang ginagawa ko. Imposible rin naman na kakausapin niya ako. Una, kasal man kami, hindi namin lubusang kilala ang isa't isa. Pangalawa, natatakot ako sa kaniya. Sa presensya pa lang niya, para akong nangangatog sa sobrang takot. Pangatlo, mas mahihirapan akong makipag-usap sa kaniya dahil palagi siyang galit kapag nasa harap ko na siya. At ang huli, sobrang layo namin sa isa't isa kaya papaano kami magkakausap kung sakali? Bukod sa tunog mula sa mga kurbyertos, I also heard the fire crackling in the fireplace. I don't know but I suddenly feel calm and soothing. Parang mas gusto kong pakinggan 'yon kaysa kung anuman ang pag-uusapan namin kung sakali. Bukod pa doon, parang nawawala ang kaba na aking nararamdaman. ** Pagkatapos namin kumain nauna nang umalis si Mr. Lombardi. Nang umalis na ito sa Dining Area, lumapit sa akin si Mr. Eugenio para sabihin sa akin na may importanteng gagawin lang ito sa labas ng Kastilyo. Malaki daw ang kinalaman nito sa kaniyang trabaho. Nagpasalamat ako, dahil d'yan, they still consider me as a Lombardi, too kahit alam ko sa sarili ko na hindi talaga ako tanggap ng asawa ko bilang asawa niya. The annulment and divorced are already exist in this world. Kaya hihintayin ko ang tamang oras na siya na mismo ang makikipaghiwalay sa akin sa oras na magsawa na siya sa set up na ito. Alam kong labag sa kalooban niya na matali sia sa akin. Lalo na't pareho lang kami ipinagkasundo dahil sa negosyo ng aming pamilya. Saka lamang ako natauhan nang makaramdam ako ng pagkabusog. I mean, mukhang napadami ang nakain ko sa dinner na ito na usually kasi kaunti lang ang nakakain ko noong nasa Pilipinas pa ako. Hindi ko kasi matiis ang ilang ulit na pang-iinsulto at pamamaliit nila sa akin habang nasa gitna kami ng hapag. Para bang lahat ng galaw ko ay limitado. Na para bang bawal ko gawin ang mga gusto ko. Pero dito, pakiramdam ko ay walang nakikialam sa akin. Walang pumupuna. Wala akong nararamdaman na binabantayan ako kung may nagawa man akong mali. Pero sa tingin ko tama sila, mali ako. Napag-alaman ko na Rowena ang pangalan ng Pinay na kasambahay na nakausap ko. Nasabi rin sa akin ni Mr. Eugenio na sadyang nag-hired si Mr. Lombardi ng Pilipina na kasambahay para daw hindi ako mabagot. Para hindi daw ako makaramdam ng pangungulila dahil malayo na ako ngayon sa Pilipinas. Sa mga nalaman kong 'yon, parang hinaplos ang puso ko. Hindi ko akalain na may bait pala sa katawan ang tulad ni Mr. Lombardi. "Ang ganda mo po talaga, Ma'm Samirrah." nakangiting puna sa akin ni Rowena, pareho kaming nasa harapan ng vanity mirror. Kasalukuyan niyang sinusuklay ang aking buhok. Suot ko na rin ang victorian night dress na hinatid niya kanina. It feels like, I'm living in the past. Tahimik lamang ako nakangiti. Hinahayaan ko lang siya kung anuman ang gawin niya sa aking buhok. Pero ipinagtataka ko lang kung bakit parang iniipitan niya ang buhok ko. It's like a fish braid. Parang may pinahahandaan dahil pinahiran din niya ako ng oil perfume. "Ngayon na po kasi ang wedding night ninyo, Ma'm Samirrah. Iyon po kasi ang bilin ni Sir Federigo." nakangiting paliwanag niya nang tanungin ko siya kung anong mayroon. Tila nanigas ako sa kinakatayuan ko nang marinig ko ang dahilan niya. Biglang nag-flashback sa isipan ko ang sinabi sa akin ni Mr. Lombardi nang papunta pa lang kami dito sa Girona. Pero may parte din sa aking isipan na busy ito kaya imposible na matutuloy ang sinasabing wedding night. Ito rin ay parte ng customs na binanggit sa akin ni Mr. Eugenio? Hindi ko na rin na mahintay pa si Mr. Lombardi kaya nakatulog ako. ** Pero para akong naalipungatan nang maramdaman ko na ma humahaplos sa aking binti. Pakiramdam ko ay may katabi ako. Bahagya akong gumalaw. Tumagilid ako ng higa. Marahan kong idinilat ang aking mga mata hanggang sa unti-unti kong naaninag ang isang pamilyar na mukha. Diretso itong nakatingin sa akin. Para bang hinihintay nito ang paggising ko. Agad akong napabalikwas ng bangon. Gulat na gulat akong tumingin sa taong nasa tabi ko ngayon. Si Mr. Lombardi! Wala siyang suot na pang-itaas. Tanging itim na slack pants lang ang suot niya. Nakatigilid din siya ng higa habang nakahilig ang ulo niya sa isa niyang kamao. Medyo magulo na rin ang kaniyang buhok na hindi ito nakaayos at pormal tulad na una kong nakita sa kaniya nang araw ng kasal. "M-Mr. Lombardi. . ." mahina kong tawag sa kaniya. Hindi siya nagsalita. Sa halip ay diretso pa rin siyang nakatingin sa akin. Parang pinag-aaralan niya ako sa mga tingin niyang iyan. Nang nagsawa na siya ay umayos na rin siya ng pagkaupo sa ibabaw ng kama. "So you're ready?" malamig niyang tanong. Umawang ng kaunti ang aking bibig. "R-ready for. . .?" tumalima ako. Kumawala siya ng malalim na buntong-hininga. Pero mas nawindang ako na bigla niya ako dinamba saka hinawakan niya ang magkabilang palapulsuhan ko. Marahas niya akong hiniga sa malambot at malapad na kama na ito. Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya. Sumilay isang sulok ng kaniyang labi. "Act innocent, huh?" sambit niya na may halong panunuya. "I. . ." hindi ko na madugtungan ang sunod kong sasabihin nang bigla niyang akong sinunggaban ng marahas na halik. Kasabay na mas humigpit ang pagkahawak niya sa aking mga kamay. Mas diniin pa niya iyon sa aking hinihigaan. Siya ang una kong halik. Hindi ko alam kung papaano humalik! Wala akong alam tungkol sa bagay na ito! Wala akong alam! Naguguluhan na ako! Ramdam ko na natigilan siya na tila may napagtanto siya. "Fúck!" malakas niyang sigaw sabay umalis siya bigla sa ibabaw ko. Tumalikod siyang umupo sa gilid ng kama. "M-Mr. Lombardi. . ." "No!" pasigaw niyang sabi. Tumayo siya't hinarap niya ako. "Don't talk. Just don't fúcking dare to say something!" agad niyang binawi ang kaniyang tingin. Muli siyang tumalikod saka nagpameywang. He looks really frustrated or something. . . Is it regret or what? Kusa akong sumunod. Inilapat ko ang mga labi ko pero nanatili pa rin ang mga mata ko sa kaniya. Pero patuloy pa rin nagwawala ang aking puso sa labis na kaba na aking naramdaman kanina. Nagtataka akong pinapanood siya. Wala akong ideya kung ano ba talaga ang nangyayari. Yes! It's our wedding night! And of course, it's also my obligation to fulfill my duties as his wife! Although we were married not because of love. I need to give my vírginity for him no matter what. Only for him! Kailangan ay may magawa rin ako para sa gabing ito. Kahit na matindi pa rin ang kaba ko ay kailangan ko iyon labanan. I need him to be feel satisfied bago man siya lalabas sa kuwartong ito! Tahimik akong umalis sa ibabaw ng kama. Sinubukan ko siyang lapitan. Nang hinarap na niya ako ay kita ko kung papaano nagbago ng kaunti ang ekspresyon sa kaniyang mukha. Kung kanina, mukhang matinding problema ang pinagdadaanan niya, kahit papaano ay nabawasan 'yon. He looks calm now, atleast. "What are you doing?" kunot-noo niyang tanong. Ni isang salita ay wala akong sinambit. Imbis ay tahimik kong hinubad ang victorian night gown na ipinasuot sa akin kanina hanggang sa tuluyan iyon bumagsak sa sahig. Nanatili akong nakatayo sa harap niya. Hinahayaan kong ipakita sa kaniya ang hubad na kabuuan ko sa harap niya. Nakipagtagisan ako ng tingin sa kaniya. "Touch me, Mr. Lombardi." sa wakas ay nagawa kong isambit ang mga kataga na iyon. Hindi siya nakapagsalita. Sa halip ay nanatili pa rin siyang nakatingin sa akin nang diretso sa aking mga mata. Nagsusukatan kami ng tingin. Marahan kong ipinikit ang aking mga mata. "Starting today, you own me, Mr. Lombardi. You have my faith and patience in this marriage. You can do whatever you want, even in my body. . . It's already yours." saka muling dumilat. I saw his jaw clenched. Mukhang tuluyan nang napigtal ang kaniyang pagtitimpi. Mabilis siyang lumapit sa akin. Marahas niyang hinawakan ang aking buhok saka hinila 'yon hanggang sa nagawa niya akong sinunggaban ang maiinit niyang mga halik. I could even feel he's not trying to hold him back.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD