“Success ba?”
May pag-aalala pa sa mata ng ina ni Paul.
Ngumiti si Nadia bago tumango. Labis naman ang galak nito at napayakap pa sakanila. “Naku! Grabe ang kaba ko kasi baka kako may maging problema e, talaga namang malulungkot ako.”
“Sinabi ko naman po na magiging maayos lang ang lahat. Walang dapat ikabahala.” Sambit pa ni Nadia.
Sumenyas siya kay Paul na kausapin na ang ina nito tungkol sa pag lipat nila.
“Ma, may sasabihin lang po sana kami ni Nadia.”
Umayos ito. “Sige, ano ba iyon?”
“Nakapag desisyon na po kasi kami na mag pakasal na po agad. Wala naman na kaming dahilan para patagalin pa. Nag kasundo din po kami ni Nadia na lumipat na. Inalok din ho kasi ako ng trabaho ng Dad n'ya. Mahilig po pala kasi ito sa pag-aalaga ng mga kabayo, at naisip po n'ya na ako ang mag handle.”
Hindi agad nakasagot ang ina ni Paul.
“Sana ay pumayag ka Mama.”
“E, bakit naman hindi anak? Buhay mo naman iyan. Nandito lang naman kami ng mga kapatid mo palaging su-suporta sa'yo.”
Napangiti sila ni Paul. Wala naman na pala talagang problema. Bukas na bukas din ay lilipat na ang mga ito. Ngunit dahil 'di pa sila ganap na mag asawa ni Paul ay 'di muna sila maaaring mag sama sa i-isang bubong. Inaasikaso nadin naman nila ang kanilang simpleng kasal. Ito kasi ang napag usapan nila habang pauwi. Ayaw kasi ni Paul na maging bongga pa. Labis na ang hiya nito. Ngunit babawi naman daw ito kapag naging maayos ang trabaho na ibinigay ng ama niya.
Laking pasalamat niya na sinuportahan padin talaga siya ng kaniyang mga magulang.
“Paul.”
Abala si Paul sa pag-aayos ng silid ng tawagin niya ito.
“Naisip ko lang na dapat ko parin palang kausapin si Rod ng maayos since dinaanan naman na namin sa legal ang paghihiwalay namin. Gusto ko lang na maging clear sakaniya na wala na talaga kami. Hindi parin daw kasi ito tumitigil ayon sa mga guwardiya. Palagi itong nag pu-pumilit na pumasok sa kompanya para makausap ako.”
Seryoso siyang tinignan ni Paul.
“Sasamahan kita.”
Wika nito.
“Sigurado ka? Ayos lang naman kahit ako lang.”
“Sasamahan kita Nadia. Gusto kong kasama mo ako sa lahat.”
Tumango siya bago tumulong na sa ginagawa nito.
Umuwi muna si Nadia sa condo bandang alas dos.
Tinawagan niya ang kaniyang sekretarya na mag schedule ng meeting with Rod. Gusto nalang niyang matapos na ang lahat.
At habang nag mumuni-muni ay bigla na lamang siyang kinatok ni Manang Selma.
“Hija may bisita ka.”
Napakunot ang noo niya wala naman kasi siyang inaasahan.
Lumabas siya upang alamin kung sino. Hindi muna ito pinapasok ni Manang Selma. Binuksan niya at pinto at tumambad sakaniya si Georgia. Sa itsura nito, mukha itong stress at desperadang-desperada.
“Why?” Tipid niyang sagot.
“Hindi na umuuwi si Rod sa akin. Ilang araw na siyang balisa at nakikiusap na makausap ka.”
“So? Wala na akong pake.”
“Hindi mo na sana dinamay ang trabaho n'ya. Halatang bitter ka kasi ako ang pinili n'ya.” Pagak pa itong tumawa.
“Georgia ano pa bang gusto mo? Sa'yong-sayo na si Rod. Look,” inangat niya ang kamay niya. Pinakita niya ang engagement ring nila ni Paul na binili nila kanina lang. “Engaged na ako, at ikakasal na next week. Simpleng wedding ngunit punong-puno ng pagmamahal. Masaya na ako sa buhay ko kayo nalang ang hindi.”
“Because of you!”
“At ako pala talaga, huh? Sino ba 'tong mahilig kumabit? Hindi mo kilala si Rod, madali s'yang manawa Georgia. At kapag wala kanang pakinabang sakaniya iiwanan kana n'ya. I don't deserve that kind of guy. You deserve it Georgia.”
“Walang hiya kang bwiset ka!”
Malakas na sampal ang iginawad ni Nadia kay Georgia bago pa man ito mauna sakaniya.
“Ikaw ang walang hiya at bwiset Georgia!” Madiing wika niya. “Hinding-hindi ka makapapantay sa level ko tandaan mo 'yan. Empleyada lang kita, ako ang Boss. Basura na nga ugali mo, mas pinili mo pang maging basura ang buhay mo.”
Galit na galit na umalis si Georgia. Pinalakpakan pa nga siya ni Manang Selma dahil sa naging mga sagot niya kay Georgia.
“Pahiya ang bruhildang iyon.”
Wika pa nito habang natatawa.
“Napakadesperada n'ya. Wala na nga kami ni Rod ako parin sinisisi niya ngayong wala ng gana si Rod sakaniya?” Napairap pa si Nadia.
“Iyan ganiyan nga hija. Sabi ko naman sa'yo ay lumaban ka.”
Sinabi ni Nadia kay Paul ang ginawang pag sugod ni Georgia sakaniya. Si Paul tuloy ay kating-kati ng kausapin si Rod upang tigilan na siya ng dalawa.
Mabilis lang naman ang araw. Dumating na ang araw na makikipag usap sila kay Rod. Sumipot naman ito. Natanaw nila ito ni Paul sa 'di kalayuan. Hawak kamay silang lumapit.
Bakas sa mata ni Rod ang inis ng makita ang kamay nilang magka hawak.
“Pasensya na nahuli kami ng ilang minuto.” Bungad niya rito.
Ngunit imbis na sumagot ay lumapit agad sakaniya si Rod at balak siyang yakapin ng pigilan ito ni Paul.
“Usap lang pre.”
“Sino kaba? Ikaw 'yung hampas lupa na nasa—”
Pinutol ito ni Nadia. “He's my fiancee Rod. Ikakasal na kami next week. Inaayos na namin ang lahat ngayon kaya nga nakipag kita ako sa'yo. Irespeto mo sana ang magiging asawa ko Rod kung ayaw mong bastosin din kita.” Banta niya.
Pagak itong tumawa. “Bilis mo naman humanap ng kapalit ko Nadia. Mahal pa kita eh.”
“Well, hindi na kita mahal. Gusto mo bang mag mukmok ako? At isa pa sino bang may kasalanan sa ating dalawa Rod? Hindi ba't ikaw itong nangabit?”
“Oo nga kaya nga gusto kong bumawi eh. Sobrang nagsisisi na ako Nadia. Mahal na mahal pala kita.”
“Dahil sa nalaman mong mayaman ako di'ba?”
Natawa si Nadia. “Wala ka paring pinag bago Rod. Basura rin ugali mo just like Georgia. Nakakaawa kayong dalawa, pero bagay na bagay nga kayo. Anyways, nandito lang naman kami to clarify things with you. We're done Rod. Wala kanang babalikan, at wala rin naman akong kinuha ni isang kusing sa pera mo o sa pagmamay-ari mo. It's all yours Rod, have a nice life. Goodbye.”
“Nadia sandali naman.”
“Tapos na kayo Rod. Igalang mo ang respeto ng nobya ko.” Si Paul na ang nag salita.
Hindi na kumibo si Rod. Tinanaw na lamang sila nito.
“Proud ako sa'yo Nadia.” Niyakap siya ni Paul.
“Salamat Bebi.”
Yakap lang nila ang isa't-isa. Ilang minuto pa ay inaya na siya ni Paul na umuwi na upang makapag pahinga.
Sa condo na muna sila dumiretso. Si Manang Selma ay inabot nilang abala sa niluluto nito. Saktong-sakto dahil gutom na talaga si Nadia. “Mukang masarap iyan Manang.” Inamoy pa ito ni Nadia.
Tinignan sila ni Manang ng nakakaloko. “Ikaw ba'y naglilihi na?”
Nasamid naman si Paul.
“Manang Selma talaga HAHA! Wala pa po kami sa ganun.”
“Maginoo pala itong si Paul.”
Nakita ni Nadia ang pamumula ni Paul dahil sa hiya kaya naman inaya na niya ito sa silid.
Ngunit ayaw pa nga sana ni Paul dahil baka pag isipan na naman sila ni Manang.
“Gusto ko na kapag ikinasal na tayo ay doon lang natin gagawin ang iniisip nila.”
Napasulyap siya kay Paul. “Ayos lang sa'yo kahit 'di na ikaw ang una ko?”
Nainis ito sa tanong niya. “Bakit mo pa iyan itinatanong? Sa tingin mo ba iyon lang ang habol ko sa'yo Nadia? Mahal kita, mahal na mahal. Hindi daw sa katawan mo o sa pera mo. Kundi dahil ikaw ang tinitibok ng puso ko Nadia.”
“Sorry na.”
Ayaw niyang may tampuhan sila ni Paul.
Hindi naman siya matiis nito kaya naman ginawaran na lamang siya nito ng forehead kiss.
LUMIPAS PA ANG MGA ARAW AY MAAYOS SILANG IKINASAL NI PAUL. Masaya ang bawat araw ng pagsasama nila. Si Paul ay nag start na sa pag ha-handle ng mga kabayo na binili ng ama niya. Maayos na ang trabaho nito at talagang nag e-effort sa lahat ng bagay. Never lumaki ang ulo ni Paul at nanatili itong mapag pakumbaba.
Hindi naman na siya ginulo pa ni Rod. Wala na siyang balita sa dalawa kaya talagang naging payapa na ang buhay nila.
Bumalik sa pag-aaral ang mag kapatid habang ang ina ni Paul ay ang nag aasikaso sa mga ito. I-Isang lote lang ang tinitirahan nila ngunit bukod ang bahay dahil sa request ng ina ni Paul. Ayaw daw kasi nito na makisalo pa sakanilang mag asawa dahil nais nito na makabuo agad sila ng sarili nilang pamilya.
Sa loob naman ng limang buwan nilang pagsasama ni Paul ay binigay agad ang hiling na ito. Isang buwan na siyang buntis, at talaga namang mas naging maalaga si Paul sakaniya. Lahat ay sinusunod nito ano man ang naisin niya.
Minsan nga nakokonsensya na siya dahil napakaselan ng paglilihi niya. Napagsu-sungitan niya si Paul at laging pinahihirapan ngunit wala siyang narinig ni isang reklamo sa asawa niya. Wala itong pinag bago. Ito parin si Paul na una niyang nakilala.
Sabi nga nila kapag malas ka at hindi pinalad sa una mong asawa ay magiging swerte ka sa pangalawa, at naniniwala si Nadia sa kasabihan na iyon. Dahil ngayon kontento na siya at na achieve na ang simpleng ngunit masayang buhay ba inaasam-asam niya kasama ang taong mahal niya.