KINABUKASAN AY MAAGANG GUMISING SI NADIA. Maaga rin kasi siyang nakaschedule na pumunta sa parents niya. Hindi nga siya pumasok sa trabaho para lang sa sasabihin n'ya. Sinabi narin naman niya sa sekretarya niya na wala siya today, at buti nalang wala siyang importanteng meeting na nakaline up.
“Morning nak, aga mo yata?” Tanong ng ina niya ng makipag beso siya dito.
“Yah, si Dad ba at kuya? May ibabalita kasi ako sainyo eh.”
Mabilis pa sa the flash ang kapatid niya na bigla na lamang sumulpot. “I'm here, next week pa flight ko.” Sambit nito. “What is it princess?” Excited ito.
“Hintayin natin si Dad para isang paliwanag nalang.” Sagot niya.
Niyakap siya ng kaniyang kuya. “Pasabog ka pa. Sige na sabihin mo na sa kuya mo. Hindi ba dapat ako ang mauna? Ako lang naman ang nag i-isang ka-kampi mo, sige ka.”
Natawa siya. Ngunit nawala ang ngiti niya ng masilayan ang ama niyang seryoso. Umayos siya bago lumapit dito. “Hi Dad.” Bati niya.
“Hindi ka pumasok?”
“Hindi po. Wala naman meeting Dad kaya inuna ko na muna ang pumunta dito since may mahalaga akong sasabihin.” Sagot niya na tinanguan naman nito.
“What is it?”
“May nobyo na po ako.”
“Wow!” Unang nag react ang kuya Primo niya.
“Who?” Simpleng tanong ng ama niya.
“Si Paul po.”
“Who's Paul by the way?” Curious ang kapatid niya.
Ang ina naman niya ay nakamasid lang.
“S'ya 'yung tumulong sa akin nung time na nawalan ako ng malay sa gitna ng kalsada habang malakas ang ulan. Nalalapit kami sa isa't-isa and then, s'ya 'yung tumulong sa akin ma-overcome ang failed relationship ko with Rod.”
“What he's work.”
“Oo nga, para lang may idea kami hehehe. Don't worry we won't judge him. I mean, me, never akong nag judge base on people's background.”
“Do I need to answer that Dad? Is that important?”
“It's not anak. Hindi naman iyon ang ibig sabihin ng Dad mo. Siguro curious lang s'ya. He wants to know lang naman.” Nakisali na ang ina niya.
“Gusto kong malaman kung nauto kana naman ba.” Deretsahan ang ama niya.
“Dad that's not nice.”
Ang kapatid niya ay nag komento narin sa inaasal ng ama n'ya.
“Ayaw ko lang na makita ka na naman na nasasaktan. Mas masakit iyon sa akin anak.”
“Dad gets ko point mo. Sorry kasi nasasaktan ka, pero dad hindi na 'to gaya ng nangyari kay Rod. Mahal n'ya ako, at mahal ko rin s'ya. Hindi s'ya mayaman, mahirap lang sila pero may paninindigan si Paul. Masipag s'ya at handa niyang gawin lahat para sa akin.”
“Are you sure 'bout that? Remember our deal?”
“I'm hundred percent sure Dad. He's the one.” Proud niyang sagot.
“Okay, bring him here. Gusto ko pa siyang makilatis.”
“Thanks Dad, you're the best!” Niyakap ni Nadia ang ama n'ya.
“Iba talaga si Nadia, napakalakas sa Daddy.“ Naiiling ang kapatid niya.
Nakiyakap nadin ang ina n'ya. “How about Rod? Maayos mo na ba siyang nakausap?”
Biglang tanong ng Mom niya ng kumalas ito sa yakap.
“That disgusting creature. Bakit pa s'ya ka-kausapin ng anak natin? Iniwan n'ya si Nadia para lang sa isang office girl.”
Sa loob-loob ni Nadia ay kailangan din ito. Dapat rin sigurong makausap na niya ng maayos si Rod upang malinaw na ang lahat na wala na talaga itong ba-balikan.
Uunahin lang n'ya na maayos ang pamilya niya at pamilya ni Paul bago ang kay Rod.
Masayang ibinalita ni Nadia na gustong makilala si Paul ng parents niya. Grabe nga ang kaba ni Paul ngunit pinalakas naman niya ang loob nito.
*********
“Ayos lang ba ang suot ko, Ma?”
“Oo naman anak, maayos at sobrang pogi mo.”
Approved na ito ng ina niya kaya 'di na siya kabado sa suot niya. Ngayong araw kasi siya nakatakdang mag pakilala sa parents ni Nadia. Hindi naman maiiwasan ang kaba. Ngunit alam naman ni Paul sa sarili niya na seryoso siya kay Nadia.
Hindi siya gagaya sa ex-husband nito na iniwan at sinaktan lang ito.
“Sana anak maging maayos ang kalabasan.” Niyakap siya ng kaniyang ina. “Basta ipakita mo lang na totoo ka.” Dagdag pa nito.
Napakasarap sa pakiramdam na may ina na siyang sumusporta sakanila.
“Opo.” Sagot niya bago lumabas na.
Hinihintay na kasi siya ni Nadia sa labas, tapos na itong makipag usap sa Mama niya. Close na close na nga ang dalawa at mas madalas ng mag usap. Para na siyang hangin kapag mag kausap ang dalawa.
“Let's go?” Tanong nito ng hawakan ang kamay niya upang lumakad patungo sa kotse.
Tumango siya.
Lumingon muna ito sa ina niya. “Tita una na po kami.”
Ang Mama naman niya at ang dalawang kapatid ay kumaway-kaway sakanila.
Nagulat si Paul ng isang malaking bahay ang pinasukan nila. Napakalaki ng gate, at tila ba palasyo na ang pinasukan nila.
“Hindi ko alam na ganito ka pala kayaman. Umatras nalang kaya ako?”
“Hindi na pwede, nakakandado na ang gate.” Nakangisi niyang sagot.
“Hindi ako nararapat para sa'yo.”
“Nararapat ka para sa akin. Please, wag mong tignan kung sino ako Paul.”
Nakampante si Paul.
Hawak kamay silang pumasok ni Nadia sa mala Palasyong bahay. Sinalubong sila ng eleganteng ina ni Nadia.
“You must be Paul?” Nakangiting tanong nito.
“Yes ma'am.”
“Hijo hindi ka trabahador dito so, don't call me ma'am. Sino kaba sa buhay ng anak ko? Nobyo ka n'ya, right? So, you will call me Mommy from now on.”
Tumango na lamang siya dahil 'di pa siya komportable na tawagin itong Mommy dahil hindi pa naman sila nababasbasan ng ama ni Nadia.
“Akala ko joke time mo lang nung sinabi mong kaya mong bumili ng isang buong baboy-an.” Bulong pa niya na tinawanan ni Nadia.
“Ikaw ba?”
Dinaga ang dibdib ni Paul.
“Opo.”
“Dad don't scare him.” Wika pa ni Nadia.
“I'm not, ganito lang ako makipag usap.”
“Ayos lang,” bulong niya kay Nadia.
Matino kausap ang ama ni Nadia ngunit strikto. Habang ang kapatid nito na si kuya Primo ay kengkoy. Sinabi lahat ni Paul wala siyang nilihim. Gaya ng bilin ng ina niya ay naging totoo lamang siya. At sa huli, nagulat nalang siya ng tinanong siya ng ama ni Nadia tungkol sa kasal.
Wala pa naman ito sa pag-uusap nila ni Nadia. Ngunit wala naman daw dahilan para 'di pa nila ito pag planuhan.
Masaya si Paul na tinanggap siya ng pamilya ni Nadia. Nawala ang kaba at bigat sa puso niya.