KABANATA 10

1117 Words
Nakaramdam ng inis at selos si Nadia 'di lang niya pinakita. Tinanong pa man din s'ya nito pero ang ending aalis pala ito para makipag date? “Ayos kalang teh?” Tanong ni Badong. “Ha? Oo naman bakit? Hehehehe.” Nahihiya niyang tanong. “Para kasing gigil na gigil ka sa hinihiwa mong sibuyas eh. Si Mama kanina pa nakatingin sa'yo.” Nagulat siya. “Tita pasensya na po.” Agad niyang hingi ng despensa. “Gusto mo ba ako nalang hija? Baka mamaya ay masugat ka pa.” “Ayos lang po, keri ko naman.” Sagot niya bago ngumiti. “Sus! Hilig siguro kayo sa jelly ace noh?” Biglang tanong ni Jasper. “Ha? Sinasabi mo? Wala naman konek.” Takang tanong ni Badong. “E, kasi nangangamoy selosan.” Nasamid si Nadia sa sarili niyang laway. “Pustahan tayo babalik si kuya Paul ko.” Proud na sabi pa ni Jasper. Bigla ngang bumalik si Paul. Tinitigan siya nito at agad na nilapitan. “Oh? Bakit—” Hindi na siya nakatapos sa dapat na itatanong niya ng hilahin siya nito bigla palabas. “Paul saan mo ba 'ko balak dalhin? Paano si Maris? Aalis kayo di'ba?” Ngunit 'di siya sinasagot ni Paul. Hinawakan nito ang kamay niya at madahan na silang lumakad. Wala itong kibo. “Paul?” “Ikaw ang dahilan kaya ako nakaayos. Balak kitang ayain sa restaurant na nakita ko sa tabi ng mall. Gusto kong bumawi sa ginawa mo para sa akin nung may sakit ako.” Hindi parin ito tumitingin sakaniya. “Pero bakit sa restaurant pa na iyon? Paul hindi mo ako kailangan ilibre sa restaurant, mas gusto ko ang—” Pinutol siya nito. “May pambayad naman ako. Inipon ko 'to dahil gusto kong sa restaurant ka ilibre.” Seryoso ba 'to? Hindi naman siya demanding na babae, at lalong 'di niya gustong sa pricey na restaurant siya ilibre. “Paul ano bang tingin mo sa akin picky? Sinanay ko 'yung sarili ko na maging masaya sa mga simpleng bagay. Hindi ako gaya ng iba. Hindi ko ginagamit bilang privileged ang pagiging mayaman. You know what I like? Simpleng buhay kasama ang taong ibibigay sa akin ni kupido. Sumasakay lang ako saan man ako dalhin ni tadhana. Cravings ko ang peaceful life Paul hindi ang marangyang buhay.” “Hindi yata ako ang tamang lalaki para sa'yo. Hindi ako bagay sa gaya mo. Dito lang ako e, sayad sa lupa, tapos ikaw napakataas mo.” “Isang tanong, isang sagot para matapos na 'to. Gusto mo ba 'ko Paul? Gusto kita, mahal na nga kita eh. Ikaw ang bumuo sa puso ko. Ikaw ang nag mulat sa mga mata ko na 'di lahat ng lalaki ay Rod ang pangalan at kaugali ni Rod. Ikaw ang nag bukas ng isipan ko.” Naestatwa si Paul sa mga lumabas sa bibig niya. Mas nauna pa siyang bumigay. “Sagot Paul. Oo o hindi lang ang ta-tanggapin kong sagot.” “Oo Nadia, oo ang sagot ko.” Bigla na lamang siyang hinapit ni Paul sa bewang palapit dito at mabilis na hinalikan. Saglit lang ngunit mariin at mapusok ang halik. Damang-dama ni Nadia ang pagmamahal ni Paul. Ganito ang gusto n'ya walang paligoy-ligoy, basta mahal s'ya sabihin na agad kesa naman pahirapan ang mga sarili nila. Divorced na siya kay Rod so, bakit pa siya mag da-dalawang isip? Si Rod naman ang tulak sakaniya na mahumaling sa iba. Nakangiti sila ni Paul na hawak ang kamay ng isa't-isa. Sa kwek-kwek-an na lamang ni Kulas sila dumiretso dahil napilit niya si Paul. Sa mag Hapon nila ay puro pag de-date lang ang ginawa nila. Umuwi sila bandang alas kwatro. Nakita ng Mama ni Paul at ng dalawa nitong kapatid na magka hawak kamay na sila. Nahihiya siya kaya gusto sana niyang bumitaw ngunit hindi pumayag si Paul. “At nag wagi na nga ang pambato ko!” Masayang-masaya si Jasper. Ito na nga ang bumasag sa katahimikan. “Ingay mo Jasper.” Saway ni Badong. “Ma, si Nadia po nobya ko na po s'ya. Hindi na po kami nag pakipot pa at nag paligoy-ligoy. Mahal po namin ang isa't-isa.” “Ayown! Awooooooo! Pakaganda naman talaga ng nobya ni kuya ko!” Tuwang-tuwa si Jasper. Natutuwa din naman si Nadia sa reaskyon ng mga ito. Napasulyap siya sa ina ni Paul na nakangiti sakanila at nakamasid lang. Habang abala si Paul at ang dalawa nitong makukulit na kapatid ay lumapit ang ina ni Paul sakaniya upang ma-solo siya. Ramdam na niya kanina na dapat silang mag usap. “Hija natutuwa naman ako. Hindi ko akalain na sa huli kayo pala ni Paul ay nakatadhana sa isa't-isa. Ngunit hindi man nababanggit ni Paul ang estado mo sa buhay ay pansin ko na talagang napakataas mo. Hindi ba iyon magiging problema sa mga magulang mo? Bata palang si Paul batak na siya sa trabaho. Huminto siya ng first year highschool upang itaguyod ang dalawa niyang kapatid. Wala siyang degree na maipagmamalaki. Ngunit ako na ang nagsasabi sa'yo na napakabuti ng puso ni Paul. Mamahalin at aalagaan ka n'ya Nadia. Ibibigay n'ya ang buong lakas n'ya maibigay lang ang gusto mo. Sana lang kung ano ang relasyon ninyo ngayon ay totoo ito.” Hinawakan nito ang kamay niya. “Hindi ko gustong masaktan pa ang anak ko. Tama na ang pasakit ibinigay ko sakaniya. Gusto kong maging masaya na si Paul.” “Hindi ko po s'ya pababayaan na masaktan. Mahal ko po si Paul. At ano man po ang relasyon namin ngayon ay totoo po ang lahat ng ito. Ipaglalaban ko po si Paul.” Niyakap siya nito at nag pasalamat sakaniya. Bandang alas otso ay hinatid na siya ni Paul sa sakayan. Bukas na bukas lang ay ipapaalam niya sa parents niya na ibinigay na ang taong para talaga sakaniya. “Masayang-masaya ka yata ngayon? Mas masaya pa kumpara sa mga nakaraang araw.” Puna ni Manang Selma. “Manang may nobyo na ho ako.” Hindi n'ya ito inilihim sa matanda. Nagulat ito. “Huwag mong sabihin na nakipag balikan ka kay Rod? Hija tsi-tsinelasin talaga kita.” Natawa si Nadia. “Hindi po noh! Si Paul po ang nobyo ko.” “Si Paul? S'ya ba iyong taga ilalim ng tulay?” “Opo.” “Hija 'di ba humadlang ang parents mo oras na malaman nila ang kalagayan nila Paul?” May pag-aalalang tanong ni Manang. “Ipaglalaban ko po si Paul. Aalis narin naman po sila sa tulay, may nakita na akong lote na may kubo na, bagay kami doon since peaceful life ang gusto namin.” Tumango na lamang ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD