Masaya si Nadia na sinubukan ng ina ni Paul na maging maayos sila. Nakikita naman niya sa ilang araw na lumipas. Dumadalaw kasi sila palagi sa mga ito, may dalang groceries, at palagi naman siyang pinapagalitan ni Paul.
“Hija where are you going?”
“Ah, may bi-bisitahin lang po Mommy. Dumaan lang ako dito para ibigay itong ulam na niluto ko.”
“Sabi ng Dad mo maganda ang pag handle mo sa kompanya. Natutuwa rin s'ya na naalis mo na ang ex-husband mo. Sa tingin mo nagsisisi na si Rod?”
Natawa si Nadia. “Limot ko nga ho sila eh. Abala na po ako sa ibang bagay Mommy, at mas nag e-enjoy na po ako ngayon.” Paliwanag niya.
“Really? Sa mga bagay ba na ginagawa mo para sa sarili mo o para na naman sa—”
Pinutol niya ang kaniyang ina. “Don't worry Mommy this time, sa tingin ko sa tamang tao na ako mapupunta.”
“Hija baka naman mababang uri na naman ang makilala mo.”
“Hindi naman po ako tumitingin sa antas ng isang tao eh. Hindi ko po ugali iyon. Ayaw kong humusga ng tao base sa antas niya, basta po hindi ugaling Rod.”
“Tama ba ang narinig ko? Sa tono mo palang parang nahuhulog kana naman sa lalaking walang narating sa buhay, tapos ano? Ikaw na naman ang mag a-angat at sa huli iiwanan kana?”
Napalingon si Nadia sa ama niyang seryoso.
“Dad let her, si Nadia naman ang mag de-desisyon sa buhay n'ya eh.” Sabat ng kuya Primo niya upang ipag tanggol siya.
Well, wala pa naman siyang kinikitang boyfriend.
“I know, pero 'di pa ba s'ya nadadala sa g*gong Rod na iyon?”
“I'll be careful sa pag pili ng magiging partner this time Dad. Salamat sa pag-aalala pero buhay ko parin po ito.” Magalang niyang sagot.
Napabuntong hininga ito. “Bahala ka, basta kapag sa pangalawang pagkakataon naulit na naman. Uuwi kana sa Canada at doon na for good. Si Mommy at ako ang pipili ng lalaking magiging partner mo.”
Ito ang deal ng ama n'ya.
Tumango naman siya. “Yes Dad. I will let you decide oras na maulit na naman.” Matapang niyang sagot.
********
Samatalang si Paul naman ay nakauwi na galing sa pagtitinda. Inagahan niya na mapaubos dahil nabalitaan niya sa dalawa niyang kapatid at sa ina niya na darating daw si Nadia ngayon.
“Loh! Saan punta mo kuya? Sinong patay?”
Natatawa si Jasper ng makita siyang nakatitig sa harapan ng salamin at suot ang barong na galing pa sa ama nila.
“Loko ka talaga Jasper. Barong ni Papa iyan nung ikasal sila ni Mama eh. Bagay naman sa'yo kuya,” napakamot si Badong sa batok. “Pero sinong patay?” Takang tanong din nito.
Nakita niyang natawa ang kanilang ina.
“Si Nadia ba ang dahilan, nak? Maling style yata iyan kung balak mong lumigaw sakaniya. Hindi na kasi makaluma ngayon anak. Dapat yata ay simple ngunit gwapings ang dating. Sandali may nakita akong bagay sa'yo dito sa damitan mo eh.” May kinuha ang ina niya. “Hubarin mo na iyan at ito ang isuot mo, tapos mag pabango ka nito.” May ibinigay ito sakaniyang perfume na nakabox pa. “Galing iyan sa palengke nabili ko lang ng mura.”
Manghang-mangha silang tatlo sakanilang ina. Mas pinili kasi nitong mamili ng perfume imbis na mag sugal.
“Oh? Bakit ganiyan ang tingin? HAHA.” Natawa pa ito.
“Pero wait lang, si kuya manliligaw kay ate Nadia?” Gulat na gulat si Jasper. “Inagawan mo pa 'ko kuya! Sabi ko kapag malaki na ako liligawan ko s'ya eh.”
Natawa si Paul. “Hindi pa naman ligaw eh. Susubukan ko palang na ayain sana siya kumain sa labas bilang pasasalamat sa ginawa niyang pag-aalaga sa akin.”
“Si kuya Paul pakipot pa.” Panunukso ni Badong. “Obvious naman na gusto mo na si ate Nadia. Sa ganda ba naman ni ate 'di ka mahulog. Ngiti palang para kanang nahulog sa malalim na balon eh.”
Patulo ang panunukso ni Badong.
“Ikaw talaga nahahawa kana kay Jasper. Sinusuklian ko lang ang nagawa n'ya.”
“Sinusuklian mo ng pagmamahal mo. Ayieeeeee! Akala ko pa naman si ate Maris ang makakatuluyan mo kasi patay na patay sa'yo iyon eh.” Sabat ni Jasper.
Inawat na ito ng ina nila at inaya na lumabas sa silid. Naiwan nalang si Paul. Sinuot niya ang sinabi ng kaniyang ina at agad na nag ayos.
“Si ate nandito na.” Wika ni Jasper ng pumasok ito sa silid niya.
Hindi siya nag pahalata na kinakabahan siya.
Tumango lamang siya kay Jasper at agad na lumabas matapos makapag ayos. Nasilayan niya ang simpleng si Nadia, may mga dala ito.
“Bakit nag abala ka pa?”
“Ooppps! Bago mo pa ako pagalitan e, tikman ko muna itong specialty kong adobo.” Natatawang wika nito bago kumuha ng kutsara upang subuan siya.
Hindi naman na siya umangal pa.
Nakita niya ang pag sensyas ni Jasper na hindi masarap. At ng malasan niya ay napakaalat nga nito. Ngunit nginuya niya ito na tila ba napakasarap nitong putahe. “Hindi ko alam na masarap ka pala magluto.” Nagawa pa nga niya itong puriin.
“Naknangteteng! Pinasok na yata ng—” Tinakpan ni Badong ang bibig ni Jasper.
“Ah, Nadia may lakad ka pa?”
Lakas loob na tanong niya.
“Wala naman, bakit? Balak ko sana dito nalang tumambay bawal ba? Hehehe.” Natatawang tanong nito. Napansin ni Nadia ang porma niya. “Gwapings na gwapings ka lalo, may lakad ka?”
“Ah, ano kasi—”
Hindi na siya nakapag patuloy ng biglang pumasok si Maris.
“Paul!” Inakbayan siya nito. “Sa tindahan ni Mang Efren, libre ko.” Aya nito.
Bahagyang ngumiti si Nadia. “Ah, may date ka pala eh.”
“Date na pala iyon? Sige ba! Sige date na natin iyon Paul.” Wika pa ni Maris.
Hinila siya nito palabas.
Ngunit pag dating sa labas ay pinigil niya si Maris upang kausapin.
“Maris hindi ako pwede, at mas lalong 'di ako pwede na makipag date sa'yo dahil may iba akong gusto.”
Napaawang ang labi ni Maris. “H-Ha? Sino? Bakit 'di ako?”
“Pasensya na pero sa iba kana lang magka gusto.”
Natawa ito bago tumango. “Basted ah! HAHA! Sige una na ako ikakain ko nalang mag isa 'to.”
Tumakbo na si Maris palayo sakaniya. Napapikit na lamang ng mariin si Paul bago napabuntong hininga ng mag mulat.