Nakaramdam ng matinding guilt si Nadia. Paano ba naman ay grabe ang trust issues niya na si Rod lang naman ay nag bigay at may gawa pero pati ibang mga tao na gaya nalang ni Paul ay dinamay na niya. Hindi na niya isinalang-alang na wala naman kinalaman ang mga ito sa sinapit niya sa malupit niyang ex-husband. Hindi nga alam ng mga ito na isa siyang heiress para itrato niya si Paul na tila ba sasamantalahin lang s'ya.
Napailing-iling si Nadia habang inaayos ang maligamgam na kinuha niya at ang bimpo na ipapahid niya sa katawan ni Paul upang maibsan ang init na nadarama nito.
“Ate, si kuya po ba magiging maayos din?” Luhaang tanong ni Jasper.
Pinahid niya ang luha nito. “Oo naman, tahan na. Bukas lang ay gagaling na si Paul kaya tumahan kana. Samahan mo na lamang si Badong doon. At Jasper,” ngumiti siya sa bata. “Sana ay wag kang mag tanim ng sama ng loob sa Mama mo. Mama mo parin s'ya ano man ang mangyari. S'ya ang nag luwal sa'yo kaya ka nandito sa mundong ito. Ipag dasal mo nalang na maging maayos na ang lahat.”
Hindi ito kumibo.
Hindi naman niya nais pilitin ang bata kaya naman hinayaan na n'ya ito. Bumalik siya sa silid kung saan nandoon si Paul. Nakita niya itong nilalamig at nanginginig na. Agad siyang tumabi kay Paul at niyakap ito.
Hindi sapat ang dalawang kumot kaya naman kailangan pa nito ng body heat.
“Everything's gonna be fine.” Bulong pa niya habang yakap ito.
Isang oras din bago tumigil ang panginginig ni Paul, tsaka n'ya ito napunasan. Ipagluluto sana n'ya ito ng lugaw ng makita n'ya ang ina nitong may ginawa na pala.
Napangiti siya bago dinala ang niluto ng ina nito. “Lugaw para mainitan sikmura mo, bago ka uminom ng gamot.”
“Ayaw mo talaga may utang na loob noh?”
Natawa si Nadia. “It's not about that. Gusto mo hayaan nalang kita na matumba sa labis na panghihina? Hindi ako masamang tao Paul. Sabihin na nating maarte at mataas ang pride ko, pero hindi ako demonyita. Depende lang iyon sa taong nakakaharap ko.”
Hindi ito kumibo.
“Pasensya kana sa nasabi ko kanina. Pasensya kana rin kung bakit naging OA ako at pati pagiging bitter ko sa ex-husband ko e, nadala ko sa'yo.”
“Ibig sabihin—”
Hindi n'ya ito pinatapos.
“Oo, may naging asawa na ako Paul. Si Rod ang ex-husband ko, at nung nakita mo 'ko sa daan na walang malay. Iyon 'yung time na nakipag divorced na s'ya sa akin. Inamin n'ya na niloloko nalang n'ya ako. Isang taon na pala niyang pinaghandaan ang separation namin.” Pagak siyang natawa. “Wala daw akong kwenta eh. Nauntog nadin naman ako, at least ngayon alam kong 'di s'ya totoo sa akin. Gusto lang n'ya ang isang tao base sa pakinabang nito. Nakakadala mag tiwala haha.”
“Hindi naman lahat ng lalaki ay Rod ang pangalan, at kaugali ni Rod.”
“Oo nga eh. Hindi ko pa ako matatauhan kundi mo 'ko sinabihan kanina. Lalamig na 'to kumain kana.”
Inaagaw ni Paul ang mangkok na may lugaw ngunit 'di niya ibinigay. Sinubuan parin n'ya ito.
“Hindi sa nakikialam ako, pero sa tingin ko natauhan na ang Mama mo. Oras na gumaling ka subukan ulit ninyo na mag usap.”
“Hindi na ako umaasa na mag ba-bago si Mama.” Napabuntong hininga ito.
“S'ya ang may gawa nitong lugaw.” Nakangiti niyang saad.
Hindi kumibo si Paul.
Matapos lang pakainin ay lumabas na siya sa silid. Dinatnan niya ang ina ni Paul na may pag-aalala parin until now.
“Si Paul hindi na po ganun kataas ang lagnat n'ya. Ipahinga nadin ho ninyo ang inyong sarili.”
Napaiwas ito ng tingin. “Pasensya kana sa inasal ko kanina. Pasensya na t-talaga.” Garalgal ang boses nito. “Nakakasama kong tao. Napakasama kong ina sakanila.”
“Hindi pa naman ho huli ang lahat eh. Maaari ka pa pong bumawi sakanila, at kung hahayaan po ninyo ako ay tu-tulungan ko po kayo na mabuo ulit.”
“Hija napakabait mo. Ikaw ba ay nobya ng anak ko?”
Nagulat si Nadia at nahiya. “H-Ho? Hindi po. Sabihin nalang po natin na kaybigan ako ng tatlo.”
Tumango ito.
“Sige ho. Balikan ko lang si Paul baka may kailangan pa s'ya.”
Dumiretso siya sa silid ni Paul.
“Hapon na, baka gabihin ka sa daan. Mahirap na sumakay kapag gabi na.”
Well, may driver naman na maaaring sumundo sakaniya.
“Pinapalayas mo na 'ko?” Biro niya.
“Oo, dahil baka hanapin kana sainyo.”
“Walang hahanap sa akin kundi si Manang Selma lang. Nasabi kong 'di ako uuwi. Dapat kang bantayan para makasigurado na 'di na tataas ulit lagnat mo.”
“Ayos na ako.”
Ngunit kung mapilit ito ay mas mapilit siya.
“Luto ako ng dinner. Sinigang nalang noh?”
“Nasa bag ko 'yung pera para pambi—”
Pinutol na niya ito. “Gusto mo ba bumili ako ng isang buong baboy-an para lang 'di mo na ako daigin?”
“Hindi porket mayaman ka e, gagawin mo mga gusto mo. Provider ako sa pamilya ko nasanay na ako.” Sagot naman ni Paul na ayaw mag patalo.
“Unahin mo rin sarili mo 'di naman masama iyon. Iyan ang lesson na natutunan ko sa g*go kong ex-husband.”
“G*go nga s'ya.” Sang-ayon nito. “Sinayang ka n'ya.”
“Exactly! Di'ba? Sinayang ba naman ako? Bwiset na lalaking iyon! HAHA!”
“Sige na kunin mo na pera diyan sa bag at pabilhin mo si Badong. Si Badong nalang makakalimutin si Jasper eh.”
Ngunit 'di n'ya kinuha ang pera at agad na dumiretso palabas.
Isinama niya si Badong at Jasper.
***********
Pasaway talaga ang babaeng iyon.
Ito na lamang ang nasambit ni Paul sa isipan niya.
“Nak,” rinig niya ang kaniyang ina.
Napaiwas siya ng tingin.
“Pwede kabang makausap?” Tanong pa nito.
“May magagawa pa ho ba 'ko nandiyan na kayo.”
Umupo ito sa tabi niya. Ilang minuto itong walang imik hanggang sa nakita na lamang niya ang luha nito.
“Malaki talaga kasalanan ko sainyo e, lalo na sa Papa mo. Galit kasi ako sakaniya eh. Galit ako kasi ganito lang buhay natin. Hindi ko pinahalagahan 'yung simpleng bagay mas tinuon ko sarili ko sa mas marangyang pamumuhay. Mali mga desisyon ko nak, tapos sinundan ko na naman ng kamalian dahil pag balik ko dito naging pabigat at pasakit naman ako. Natauhan nga lang ako nak, nung dumaing kana.”
Niyakap siya ng kaniyang ina. “Nak, mag simula ulit tayo, pwede ba?”
Tila ba nabunot ang tinik na nakabara sa puso ni Paul.