“Hija maaga pa para sa trabaho.”
Napangiti siya kay Manang Selma bago sumagot.
“Manang 'di po ako sa trabaho de-deretso today. Hindi ko pa nasabi sa'yo na may nakilala akong mag ka-kapatid na tumulong sa akin. Ngunit 'yung dalawang bata lang ang dahilan ng pag balik ko. Gusto ko silang tulungan eh. Para sa dalawang bata nalang.”
“E, bakit iyong nakakatanda ba?”
“Wala ho akong tiwala. Mahirap na po Manang Selma na mag tiwala, tapos ang ending nagiging walang kwenta pa ako.”
Pagak siyang natawa.
Nakalipat na sila ni Manang Selma. Bumibisita naman siya sa parents niya dahil 'di naman kalayuan ang condo unit niya.
“Sige mag i-ingat ka. Dito kana ba manananghalian?” Tanong pa nito.
Napailing siya. “No, baka gabi na ako makauwi Manang.”
Tumango ito. Ngunit napansin din nito na simple lang ang suot niya. “E, bakit naka t-shirt at simpleng short kalang?”
“Manang baka madekwatan ako kapag nag suot ako ng mamahalin. Iba pa naman ang lugar na tinitirahan nila.”
Napailing na lamang ang matanda at hinayaan na siya.
**********
Samantalang si Paul naman ay 'di maganda ang pakiramdam. Bukod sa nakapag bitiw siya ng mabigat na salita sa ina niya ay naramdaman niyang para siyang nilalagnat. Marahil ay sa sobrang pagod ito sa paglalako niya at pangunguha ng mga bote at bakal na maaaring maibenta.
“Ayos kalang po ba kuya Paul? Para kang namumutla.” May pag-alalang tanong ni Badong.
“Ayos lang. Sige na kain lang. Si Mama tirahan nalang.” Bilin niya.
“Hayaan mo kuya kapag malaki na ako 'di kana mahihirapan pa. Sabi ni Taison kapag malaki na ako ipapasok n'ya ako sa construction.”
Sabat ni Jasper.
“Bakit ka naman mag co-construction kung pwede ka naman mag-aral?”
Napalingon si Paul at ng dalawa pa niyang kapatid ng biglang sumulpot si Nadia.
“Si ate! Loh! Akala ko talaga famous kana ate kala ko limo mo na agad kami.” Nagagalak si Jasper.
“Pwede ba iyon? Ito may dala akong ulam para pagsaluhan natin.”
May inilapag ito sa mesa.
Sinulyapan siya nito bago nag salita sakaniya. “Pasensya na sa inasal ko nung nakaraang araw. Hindi ko intensyon na ma-offend ka.” Pasimpleng wika pa niya.
“Nagawa mo na, mas pinag mukha mo kaming kawawa sa harapan nila.”
“Look, I didn't mean that so, pwede ba maging ayos na? It's not a big deal though.”
“Sa'yo hindi, sa akin big deal. Mahirap kami pero ayaw kong kinakawaan kami dahil may kamay at paa ako na magagamit ko sa pagtratrabaho. Hindi namin kailangan ng awa ng kahit na sino.”
Nakamasid lang ang dalawa niyang kapatid sakanila ni Nadia.
“I get the point so, please stop. Ayaw kong makipag talo. Si Jasper at Badong ang dinalaw ko dito.”
Napailing na lamang si Paul.
**********
Napabuntong hininga si Nadia. Iniwan kasi sila ni Paul.
“Sorry ate, pasensya kana kay kuya Paul. Hindi kasi maganda pakiramdam niya, tapos nag talo pa sila ni—”
Pinutol ni Badong si Jasper.
“Ate pasensyahan mo na si kuya Paul. Hindi naman talaga siya ganun eh.” Si Badong na ang nag patuloy.
Tumango na lamang siya. Inilapag na muna niya ang bag niya sa table. Binuksan niya ang dalawang letchong manok na dala niya. Hinayaan niyang kumain ang dalawa at halos maubos ng dalawa ang isang buong letchong manok.
Saglit silang lumabas dahil mag i-igib pa daw ang dalawa upang may ipang hugas sa mga plato na nagamit. Sinamahan n'ya ang mga ito at nakaligtaan ang bag niya. Nasa sampong libo din ang laman ng wallet n'ya.
Pag balik nila sa barung-barong na bahay ng mag ka-kapatid ay wala na ang wallet n'ya.
Nakita niya si Paul na hawak ang wallet niya pag pasok nito.
“I knew it! Sabi na nga ba't hindi dapat ako mag tiwala eh.”
Inunahan ito ni Nadia.
Inabot nito ang wallet. “Nakita ko si Mama na kinuha 'to. Inagaw ko agad bago pa n'ya magastos ang pera mo.”
Natahimik si Nadia. Nawalan siya ng imik dahil napahiya siya sa sinabi ni Paul.
“Mahirap kami pero hindi kami mapag samantalang tao. Sinabi ko naman sa'yo na wala kang utang sa amin kaya bakit ba pumunta ka pa dito?”
“Dinadalaw ko si Jasper at Badong.” Sagot ni Nadia.
“Pwede bang itigil mo na? Umaasa lang sila eh.”
“Paul! Paul anak! Isang libo lang naman eh! Sige na mukha namang may pera ang—”
Natigilan ang ina ni Paul ng makita siya.
“Sabihan mo naman 'tong si Paul. Isang libo lang naman. Babayaran rin kita kapag nanalo ako sa sugal.” Pangungumbinsi nito sakaniya.
“Ma! Mama ano ba?! Tama na! Mas lalo lang kaming nagiging kawawa sa mata ng iba eh! Kasi ikaw mismo na ina namin nilulugmok kami sa letcheng buhay na 'to!”
Napaawang ang labi ni Nadia.
Si Jasper at Badong ay nakita niyang umiiyak. Agad niyang tinakpan ang tenga ng dalawa upang kahit paano ay mabawasan ang masasakit na naririnig ng mga ito.
“Pagod na ho ako maging mabuting anak sainyo. Hindi ko na ho alam kung dapat pa ba akong mag tiis, Ma. Umaasa ako na mag ba-bago ka pa, pero parang wala na eh. Nilamon kana ng pang sarili mong kasiyahan. Paano naman kami? Pinag tatawanan at kinaaawaan kami, habang ikaw sugal lang ng sugal.”
Napayuko si Paul.
Ilang segundo pa ay binalingan na siya nito. “Ikaw umalis kana at wag kanang babalik. Magulo ang buhay namin, madadawit kalang. Hindi rin namin kailangan ng awa mo o ng kahit anong tulong mula sa'yo. Hindi kami mapag samantalang tao para lang malinawan ka.”
Napahawak si Paul sa upuan dahil muntik na itong matumba.
Mabilis niya itong inalalayan. Napakainit ng katawan nito.
“Paul umupo kana muna.” Utos niya.
“Umalis kana! Umalis kana ulit! Dahil sa'yo mas nahhirapan si kuya Paul!” Malakas na sigaw ni Jasper sa ina nito habang tumutulo ang luha.
“Jasper tama na.”
Nagawa padin mag saway ni Paul.
“Maupo ka Pual.” Muling utos ni Nadia dahil nakikinita niyang bibigay na ang katawan ni Paul.
“Ayos lang ako, umuwi kana Nadia.”
“Hindi ka ayos. Paul you need help, pwedeng wag mataas ang pride? Let me help you gaya ng ginawa mong pag tulong sa akin. Halika na, pumasok kana sa silid mo.”
Hindi naman na ito nag salita pa.
Habang ang ina nito ay lumuluha lamang at walang masabi.