KABANATA 6

1157 Words
Hindi makapaniwala ang ex-husband ni Nadia na si Rod. Sino ba talaga si Nadia? Bakit ito nakapasok sa kompanya ng madalian? Samantalang siya ay binuno niya ang dalawang taon makapasok lang sa kompanyang pinapangarap niya, at ngayon ay mapro-promote pa siya. “Babe bakit 'di mo alam ang lahat sakaniya?! Sabi n'ya tanggal na daw ako. Sino ba s'ya sesantehin ako, ha? Sobrang kapal ng mukha n'ya!” Inis na reklamo ni Georgia kay Rod. Ngunit natigilan ang seryosong usapan nila ng pumunta ang sekretarya ng chairman sakanila. “Rod Fuentes pinapatawag ka ng CEO. Gusto ka niyang makausap sa office.” “OMG! Don't tell me na ang babaeng iyon ang—” Naputol si Georgia sa sinasabi nito ng mag salita muli ang sekretarya. “At ikaw naman Georgia ay pinapaligpit na ang mga gamit mo.” “W-What? At sinong may sabi niyan, ha?! Chairman lang ang may karapatan na tanggalin ako.” Reklamo ni Georgia. “S'ya naman talaga ang may utos.” Sagot ng sekretarya bago sila inirapan. Wala sa sariling sumunod si Rod sa sekretarya. Sana ay mali ang hinala niya. Hindi pwedeng si Nadia ang CEO na tinutukoy ng sekretarya. Paano iyon mangyayari e, simpleng babae lang ang pinakasalan niya? Wala ito kundi dahil sakaniya. ********** “Ma'am nandito na po si Rod Fuentes.” Napangisi si Nadia. “Pasok,” utos niya. Laking gulat ni Rod at halos malaglag ang panga nito ng makita siyang nakaupo sa swivel chair ng CEO, at pangalan pa niya ang nakadisplay sa table. “Paanong—” Pinutol niya ito. “Sinabi ko naman sa'yo Rod di'ba? Sinabi ko na sa'yo na magsisisi ka. Ngayon, tignan ko kung anong magawa ni Georgia para sa'yo ngayong parehas na kayong mawawala sa kompanya ko.” Lumambot ang expression ni Rod. “Ngunit paano? Bakit mo itinago ang katauhan mo?” “Dahil sa mga gaya mong mapag samantala na gustong nakukuha ang lahat ng instant. Gaya nalang ngayon Rod. Nakuha mo na ang posisyon na gusto mo, at mapro-promote ka pa kaya iniwan mo na 'ko. Tingin mo kasi sa akin ay pabigat sa'yo. Nakakilala kalang ng babaeng may pera pinalitan mo na agad ako. Nakakadiri ka!” “Nadia wag mo naman sana idamay ang personal na galit mo sa akin sa trabaho.” “This is my company and I can do whatever I want Rod. Nakakasuka ka. Hindi ko maatim na naging asawa kita. Napaka pangit ng ugali mo. Hindi mo ba alam na ako lang naman ang dahilan kaya ka mapro-promote? Pinakiusapan ko lang si Dad na. Itinago nga n'ya sarili niya mula sa'yo e, because of me. Dahil sa akin Rod kaya ka nakatikim ng kaginhawaan sa buhay. Utang na loob mo 'yan sa akin.” Mariing wika pa ni Nadia. “Pero dahil binalewala mo ang tatlong taon nating pagsasama. Hindi na para habulin ka pa. Hindi ko ugaling mag habol ng taong mas piniling talikuran ako. Sapat na ang luhang inubos ko dahil sa sakit na pinadama mo sa akin. Iligpit mo narin ang mga gamit mo at mag sama na kayo ng kirida mo.” Umismik si Nadia. “At oo nga pala muntik kong makalimutan. Sa'yo na ang maliit na bahay mo. Awa ko na sa'yo iyon dahil iyon nalang naman ang meron ka sa mga oras na 'to eh. Ikaw ang nag tulak sa akin na gawin 'to Rod. Ikaw ang umubos sa respeto at pagmamahal na inilaan ko para sa'yo. Sinakripisyo ko ang marangyang buhay para sa'yo pero niloko mo lang ako. Sana masaya ka sa landas na pinili mo Rod. Salamat Rod. Salamat kasi natauhan ako.” “Nadia naman patawarin mo na 'ko. Handa kong iwan si Georgia. Ayusin natin 'to, bumalik kana. Hindi ko pala mahal si Georgia. Ikaw pala talaga ang—” Pagak na tumawa si Nadia. “Nakakahiya ka Rod. Para talaga makuha ang gusto mo handa mong isangkalan kahit sino? Shame on you!” Mariing saad pa niya bago ito inirapan. Lumuhod si Rod sakaniya. “Patutunayan ko na mag ba-bago ako Nadia. Pakiusap wag mo naman gawin sa akin 'to.” “Lumabas kana.” Utos niya. Tinawag ni Nadia ang sekretarya niya upang palabasin na si Rod. Ngunit makulit si Rod at ayaw lumabas sa office niya. “Don't do this to me Nadia.” Pakiusap ni Rod. “G*go ka!” Malakas na sigaw ng kuya ni Nadia. Nakauwi na pala ang kuya Primo niya from Australia. For sure s'ya ang dahilan kaya ito umuwi. “Don't you dare touch my sister!” “B-Bayaw! Bayaw tulungan mo naman ako. Hindi ko naman sinasadya eh.” “Bayaw?! At talagang may kapal ka pa ng mukha na tawagin akong bayaw? Tama na ang pag pa-panggap na gusto kita para sa kapatid ko. Sinalang-alang ko lang naman ang nararamdaman niya kapag sinabi kong ayaw ko sa'yo e, pero ngayong may dahilan na ako? Umalis kana bago pa kita masaktan Rod. Parating narin si Dad kaya umalis kana. Mas lalo kalang magiging kawawa dahil si Dad. Hindi s'ya 'yung taong palalampasin ang ginawa mo.” “Tumawag ka ng guards.” Utos ng kuya Primo niya sa sekretarya niya. Lumong-lumo si Rod ng samahan ito ng mga guards palabas sa building. “I'm so proud of you princess.” Niyakap siya ng kaniyang kapatid. “Sorry kuya 'di ako nakinig.” “Nah, it's fine at least nakapag explore ka on your own. Paniguradong may aral kang matutuhan sa nangyari. At ang relasyon madalas talaga hindi iyan nagiging maganda. Minsan akala mo s'ya na pero hindi pala. S'ya lang pala ang mag bi-bigay ng aral sa'yo. At sa maniwala ka o hindi, may darating na isang tao 'yung para sa'yo talaga.” “Salamat kuya Primo.” ************ Samantala ang mag ka-kapatid namang si Paul, Jasper at Badong ay kanina pa nakauwi. Dinatnan nilang magulo ang bahay. “Paniguradong galing si Mama dito, baka kumalkal na naman ng pera mo kuya Paul. Si Mama talaga walang patawad.” Naiiling si Jasper. Paniguradong iyon nga ang nangyari kaya magulo ang mga gamit sa bahay nila. “Iligpit nalang natin.” Tanging sabi niya bago nag simula ng mag ayos. Wala rin naman magawa ang dalawa niyang kapatid kundi tumulong sakaniya. “Ma, bakit naman ho ginulo ninyo ang mga gamit?” Ito ang bungad na tanong ni Paul ng makauwi ang ina niya. Hinintay talaga n'ya ito upang makausap. “Bakit? E, sa hinahanap ko kung may iniwan ka eh. Nakakainis kasi wala kang iniwan Paul.” “Dapat ho ba palagi akong may iwan para sainyo? Palagi ho bang kami ang mag paparaya at uunawa sainyo? Ma, anak mo kami. Sana naman maramdaman namin na may ina pa pala kami na nagmamahal sa amin. Bumalik lang ho kasi kayo para pahirapan kami eh.” Hindi na kinaya ni Paul at nakapag salita na siya sakaniyang ina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD