“Wow! Napakalaki naman ng building na iyan kuya Paul!”
Napangiti si Paul. “Sikat na kompanya iyan Jasper. Dito kalang bawal tayo sa loob niyan sabi ng mga guwardiya. Hanggang dito lang tayo.”
“Sana isang araw makapasok ako diyan.” Punong-puno ng pag-asa ang kapatid niyang si Jasper. “Kuya kapag nakabalik na ako sa pag-aaral magiging trabahador ako diyan at magiging proud kayo sa akin ni Badong at Papa!”
Napasulyap siya kay Badong. Malaki kasi talaga ang tampo ni Jasper sa ina nila. S'ya rin naman ayaw lang niyang dagdagan pa ang bigat na dinadala ng mga kapatid niya. Sinasarili nalang ni Paul. Dahil dapat sakaniya nag si-simula ang pagiging mabuting ehemplo sa dalawa niyang nakababatang kapatid.
“Kuya hindi mo ba na mi-miss si ateng ganda? Dalawang araw na simula ng makauwi s'ya sakanila. Sa tingin mo kahit paano maaalala n'ya tayo?” Iniba ni Badong ang usapan.
“Hindi ko alam anong problema ng babaeng iyon pero sa tingin ko naman maayos na siya. Sapat na ang nakatulong tayo kahit sa simpleng paraan lang. Hindi natin kailangan maging mayaman o humingi ng kapalit para lang tumulong. Nauunawaan ba ninyo si kuya?” Tanong pa n'ya.
“Opo!” Sabay na sagot ng dalawa.
Ngunit may dinugtong pa si Jasper. “Sa ganda ni ate hindi ka tinamaan? Sana wala pang boyfriend iyon. Bagay kasi kayo hehehehehehe. Ilalakad ka namin oras na makita ulit natin s'ya. Sana nasa maayos siyang kalagayan.”
Natawa na lamang si Paul. Si Jasper talaga ano-anong sinasabi. Nandito sila sa Imperial Building dahil raket nila ang manguha ng mga pambentang basura. Ubos na kasi ang paninda niya at mapilit ang dalawa niyang kapatid na manguha ng kalakal upang may ipang dagdag daw sa kita.
Ngunit hinihintay pa nila ang staff sa building na mag tapon kaya nakatambay na muna sila sa labas.
************
“Ma'am gusto po ni Mr. Dan na mag schedule agad ng meeting.”
“Wala munang meetings and appointments for the whole week, may uunahin pa akong trabahuhin.” Sagot ni Nadia sa sekretarya niya na nakabuntot sakaniya.
Tumango naman ito. Bumukas ang pinto ng building since automatic naman ito. Hinarang siya ng guwardiya. Inalis ni Nadia ang shade niya at seryosong sinulyapan ang humarang sakaniya.
“Ma'am sorry protocol lang po.”
“Sira kana ba? S'ya ang may-ari nitong building. Anak s'ya ni Mr, and Mrs, Imperial. Note that kung gusto mo pang—”
Pinutol niya ang kaniyang sekretarya. “It's fine 'di naman n'ya alam. At least ginagawa n'ya ang trabaho niya.”
Mabilis na humingi ng paumanhin ang guwardiya at agad na um-escort sakanila.
“Saan ang area ni Rod Fuentes?” Tanong niya sa sekretarya ng makapasok sila sa elevator.
“Ma'am sa third floor po. Gusto po ba ninyo na ipatawag ko s'ya?”
“Nope, no need may paa naman ako para pumunta sakaniya.”
Tumango naman ito. Dumiretso na sila sakaniyang office at mahigpit ang bilin niya na wag mag papapasok ng kahit na sino dahil gusto niyang mag focus.
Ngunit 'di niya matiis na 'di puntahan si Rod upang gulatin ito. Ilang minuto palang ang nakakalipas ay nag paalam na siya sa sekretarya niya na may pu-puntahan lang. Binilin niyang wag itong susunod. Gusto niyang mag isa lang s'ya.
Ngunit pag punta niya sa pwesto ni Rod ay wala ito. Ayon sa mga katrabaho nito ay lumabas daw ito upang bumili ng kape. At talagang may tapang pa itong mag chill?
Nais niyang masalubong ito kaya lumabas siya. Balak pa nga siyang samahan ng guwardiya ngunit hindi na niya ito pinayagan.
Ilang minuto lang ay natanaw na niya si Rod, may nakapalupot pa ngang babae rito. Ito ay ang babaeng nakita niya sa labas ng kanilang bahay nung araw na hinihiwalayan na siya ni Rod.
“Amazing!”
Pumalakpak siya.
“N-Nadia?” Gulat si Rod ng makita siya.
“Babe bakit nandito ang ex-wife mong iyan? E, di'ba mahirap kang s'ya? Wala naman tinapos ang impokritang iyan?” Maarteng tanong ni Georgia.
Pagak na natawa si Nadia. “So, ako pa pala ang impokrita? Gosh! The audacity! HAHA!” Sarkastikang saad niya.
Mapang insultong sinuri niya si Georgia. “So, pati pala ang babaeng para sa lahat na 'to e, dito nag ta-trabaho?”
“Bibig mo!” Dinuro siya nito.
Sasagot pa sana siya ng may marinig siyang guard na sinisigawan ang tatlong tao. Napasulyap siya saglit ngunit 'di na nawala ang tingin niya ng mamukaan kung sino ang tatlong ito. Si Jasper, Badong at si Paul ang itinataboy ng guard.
Walang pag aalinlangan niyang iniwan ang dalawa upang puntahan sila Paul. Sinaway niya ang guard na kanina lang ay humarang din sakaniya.
“Bakit mo sila itinataboy?” Galit niyang tanong.
“Ma'am,” takot ang expression nito. “Bawal po kasi ang makalkal ng basura dahil baka kumalat lang po ulit.”
“Leave them alone.”
“Yes ma'am.”
“Loh! Si ate ganda pala ito eh!” Tuwang-tuwa si Jasper.
“Ate bakit nandito ka? Diyan kaba nag ta-trabaho?” Tanong naman ni Badong.
“Well, ako ang may—”
Hindi niya natuloy ang sinasabi niya dahil ayaw nga pala niyang ipaalam kung sino siya dahil baka samantalahin na naman siya. Hindi man ng mga batang ito ngunit maaaring ang kapatid nilang si Paul.
“Ah, oo diyan ako nag tra-trabaho, staff lang rin ako.” Sagot niya.
“Ma'am?” Takang-taka ang guwardiya.
Sumenyas siya na wag itong maingay at na gets naman agad ito ng guard.
Ngunit nakaligtaan nga pala niya ang dalawang makapal ang mukha. Ito narin naman ang lumapit sakaniya. Curious na curious yata kung bakit siya nasa kompanya.
“Bastos ka! Hindi pa tayo tapos mag usap!”
Hinablot siya ni Rod.
Palihim siyang sumenyas ulit sa guard na hayaan ito.
“Bakit ka nandito? Paanong—”
“Huwag mo siyang saktan.” Saway ni Paul. “At wag mo siyang kausapin ng ganiyan.”
“At sino ka namang hampas lupa ka?”
“Pigilan mo 'ko kuya Paul ihahampas ko talaga sa lupa 'yan.” Wika ni Jasper na napakatapang.
“Mga pulubi!”
“Enough Rod!” Saway ni Nadia.
“Sir bawal ho mag eskandalo dito.” Nakisaway narin ang guard.
“For sure ibebenta ang katawan upang makapasok dito! Ganiyan siya kadesperada na masundan ka babe.” Mapang insultong sabi pa ni Georgia.
Hinarap niya ang tatlo at 'di na pinansin sila Rod.
“Umuwi na kayo.” May inabot siyang pera kay Jasper.
Ngunit ibinalik ito ni Paul. “Hindi na ito kailangan.”
Inaya na ni Paul ang dalawa at umalis na. Napahiya siya sa ginawa niya. Napapabuntong hininga siya bago muling humarap sa dalawa.
“Rod sinabi ko naman sa'yo mali ka ng sinayang. Ipapatawag kita sa office ko ngayon.” Sinulyapan niya si Georgia. “Congrats ikaw ang una kong tinatanggal!” Natatawang bati niya bago lumakad na papasok sa loob ng building.