Minsan ko na itong nabasa sa isang pocketbook, kung hindi daw mother-in-law ang magiging kontrabida ay ang sister-in-law. Pero hindi, napailing ako sa sarili. Hindi pwedeng mangyari sakin ang mga nakasulat lamang sa pahina ng librong 'yun. Napakarami na naming pinagdaanan ni Xeno kaya impossibleng pati marriage life namin may kontrabida pa rin. Hindi ba pwedeng circumstantial problems lang or tampuhang mag-asawa? Arrrgh. How frustrating! Xeno asked me to sit in the couch habang nilalapatan niya ng first aid ang mga daliri ko. Nanonood lang ang mga tao sa paligid namin maliban kay Amethyst na worried na worried. Tulad pala ng kuya nito ay may takot ito sa dugo. Parang mauuna pa siya mahimatay kanina ng nakitang dumudugo ang mga daliri ko. She's really cute. "You've change a lot Xeno. Tul

