C51 HH “H-ha?” Napa-angat ako ng mukha ng marinig ang sinabi ni Ansel. Baka kasi mali ang narinig ko mula sa kanya. Alam ko rin na galit si Ate sa akin ngayon dahil hindi ko sinunod ang gusto niya. nang malaman kasi namin na nandito siya ay mahigpit akong sinabihan ni Ate na ‘wag lumabas at hayaan ko sila ni Kuya Caleb na sila ang kumausap kay Ansel, ngunit nang makita ko siyang lumuhod at umiyak ay labis akong nasaktan at hindi ko siya kayang makita na umiiyak. Alam kong mahal na mahal niya ang mga anak namin. “I said I love you,” hindi ako nakagalaw matapos niyang siilin ng maalab na halik ang aking labi. “Since we’re in college I started to love you,” napatitig ako sa kanya dahil sa kanyang sinabi. Dahil kung mahal niya ako, bakit niya ako sinaktan noon. Bakit niya ako laging pinapah

