C52 HH SPG Masayang-masaya ang mga anak namin habang sakay kami sa private plane ni Ansel. Mahigit dalawang buwan kaming nanatili sa Paris at ngayon lang kami umuwi ni Ansel. Ayaw pa sana naming umuwi kaso si Daddy panay na ang tawag niya kay Mommy at gusto na niyang umuwi si Mommy, kaso ayaw umuwi ni Mommy kapag hindi kami kasama. Nang makarating kami sa Pilipinas ay agad kaming sinundo ng driver at si Mommy naman ay sa kotse ni Daddy. Taka naman akong napatingin kay Ansel dahil ibang daan ang dinadaanan namin at hindi ang papunta sa kanilang mansion. “Saan tayo pupunta?” Nilingon niya ako at ningitian habang hawak niya sa kanyang braso si Jenzel. “It’s a surprise Wife,” napangiti ako sa kanyang sinabi. Mula rin noong nasa Paris kami ay naginging malambing na siya sa akin at hindi na

