Kabanata 67: Ang Isla ng Mabudhi HINDI alam ni Denzel kung ano ang kanyang naramdaman nang lumipad na ang kanilang eroplano na sinasakyan. Ang dami niyang iniisip na mga bagay-bagay. At ang dami niyang mami-miss. Tila nag-iba ngayon ang kanyang saloobin when it comes sa mga bagay na hindi naman niya binibigyan ng interest noon. “Okay ka lang ba ate?” tanong ni Boyet. Tabi sila nitong nakaupo ngunit siya ang pinakamalapit sa bintana. “Oo, may iniisip lang ako,” aniya. “Kung ang iniisip mong iyan ate ay bumabagabag saiyo ay pwede mo akong sabihan. Willing po akong makikinig sainyo dahil kasama ninyo ako.” “Naku, ikaw talaga... hindi naman siya problema sa aking isipan kumbaga mga sumagi lang na isipin at maya-maya ay mawawala din naman kaagad.” “Okay ate, akala ko kung ano na. Basta a

