Kabanata 68: Piste sa Isla ng Mabudhi HABANG inaayos ni Denzel ang kanyang mga gamit ay hindi niya mapigilang huwag titigan si Boyet. Napakaamo ng mukha nito at talagang binatilyo pa itong tingnan. Kung hindi siya nagkakamali ay nasa edad palang sila ni Boyet no’n nang wala pang gaanong nalalaman sa pagiging agent bukod sa pakikipag-away lang. Naghahanda na rin ito para sa kanilang magiging buhay simula bukas. “Ano kaya ang sasalubong sa atin sa islang iyong Ate Denzel?” napaisip na tanong ni Boyet. “Hindi ko rin alam, e. Huwag nalang tayong mag-isip ng maraming bagay tungkol sa isla na iyon baka madisyama lang tayo sa ating mga expectation,” aniya. “Tama po kayo riyan, Ate Denzel. Pero sa tingin niyo po ba ay pangit roon dahil nasa dulo na ito ng bansa?” “Hindi ko masasabi ngunit

