Kabanata 52: It Is Not Love Without Pain And Sacrifices A LOT of people said, kung kayo talaga ay kayo talaga kahit ano pang pagsubok na inyo pagdadaanan kung kayo talaga ang itinadhana ng para sa isa’t-isa ay you can get through all the pain ang struggles. “Ano ang ginagawa mo?” tanong ni Tita Inday. “Sinusubukan ko pong gumawa ng salad Tita,” kasalukuyang gumagawa ng mga kung anong pagkain si Denzel na pwede niyang lutuin at gawin dahil excited siyang makita muli si Crim Carl. Expected na ngayon ang uwi ng nobyo dahil nagawa na nito ang misyon. Napatunayang may ilegal nga na trasaksyon sa lugar na pinuntahan ni Crim at doon nito napagtanto na mga droga pala ang kalakalan ng Skull. Kahit kailan talaga ay malaking suliranin sa kanila upang alamin kung saan nga ba ang main base ng Skull?

