Kabanata 53: Trahedya sa Araw ng Kasal KABADONG-KABADO si Denzel habang nakaayos na ang lahat sa kanya. Naisuot na niya ang kanyang magandang wedding gown. Nakahanda na siya papuntang simbahan. Hindi maiaalis ang ngiti sa kanyang mukha dahil labis siyang kinikilig sa mangyayari sa kanila ni Crim Carl. Sa wakas ay dumating na ang araw ng kanilang pag-iisang dibdib. At sa lalaking matagal na niyang pinapangarap! “Ma’am, nakahanda na po ang inyong bridal car,” wika ng isang babae. Kasali ito sa mga staffs ng wedding organizer. “Woahh! This is it,” napabuga ng hangin si Denzel upang mailabas ang kaba sa kanyang puso. Inilalayan siya ng mga staff palabas ng kanilang bahay at nandoon na nga ang kotse. May magandang desenyo iyon ng mga bulaklak. Talagang nagiging bridal car na ito! “Goodluck

