Kabanata 54: Bagong Misyon! HABANG KUMAKAIN si Denzel ay napapansin niya ang balisang mukha ng nobyo. Hindi ito makatingin ng diritso sa kanyang mga mata kaya medyo nagtaka siya. At ngayon lang umakto ng ganoon si Crim Carl! “May problema ba Crim?” nakakunot-noong tanong niya rito. Sa ekspresyon palang ng mukha nito ay parang mayroon nga. “Look, pwede naman natin ma-reschedule ang kasal natin, e. Ngunit sa pagkakataong iyon ay tayo-tayo nalang sana pamilya at iba pang importante sa ating buhay para maiwasan na ang ganoong gulo.” “Tama ka... pero,” napayuko ang nobyo dahilan para makaramdam ng kaba si Denzel. “Pero? Sabihin mo sa akin Crim Carl kung ano ang bumabagabag saiyo?” “Huwag ka sanang magagalit o magtatampo, Babe.” “Ano iyon?” Sa mukha palang ng lalaki ay tila seryoso ang sas

