Kabanata 55: Muling Paglisan LABIS na kalungkutan ang naramdaman ni Denzel habang unti-unting nawawala ang eroplano sa kalangitan. Sa labis na kalungkutan at pangungulila sa nobyo ay bumuhos ang kanyang mga luha. Hindi na sana dapat gawin pa ito ni Crim Carl. Sobra niyang mami-miss ang lalaki dahil hindi niya alam kung kailan ito babalik. “Tahan na, babalik din naman si Crim Carl, e. At isa pa nasa Pinas lang siya. Pwede pa siyang babalik dito anytime,” ani ng ginang. “Mami-miss ko po siya. Hindi ko alam kung ano pang mga pagsubok na kahaharapin ng aming relasyon pero handa akong harapin ang mga ‘yon Tita. Sana ay ganoon din siya, maghihintay ako sa kanya.” “Dapat lang na hintayin mo siya dahil ikaw dapat ang unang magbibigay suporta kay Crim Carl. Alam mo naman ang trabaho ninyo hind

