Kabanata 56: Pagkamatay sa Misyon NAGBULONTARYO si Denzel na siya nalang ang magluluto sa umagang iyon kasi maaga siyang nagising dahil sumakit ang kanyang tiyan. Ginawa niya na lamang ang kanyang morning ritwal at pagkatapos ay nagtungo na sa komedor. Mabuti na lamang at pumayag si Inday. Most of the time ay ito na talaga ang nagluluto sa kanila ni Lumino ng agahan. May mga nakahanda nang lulutoin kung kaya’t awtomatik na siyang nagsalang ng mga lulutuin. May kinuha siyang isang baso at nilagyan iyon ng tubig. Gagamitin niya ito pangdagdag ng sabaw kung baka sakaling magtuyoan ang nilulutong karne ng manok. Isinantabi niya muna ang baso at nagpatuloy sa paghahalo. Habang ginagawa niya ‘yon ay napatalon siya sa sobrang gulat dahil nahulog ang baso sa sahig! “s**t!” pagmumura niya. Nap

