Prt. 2 Kabanata 83: Katotohanan NANG masigurong maayos na ang katawan ng lalaki ay kanilang na muna itong pinahabilin sa Morge dahil naghahanap pa sila nang pwedeng magiging kasama sa pagpunta sa tribu. Mabuti na lamang at may mga mabubuting barangay official ang nag magandang loob upang samahan sila ni Boyet. Buong araw ay hindi nakita ni Denzel si Luiton. Malamang nandoon ang lalaki sa silid nito at walang pakialam sa nangyari. Kanilang napagdesisyunan na bukas na bukas rin ng umaga ay magtutungo sila sa tribu. Medyo kabado si Denzel ngunit nandoon ang saya dahil may matatanungan na siya tungkol kay Crim Carl. Kahit papaano ay naiisip niya pa rin iyon. “Ayos ka lang ba ate?” tanong ni Boyet habang kumakain sila ng hapunan. “Oo, huwag mo akong isipin.” “Iniisip mo pa rin ba ang nang

