Prt. 1 Kabanata 84: Sa Puso ng Gubat HINDI na rin sila nagtagal sa tribu. Sapat na ang nalaman ni Denzel na impormasyon sa babaeng nagngangalang Ally. Malaki na talaga ang kanyang hinala na si Crim Carl ang lalaking nawalan ng alaala. Sanay ay gumaling na ang lalaki at magbalik na ito sa kanila. Naging madali para sa kanila ang pagbalik dahil parehong daan lang ang kanilang binaybay. Umuwi na muna sila sa suites at doon naabutan nila si Luiton na mag-isang kumakain ng hapunan. Gabi na nang dumating sila kaya diritso na ang kanilang kain. “Kuya Lui, kumusta ka na?” magiliw na bati ni Boyet. Kung umakto ang moklo parang wala itong iniisip na masama sa lalaki. “Heto, medyo bumaba na ang lagnat,” sagot ng lalaki. “Bakit ba kasi nilagnat ka bigla?” umupo si Denzel sa harap ng lalaki. “Ma

