Pt. 1 Kabanata 72: Ang Kalaban MALALIM na ang gabi at nasa labas pa rin si Denzel at Boyet. Hindi pwedeng manatili lang sila sa loob ng bahay gayong hindi pa nila nari-resulba ang kanilang problema rito kahit pa’y hawak na nila ang tatlong lalaki na may kinalaman sa mga pagdukot at pagpatay. “Pupunta kaya ngayon ang mga sindikato ate?” tanong ni Boyet habang nakasandal ang katawan nito sa malaking kahoy. “Hindi ko alam ngunit tingnan natin, wala namang mawawala kung manatili tayo rito magdamag at matutulog ng umaga,” aniya. “Sige po... Ate, habang naghihintay tayo, may tanong sana ako.” Kumunot ang noo ni Denzel, “ano ‘yon?” “Kumusta ang puso mo?” Napaisip si Denzel. Sa lahat nang pwedeng itanong ni Boyet ay bakit ganoon pa. “Okay lang naman itong aking puso. May saya ngunit nando

