Kabanata 71: Pagkilatis NAUNANG nagising si Denzel kay Boyet. Tulog na tulog ang binatilyo. Mukhang napagod talaga ito ng husto buhat nang wala silang tulog. Lumabas siya sa kwarto at napaingin sa kabuuan ng sala. Walang tao sa loob at hindi alam ni Denzel kung saan ang mga kasamahan rito sa bahay. “Agent Denzel.” Biglang lumabas si Lorencio sa kabilang kwarto. Kagaya nila ay mukhang nagpapahinga din ito. “Gising ka na rin pala,” aniya at ngumiti. “Oo, mukhang sapat na naman ang aking tulog.” “Mabuti kung ganoon,” biglang napaisip si Denzel. “Pwede mo ba kaming samahan ni Boyet sa paghalubhb nitong isla? Nakasisiguro kasi ako na may parte sa islang ito na pwedeng pagtaguan pansamamantala ng sindikato,” aniya. Impossibleng wala gayong hindi naman palagi nagpupunta ang submarine na gin

