Kabanata 70: Pagsuplong SUMAPIT ang bukang liwayway at gising pa rin sina Denzel. Hindi pwedeng kanila nalang itong pabayaan na magising at matutulog sila. “Matagal pa ba bago magising ang lalaki na ‘yan?” tanong ni Lorencio habang nakatitig ito sa natutulog na lalaki. “Mukhang napalakas ang tama sa kanya pero magiging okay na ito maya-maya. Kanina pa sana ito magigising mukhang natuluyang matulog,” wika ni Boyet. “Ano ang plano natin sa lalaking ito? Saan natin siya itatago?” tanong ni Lorencio. Kanina pa rin ito tinatanong ni Denzel sa kanyang isipan dahil wala din siyang alam kung saan pwede itago ang lalaki upang ito’y matanong na nila. “Baka makatulong sa atin si Kapitan, Kuya Lorencio?” anas ni Boyet. “Hindi naman pwedeng makita ito ng mga tao na ating dadalhin kung saan. What

