DAHIL hindi ko alam kung ano ang magiging reaksiyon ko sa nalaman ay mas pinili ko ang tumakbo papalayo sa kanilang lahat. Nagmamadali akong tumakbo paakyat sa pangalawang palapag ng bahay habang binabalewa ang pagtawag nila sa pangalan ko. Dumeretso ako sa kwarto ko at ini-lock ang pinto. Ang tanging gusto ko lang ngayon ay ang mapag-isa. Gusto kong lumayo sa lahat para makapag-isip ng maayos. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa nalaman. Pinuntahan ako noon ni Aeious! Pinuntahan niya ako! Nang umalis ako ng Antipolo, sinasabi ko man sa sarili ko na puputulin ko na si Aeious sa buhay ko at ang lahat ng Salcedo, alam kong sa kaloob-looban ko ay naghihintay ako sa kanya. Umaasa akong susundan niya ako para humingi ng tawad at makipag-ayos. Umaasa akong sa huli ay ako pa r

