MATAPOS magpakilala ni Creios kay Hraevne ay naramdaman ko ang mga mata sa akin ng pamilyang Salcedo. Naguguluhan ko silang pinukol ng tingin. Para bang may gusto silang iparating sa mga titig nila sa akin. "Creios..." usal ni Hravene at tumayo na mula sa pagkaka-squat sa harapan ng anak ko. "Sounds like Aeious, huh?" Bahagyang umawang ang bibig ko. Kung tutuusin ay wala lang sa akin 'yon, pero ang paraan ng pagkakasambit doon ni Hraeven ang bumabagabag sa akin. Parang nanunukso siya at may gustong iparating. Natuon na sa iba ang atensiyon ng lahat nang lumapit si Ninang Rhea kay Creios at nagpakilala. Kaya binitiwan ko na ang kamay ng anak para maayos siyang magpakilala sa bagong dating na mga bisita. Naging sunod-sunod ang paglapit ng pamilyang Salcedo kay Creios. Pagtapos ni Ninang

