NANG iparada ko ang kotse ko sa tapat ng bahay namin ay awtomatikong nagtungo ang mga mata ko sa rear mirror para tingnan ang kotseng nakasunod sa akin. Tulad ko ay pumarada rin ito sa harapan ng bahay namin. Tulad ng napag-usapan namin kanina noong nasa restaurant kami ay sabay kaming nagtungo rito sa bahay. Napabuntong hininga muna ako bago napagpasyahang bumaba na ng kotse. Naglakad ako palapit sa kotse ni Aeious nang mapansing nasa loob pa rin siya nito at kinatok ang bintana ng kotse. Nang ibaba ni Aeious ang bintana ng kotse niya, ang nakakunot noong mukha ko ang sumalubong sa kanya. "What are you doing? Wala kang balak na bumaba?" mataray kong tanong. Bahagya siyang napalabi sa sinabi ko at sunod-sunod na tumango. Nagtanggal na siya ng seatbelt niya at saka bumaba na. Hindi pa

