CHAPTER 34

1987 Words

AKMANG bibitbitin ko ang paper bag ng mga pinamili ko nang maunang kunin 'yon ni Arthur kaysa sa akin. Matapos noon ay iginiya niya ako paalis ng counter at alalay-alalay habang naglalakad kami palabas ng grocery. Nang makarating naman sa parking area ay puno ng pag-iingat niya akong isinakay sa kotse niya bago siya sumakay. Wala akong magawa kundi ang makaramdam ng ilang dahil sa pagiging maalaga sa akin ni Arthur na sa tingin ko ay sobra-sobra na. Kahit kakaunting galaw ko lang ay nakaalalay agad siya sa akin hanggang sa ako na lang ang maiilang sa ginagawa niya. "Ako na," napalakas kong sabi nang akmang ilalagay sa akin ni Arthur ang seatbelt. Nabitin tuloy si Arthur sa ginagawa niya at napapahiyang bumalik sa kinauupuan niya. Nakaramdam ako ng pagkakonsensiya dahil sa ginawa kong p

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD