I CLOSED my eyes and let out a deep sigh. Marahan kong minasahe ang sintido ko upang mawala ang bahagyang p*******t ng ulo ko. Malamang ay dahil ito sa katititig ko sa screen ng laptop ko. Magmula kasi ng pumasok ako kaninang umaga sa opisina ay wala pa akong tigil sa katatrabaho. Ngayon lang. Nagmulat ako ng mga mata at kinuha ang phone ko sa ibabaw ng office table ko. May ngiti ang sumilay sa labi ko nang makita ko ang isang notification. I received a message. Nakangiting napailing ako nang makita kong nag-send si Mommy ng photo nila ni Creios. He was smiling from ear to ear at makikita sa background niya ang natatawang mukha ng mommy ko. There was still a smile on my lips when I called my mommy. Ilang ring pa lang ay sinagot na niya ang tawag. "Laurent," bungad niya sa kabilang liny

