"LAURENT, are you okay?" Nabalik ako sa realidad dahil sa tinig ni Daddy. Kumurap-kurap ako at itinuon ang tingin sa kanya. Wala sa sariling tumango ako. "But you don't look okay," ani Daddy habang pinagmamasdan ako. Bahagya akong natigilan bago napabuntong hininga. "I'm fine, Daddy. I was just... thinking," hindi sigurado kong sabi, sinusubukang magpalusot. "By the way, today is your cousin's interview in our company. Ikaw na ang bahalang mag-interview sa kanya, and tell me if she's suitable for the job," biglang pag-iiba ng usapan ni Daddy. Tumango-tango ako. "I almost forgot about that, buti pinaalala mo, Daddy." Dahil sa dami ng nangyari noong nakaraang linggo ay hindi ko na masyadong napagtuunan ng pansin ang tungkol sa trabaho. Madalas kasi ay kahit nasa trabaho ako, ang utak k

