RAMDAM ko ang panginginig ng buong katawan ko. Tila biglang niyanig ng isang malakas na lindol ang mundo ko dahil sa narinig na mga salita galing kay Aeious. Ilang beses akong lumunok para magsalita, pero kahit ilang beses na lunok ang gawin ko ay tila walang talab. Tuluyan nang naumid ang dila ko dahilan para hindi ako makapagsalita. Hindi ko alam kung anong masamang hangin ang umihip kay Aeious dahilan para masabi niya ang bagay na 'yon. Paanong pumasok 'yon sa isipan niya? "He's my son, right?" pag-uulit ni Aeious sa sinabi niya kanina. Ginawa kong blangko ang mukha para hindi niya mabasa kung ano ba ang totoong nararamdaman ko ngayon. "Answer me, Laurent," may diin niyang sabi nang ilang segundo na ang lumilipas ay hindi pa rin ako nagsasalita. I laughed without humor. "Gago ka b

