NANUNUYOT ang lalamunan ko habang pinagmamasdan ko si Creios na mukhang hinihintay pa rin ang tugon ko sa sinabi niya, pero wala akong mahanap na salita para itugon sa kanya. Ito na ang kinatatakutan ko. Alam kong balang araw ay magtatanong din sa akin si Creios tungkol sa ama niya lalo na't sa paglipas ng panahon ay tumatanda na siya at nagkakaisip. Hindi habangbuhay na bata siya. Pero hindi ko pa rin pala napaghandaan ang araw na ito. Hindi ko pa rin napaghandaan ang magiging sagot ko sa anak kung sakaling magtanong siya. "Kung hindi siya, sino po, Mommy?" tanong na naman ni Creios nang wala siyang makuhang tugon sa una niyang tanong. Nag-iwas ako ng tingin kay Creios at napalunok. Kung siguro nasa sapat na taong gulang na siya ay maiintindihan niya agad kung bakit umaakto ako ng gani

