NAPALUNOK ako at dumapo ang tingin sa center table kung saan nakalapag ang phone ko na kanina pa nagri-ring. Pati ang mga mata nila Mommy at Daddy ay roon dumapo at nang makitang hindi ko 'yon kinukuha ay naguguluhan silang tumitig sa akin. Bahagya akong nakaramdam ng kaba dahil sa tingin nila sa akin. Natataranta ako at hindi alam kung ano ang sasabihin. Wala pa man sila sinasabi o tinatanong ay kinakabahan na agad ako. "Hindi ko kilala 'yan..." hindi sigurado kong sabi, kinakabahan pa rin. Hindi ko alam kung bakit ako nagpapaliwanag kahit na hindi pa man sila nagtatanong. "Kaya hindi ko sinasagot." Bahagya akong nakahinga nang maluwag nang tumango ang mga magulang ko at tila naniwala sa idinahilan ko. "I-block mo na lang para hindi ka guluhin, kanina pa kasi nagri-ring ang phone mo,"

