Hindi ko alam kung paano ko sasabihin kay Daddy at Mommy ang plano ko. They thought Gavin is my boyfriend when he’s not. Hindi ko pa rin nasasabi sa kanila ang tungkol sa amin ni Lucas kahit pa isang linggo na ang lumipas mula no’n. Sa loob ng isang linggo ay parang wala pa ring nagbago sa set-up naming dalawa. Madalas pa rin ang pagbisita ko sa kaniya pero ngayon ay sa condo na. Madalang na siyang pumunta sa rest house nila dahil ayon sa kaniya ay wala nang dahilan para manatili roon. Lola Bening left for Iloilo and Lucas doesn’t want to stay in that house anymore. I was slightly disappointed because that house is somewhat special for me. He also said that his cousin is planning to fully renovate the house which Lucas opposed. “Sasama ka sa Catanduanes?” My Dad blurted out of nowh

